3

1091 Words
Yessa POV "Congratulations Police Captain Yessa Perez" palakpak pa ni Chimmy sa akin. Na promote kasi ako. "Wow ang galing mo talaga. Drug lord talaga ang nahuli mo? Iba talaga yang kamandag ng ganda mo" dagdag pa nya. "Saka mo nalang ako i-congratulate kapag nahuli ko na ang pumatay sa buong pamilya sa probinsya. Masyadong matinik ang kalaban natin." ani ko " What if isa palang Mafia ang kalaban Yessa? Hindi kaya mapahamak ka. Sayang ang lahi mo. Ang ganda-ganda mo pa naman. Si Chimmy "Thanks Chim pero kailangan kong ma solve ito, gusto ko lahat ng hawakan kong kaso ay masolved para mabawasan na rin ang mga masasamang tao sa mundo." sabi ko "Sabagay magaling ka naman, pwede ba kitang isama mamaya pagkatapos ng work natin sa club? Yung friend ko kasi hindi naniniwala na maganda ka. Eh kasi akala nila si Betty la FEA ka.hihihihi." tawa nya pa sira ulo talaga. "Hayaan mo sila ayoko namang magpakita ng tunay kong itsura sa kanila." pagtanggi ko sa paanyaya niya "Please!!! please!!! last na to may pustahan kasi kami ni Joseph sayang din, limang libo Piso din yun pambayad ko pa sa rent ko sa apartment ko. Please mamayang gabi lang naman, last na paki-usap." lumuhod pa si Chimmy. Natawa naman ako sa itsura nya. "Sige pagkatapos ng show natin sa club. Sabihin mo hintayin tayo" pumayag na rin ako. Wala rin naman akong gagawin isa pa sayang rin yung limang libog piso malaking tulong para kay Chimmy yun. Kinagabihan pagkatapos kong mag performed ay nag-aya na si Chimmy na lumabas nandyan na daw yung mga kaibigan nya. Nagsindi muna ako ng yosi. Inalis ko na rin yung fake face ko. hihihi bago kami lumabas. Nakatalikod ang dalawang lalaki sa amin mukhang busy sila mag-usap hindi nila kami napansing nakalapit na. "Hey Joseph!" tawag ni Chimmy sa isang lalaki. Sabay pa silang dalawang tumingin. Nakakatawa lang dahil nung makita ako ay bigla nalang natulala at ang masaklap ay pareho pang nakanganga ang mga bibig nila. "Hey boys!!! Alam kong maganda lang ako, pero wag naman kayong maglaway dyan na parang aso. hehehe" pang-aasar ko pa sa kanila. " Ikaw ba yung singer sa club? Isay ba??? tanong nung lalaki. " Joseph sya si Yessa, si Isay kapag Betty la FEA pa ang face nya at oo sya yung singer naming maganda ang boses. hihihi sagot ni Chimmy " Weh??? talaga bang yan na ang tunay mong mukha pahawak nga" di makapaniwalang sabi ni Joseph. Akmang hahawakan ang mukha ko. " Yes ako nga! Yessa Perez nga pala" sabay iwas ng mukha ko pero inabot ko naman ang kamay ko sa kanya. Nakipag shake hands naman sya sa akin. Sabay pakilala pa nya sa katabi nyang lalaki. Wow na wow grabe ka gwapo naman nung kasama nya. Makalaglag panty. Teka may panty ba ako? Sabay kapa ko sa beywang ko. hihihi meron naman! " Yessa si Greg kaibigan ko" sabay turo nya kay Greg. Greg pala, yan ang mga type kong lalaki. "Hi! I'm Greg! Mas maganda siguro miss kung alisin mo ito sabay kuha ng yosing hawak ko imbis na kamayan ang isang kamay ko. Antipatiko! Sayang naman yung yosi ko... "Sayang yun, kamahal pa naman eh!" bulalas ko pa sa sobrang inis. Di naman ako pala yosi, ginagawa ko lang yun pang alis umay at syempre para astig tingnan. Sa trabaho naming nakakasagupa ng mga patay na hayop este patay na tao eh pampalakas ng loob na rin.hihi "Mahal pala eh di wag kang bumili. Kaganda mo pa naman kaya lang mas daig pa ang mga lalaking tambay" bulong nya pa. Pero rinig ko naman. hihi sabi ko na nga ba at magagandahan sila sa akin. " Uy Joseph bayad mo panalo ako" si Chimmy " Kain muna tayo mamaya ko ibigay" sagot naman ni Joseph. Naglabas nalang ako ng bubble gum at ngumuya nguya. "Para kang kambing sa itsura mo" nagulat ako sa nagsalita. Aba at yung supladong Greg pala kanina pa ito ah. Barilin ko nalang kaya ano? " Kanina ka pa ha, mainis ako hahalikan kita" Sabi ko sa kanya. Biglang nagbago ang itsura nya, nag blu-blush rin pala ang mga lalaki. "Hahahaha, tigilan mo akong asarin pikon ako!" dagdag ko pang sabi sa kanya " Edi halikan mo, tingnan ko lang kung sino unang bibitaw baka hindi mo ko kayanin" ngisi nya pang sabi Buti nalang at busy yung dalawa sa pag bibilang ng perang pinag pustahan... "5 thousand pesoses!!! Yehey!!! oh order na kayo treat to ni Joseph" malakas na sabi ni Chimmy halos napapalakpak pa sya. Kumain muna kami bago kami umuwi. Kanina pa ako iniinis ni Greg, mukhang di nya naman ako type, kanina nya pa yun inuulit ulit na sabihin... Tingnan lang natin kung di magbago Ang isip nya sa kalokohan kong gagawin. hihihi Kinabukasan ay day off namin sa club kaya medyo tanghali na ako nagising. " Partner!" si Jerome tinatawag ako bakit kaya " Oh Jerome bakit???" tanong ko " Sama ka ba mamaya? May lakad kami kilala na nila kung sino yung pinaka boss dun sa na raid na mga illegal guns at pupuntahan namin yung isa sa kuta nila. Ang sabi ng imforrmer ay nandun daw mamaya yung pinaka Boss" sabi nya. " Sino daw? tanong ko. Hinala kasi namin ay siya rin ang utak ng pag patay sa pamilyang iniimbestigahan ko. " Isang Mafia Lord! Magagaling ang mga tauhan nila lalo na yung kanang kamay nya marami sa mga kasamahan natin ang namatay di ba nung sinubukan silanh hulihin. Mukhang kailangan ka namin dito" sabi nya pa. " Sige sasama ako!" sagot ko Pagkatapos kong kumain ay inihanda ko na lahat ng gagamitin ko mamaya. Kailangan na talaga silang mahuli masyado na silang salot sa lipunan. Nandito na kami sa target area namin. Lahat kami ay may earphone na naka connect sa bawat isa sa amin pinalibutan kasi namin itong building na nakatayo sa liblib na lugar. Grabe ang raming tauhan, kailangan lahat ng paputok ng baril ko ay may matamaan para sumakto sa balang dala ko. Humudyat na sila na pasukin ang building kaya naman dahan dahan akong pumasok. Hindi ako pwede mag ingay kaya naman puro saksak ang ginawa ko sa mga kalaban, hanggang sa nakarating ako sa third floor. Wala akong nakitang tao, pero maingay na sa baba nagkakapalitan na sila ng putok. Hanggang sa may humawak sa buhok ko. isang matangkad na lalaki at hinila ako... Naku po si Greg??? Hanggang sa nandilim nalang ang paningin ko. Anong ginagawa ng taong yun dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD