Yessa POV
Piniringan niya ako, tinali ang kamay sa likod ko pati paa...
Kailangan kong makaisip ng paraan para makalaya. Pero mukhang gumagalaw itong kinalalagyan ko. Saan nila ako idadala?
Maya-maya pa ay may mga taong palapit...
"Boss nandito na si Captain Perez bihag na po namin, anong gagawin namin sa kanya" sabi ng baritonong boses.
" Gusto kong makita ang babae". sagot ng lalaki, napaka pamilyar ng boses nya sa akin.
" Heto po" sabay lapit ng lalaki sa akin.
" Aries pwede mo na kaming iwan". sabi ng boss nung Aries daw.
"Hey hey hey!!!" sabay palakpak nya
" Akalain mong magkikita ulit tayo matapos ang mahabang panahon." sabi nya
" Sino ka???" Hindi ko sya makita dahil sa nakapiring ako pero may ideya na ako kung sino sya.
" Nakalimutan mo na ako honey??? How sad naman! Para maalala mo may clue ako sayo"
" Ano Yun??? tanong ko.
" Ako lang naman ang pinaka gwapo mong kasintahan na pinutulan mo ng kaligayahan! G*go kang babae ka. P*nyeta!!! Nang dahil sayo wala ng silbi ang p*********i ko." Galit na sigaw nya sa akin.
" Bre-nt??? utal na sabi ko. Sya ang first boyfriend ko. College palang kami noon, pareho kaming criminology students. Hindi ko naman akalain na mag ta take advantage sya sa akin. Dahil na rin sa pagpilit nya sa akin na maki pag s*x sa kanya ay napilitan akong lumaban. Mabuti nalang at lagi akong may dalang maliit na balisong from Batangas niregalo ito ng isa kong kaibigang taga doon. At yun nga ang ginamit kong pang putol ng ari nya.
" Ohhh naalala mo na ako? Dahil ba sa ako lang ang naging kasintahan mo o dahil ako lang ang pinutulan mo? sabi nya pa sabay ng malakas na sampal sa magkabilang pisngi ko.
Maya maya ay hinablot nya ang buhok ko napaigik ako sa sobrang sakit. Hinalikan nya ako sa labi, halos mamaga ang labi ko dahil sa ka pangahasan nya.
" Ang sarap mo pa rin hanggang ngayon." Sabay halik ulit sa akin kahit hindi ko naman tugunin ay enjoy na enjoy pa rin sya kahahalik.
Ramdam kong huminto ang sinasakyan namin.
" Aries kunin mo na sya dito. Gusto ko bago mo sya patayin ay paligayahin mo muna sya sa kama. Pagsawaan mo ang katawan nya. Hanggang sya na ang sumuko at hilingin na patayin nalang sya." utos nya sa lalaki. Pinakiramdaman ko Ang yabag ng mga sapatos nila at mukhang paalis na, palayo na ang tunog.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makatas dito... Pinilit kong matanggal ang tali ko sa aking mga kamay, na practice na namin ito sa training namin dati kaya easy lang sa akin ang ganitong bagay. Pag alis ko ay tinanggal ko naman ang piring sa aking mata.
Nagulat pa ako ng may pares ng mga mata na nakatingin sa akin, prente lang syang nakaupo.
" Greg Mondragon???" bulalas ko dahil sa halong pagkabigla at takot na rin.
" Hahahaha... Kilala mo ang sikat na Mondragon na gungg*ng na yun? tanong nya pa.
" Gunggong? Sino ikaw?" tanong ko
" P*tcha!!! Si Greg" inis na sabi nya
"Magkamukha lang kami pero di ako Yun, masyadong b*bo Yun" Singhal nya pa sa akin
Sabagay kung tutuusin naman may pagkakaiba talaga sila lalo na sa kulay ng balat. Si Greg kasi parang bampira na sa puti. Heto namang lalaking kaharap ko moreno.
" Hindi ka nya twin???" asar ko pa sa kanya
" Ayoko nga sanang maging ka mukha ang pangit na yun pero minalas ako.. By the way mamamatay ka na rin naman so wala na rin chance para sa pagmamahalan nyo nung Greg na Yun na boyfriend mo" sabay ngisi
" No!!! Hindi ko sya boyfriend" Sigaw ko
" Really? Oh nakakalungkot naman pala, ibig sabihin ikaw lang ang nagmamahal sa kanya? Sa bagay mas maganda sayo ang girlfriend nya ah hindi na pala dahil ex nya na. Maganda ka rin naman sana kaya lang mas hamak na mas masarap ang asawa ko. Wala akong balak na tikman ka" sabay sindi nya ng yosi.
" Hindi rin kita type" sigaw ko ulit. Naiinis ako sa mga pinagsasabi nya. Mas maganda sa akin ang gf ni Greg. Eh bakit ba nasasaktan ako, eh wala naman kaming relasyon ni Greg. Hayst nakakagigil tong lalaking ito. Hindi pa ako makalaban sa kanya dahil hindi ko pa naaalis ang tali sa paa ko.
" Paano kaya kung mga tauhan ko nalang ang gumamit sayo? Mag eenjoy naman siguro sila. Tingin mo?" mukhang nag-iisip pa tong unggoy na to.
" Please wag na, itapon mo nalang ako sa dagat. Hayaan mo nalang na mga pating nalang ang kumain sa akin. Kung hindi na talaga ako mahal ni Brent mas mabuti pang mamatay na nga lang ako! huhuhu" Sana maniwala sya sa drama ko. Hayst mukhang sanggano pa naman ang isang to. Gwapo pa naman sana eh.
" Talaga bang naging kayo ni Boss?" takang tanong nya
" Oo pero masyado pa akong bata non. Kaya ko sya nasaktan pero minahal ko sya." tumulo na ang peke kong luha.
" Huwag kang umiyak. Bibigyan kita ng isang pagkakataon. Nakasakay tayo dito sa yate ni Boss at nasa kalagitnaan tayo ngayon ng karagatan patatalunin kita sa dagat kapag nakasurvive ka swerte mo.hahaha" tawa nya pang nakakaloko
"Teka Teka mukhang di na rin naman ako mabubuhay pwede ko bang malaman kung isa ka ring Mondragon?" tanong ko kamukhang-kamukha nya kasi si Greg. hehehe pinaimbistigahan ko kasi si Greg since lagi sya sa club na pinag tatrabahuhan ko baka mamaya sya na pala ang killer di ko pa alam. Pero mukhang alam ko na ngayon kung sino ang mastermind pero dapat makahanap pa rin ako ng ebidensya.
"Sarap o langoy?" imbis na sagutin ay ng tanong ko ay tinanong nya rin ako.
"Lannnggggooooyyyy" sigaw ko sa kanya. Sabay buhat nya sa akin. Naku po paano ako makaka langoy kung may tali ang paa ko.
"Mukhang mamamatay ka na rin naman sige sasabihin ko na, half brother ako ng sikat na bilyonaryong si Greg Mondragon." saka Niya tinanggal ang tali ng paa ko at tinapon sa dagat.
"Aaaaaawwwwwwww" grabe ang sakit tumama sa malamig na tubig alat. Gabi pa naman...
"Please Papa Jesus help me" tanging dasal nalang ang kakapitan ko ngayon. Saka ako lumangoy.