2

1009 Words
Greg POV "Bro saan na ba tayo? Mukhang di safe dito ah, change place nalang tayo. Gusto ko lang naman uminom" sabi ko kay Joseph. Sya kasi ang nag da-drive ngayon. "Malapit na bro wag kang mainip" si Joseph Hanggang sa nakarating na kami kung saan ayon sa kanya ay may magandang singer na makikita kami. Umorder na sya ng mga inumin namin, hindi kami nag table ng babae dahil ayaw ko. Gusto ko lang talagang panoorin yung babaeng pinagmamalaki nya pa. "Hi miss nandyan ba si Chimmy? Tanong ni Joseph sa waitress na kumuha ng order namin. "Si Chi-Chi po? Sige po papuntahin ko po sya dito sa inyo. Sandali lang" magalang na tugon ng babae. Unang lumabas ay ang mga dancer. Medyo malaswa dahil sa mga suot nila na halos ang natakpan lang ay ang maseselan na parte ng kanilang katawan. Hindi ako interesado kaya naman nag-umpisa na akong maboring. Sa totoo lang ayoko ng ganitong show. Yung binabalandra sa mga lalaki ang mga katawan nila. Uubusin lang siguro namin yung napakaraming inorder ni Joseph na alak. Pero ng tinawag na ang singer nila for the night umupo pa ako ng maayos para lang masilayan ang gandang sinasabi ni Joseph. Na excite kasi ako sa kwento nya. Paglabas palang nung babae ay biglang maibuga ni Joseph ang iniinom nyang alak kaya naman naibaling sa kanya ang atensyon ko. Halos nabasa pati pulutan namin. "Pu*ta ang pangit" mura nya. Kaya naman tumingin rin ako sa tinitingnan nya. "Damn Joseph ganyan na ba ang maganda sayo ngayon? hahahaha"halos bumaliktad ako sa kinauupuan ko sa katatawa. Yan ang gandang di mo inakala.. Mala Betty la FEA... hahahahaha "G*go bro napangitan rin ako. Nasaan ba si Chimmy??? Palinga linga pa ang Loko. Maya-maya ay dumating na si Chimmy, halos mabuga ko rin yung iniinom kong alak. Ano ba naman ang mga babae dito ubod ng papangit. Kanina pa asar na asar sa akin si Joseph, Yung mga pinagmamalaki nya kasi na magaganda ay naku po... no comment nalang. Itawa nalang natin guys. Maya-maya pa ay nagsalita na ang singer na nagpakilalang si Isay.. Mukhang maganda Naman ang boses nito dahil iba ang dating sa akin, kung di ko lang talaga nakita Ang itsura nito ay baka nainlove pa ako, siguro mas maganda kung ipikit ko nalang ang mga mata ko para mas feel ko. Nag-umpisa na syang kumanta at masasabi kong magaling syang kumanta. Nung tumayo sya at sumayaw sabay ng pag-awit nya ay sobrang namangha ako. Ang ganda ng hubog ng katawan nya. Biglang nanikip ang suot kong maong pants. Nagagalit ang buddy ko sa baba. Ngayon ko lang naranasang magnasa sa katawan ng babae. Nung kami pa ni Cindy laging tahimik lang ang buddy ko hindi tulad ngayon. "Bro uwi na tayo. Ang sasakit nila sa mata" si Joseph na yamot na yamot na. "Pumikit ka nalang, nag eenjoy pa ako. maganda ang boses ng kumakanta". sabi ko Hanggang sa nagpaalam na ang singer dahil madaling araw na at tapos na ang performance nila. Uwian na rin pala nila kaya hinintay namin sila sa labas. "Joseph" may tumatawag kay Joseph magandang babae pero teka parang ito yung Chimmy kanina, base kasi sa ngiti nya pero wala na yung gaga munggo nyang nunal sa mukha "Chimmy... Anong trip mo kanina bakit may palagay lagay kapa ng nunal.? Ang pangit mo sobra kaninap."tanong ni Joseph sa kanyang kaibigan. "Sorey na friend, alam mo na club to. Kasama kami sa binebenta dito. Kahit waitress lang kami ay pag may nagkagusto na i-table kami ay pwede. Eh ayaw ko yun mahirap na baka ma i-take-out pa ako. Sayang naman ang gandang dilag ko pa naman.hehehe" biro pa ni Chimmy "Oh hi pogi! Pasensya na kanina ah ako nga pala si Chimmy pero sa club dapat Chi-Chi ang itawag nyo sa akin wag Chimmy." pagpapakilala nya "Hi! Nice to meet you. I'm Greg.Ihahatid kana namin!" prisinta ko pa. Madaling araw na kasi baka may mangyari pang masama sa kanya. "Nope! thanks nalang may kasama ako si Yessa ay si Isay pala hehehe sabay na kaming uuwi" sagot nya "Si Isay yung singer???" tanong ko pa.Pero bakit Yessa yung sabi nya kanina. So ang real name pala nun ay Yessa. "Oo sya nga" sabi nya "Eh Chimmy mauuna na kami ni Greg malayo pa kasi ang uuwian namin. Kita nalang tayo nextime ah. If pwede pala kayong i-table sige sa susunod i-table namin kayo ni Isay." si Joseph "Sige ingat kayo" paalam ni Chimmy "Sige kayo din" sagot ni Joseph Nginitian ko lang sya. Sumakay na kami ni Joseph sa sasakyan nya as usual siya pa rin ang driver. Napatingin ako sa side mirror kaya naman kita ko pa si Chimmy na kumakaway nang biglang may dumating na babae at kinausap sya. Wow ang gandang babae... Naparami ata ako ng nainom kong alak at bakit DIYOSA na ang nakita ko, pero bigla akong nadismaya ng makita kong naglabas sya ng yosi at sinindihan ito... Ayoko sa babaeng naninigarilyo sayang ang ganda pa naman. " Bro ang lalim ata ng iniisip mo" tanong ni Joseph "Wala bro, ayoko talaga sa babaeng naninigarilyo" sagot ko "Oh bakit inlove ka? sa babaeng naninigarilyo pa?" si Joseph " Wala pa naman pero yun talaga ang isa sa ayaw ko sa babae." Sabi ko "Edi iwasan mo bro, ganun lang kadali yun" sabay ngiti nya pa. Pa iling-iling pa ang g*go. Parang ang dali lang talagang iwasan ha noh??? Nakarating na kami ng bahay pero di pa rin mawala sa sistema ko yung babaeng singer. Iba ang hatid nyang init sa akin. Pati si buddy ko pinagwala nya kanina. Sh*t naalala ko lang sya bigla na namang nabuhay si buddy kailangan ko ng iligo ito ng malamig na tubig. Biglang nag init ang katawan ko. "Bro sa guestroom kana matulog" Sabi ko pa Kay Joseph bago ko sya iwan. Alam nya naman ang kwarto nya dito sa bahay ko kaya di na sya naliligaw pa. Lagi naman nakikitulog ang isang Yun. Akala mo mahirap pero ubod ng yaman din naman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD