Greg POV
Nalaman ko kay Yessa ang dahilan kung bakit nag da dalawang isip sya na sagutin ako. Pero paano bang ang daddy ko ang dahilan? Ang kwento sa akin ni mommy ay highschool sweetheart sila ni daddy so ibig bang sabihin elementary pa lang may girlfriend na si daddy? Yun siguro ang dahilan kung bakit tumutol si Lolo. Sa pagkakakilala ko kasi kay lolo ay napaka bait nya lalo na sa akin dahil nag iisang apo lang ako. Pero ngayon dalawa na kami ni Aries. Kasi si Uncle Liam naman hindi na nag asawa pa. Sya pala ang kambal ni daddy. Sila lang din ang ang anak nila lolo at lola.
Nandito ako ngayon sa mansyon nila lolo para makausap ko sya.
" Hi lolo good morning!" Sabay halik ko sa kanya , ganyan nya kasi ako pinalaki kung hindi mag mano sa kanila ni lola ay humahalik sa pisngi ang ginagawa ko.
"Oh iho bakit ngayon ka lang ata napadalaw dito? Matagal na kitang hinihintay. Wala ka pa ring dinadalang nobya mo? Mabuti pa si Aries kasama ang mag-ina nya. Ang sabi ko nga sa kanya ay pakasalan na rin ang ina ng anak nya para maging legal na rin na Mondragon si Alvi." Alvi pala ang pangalan ng anak nila.
" Lolo malapit ko na syang ipakilala sayo pero may mga gusto po kasi akong malaman pwede ko po ba kayong makausap.?"
"Sure apo ano yun?" tanong nya
" About daddy and his first girl friend."
" About you dad and your mom?" naguguluhang tanong nya ulit.
" No lolo about Miss Donna Perez, daddy's girl friend. And according to sa kwento kayo daw ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.
" What??? Who's Donna? Wala naman akong ibang nakilalang girlfriend ng daddy mo except your beautiful mom." Sabi pa ni lolo.
" Oh wait wait, hindi kaya sya yung girlfriend ni uncle Liam mo na sinulot ng barkada nya? Yang si uncle Liam mo dating nahumaling sa isang babae, actually until now. He loves her. Kaya nga di pa nag aasawa yun. What if invite her para makita natin kung sino ang mas apektado iho kapag nakita sya, daddy mo ba o si uncle Liam mo.?" suggestion ni lolo.
Tama sya mas maganda nga na magkita kita sila para maliwanagan na rin. Pero paano kung si uncle Liam ang ama ni Yessa, posible kayang mag pinsan kami? Parang di ko yata kakayanin.
Kinabukasan maaga akong umalis sa mansion nila lolo doon nya na kasi ako pinatulog dahil marami pa daw kaming pag-uusapan. Naikwento ko na rin si Yessa sa kanya, at mukhang nagustuhan nya naman dahil gusto nya na itong makilala. Sayang nga lang at Wala na si lola para maipakilala ko rin sana sya sa future wife ko.
Maayos lang itong gusot sa pamilya namin at malaman kong hindi ko sya pinsan ay aayain ko na syang magpakasal. Gusto ko na ring magka pamilya.
" Malalim yata yang iniisip mo? tanong ni Yessa. Magkasama kami ngayon dito sa bahay nila dahil balak kong anyayahan sila ng mama nya sa family dinner namin sa mansyon nila lolo, at para maipakilala ko na rin si Yessa sa pamilya ko.
" I'm okay! Iniisip ko lang kung papayag si mama mo about sa dinner tomorrow." Nasabi ko na kasi kay Yessa at pumayag naman sya. Si mama nya nalang ang kakausapin ko. Sana pumayag rin sya.
After kong makausap ang mama nya ay nagpaalam na rin ako. Salamat at pumayag rin sya. Para daw magkaroon rin sila ng closure ni daddy.
Mamaya na ang dinner namin. Hindi kami nagkita maghapon ni Yessa dahil kailangan daw nilang pumuntang salon ng mama Donna nya. Sa totoo lang parang magkapatid lang sila. Inalagaan ng husto ng mama nya ang sarili kaya naman pareho silang maganda. Tiyak na maglalaway si daddy kapag nakita nya ito.
Nandito na kami nila daddy at mommy sa bahay nila lolo. Patapos na ring magluto Ang mga kusenera kaya naman tamang tama lang pag dumating na ng mga bisita. Maya-maya ay dumating na rin sila Aries kasama si Cindy at ang anak nilang si Alvi.
" Nasaan na kaya ang uncle Liam mo? Naku ang tanda na pero pasaway na rin" bulong ni lolo sa akin. Napa iling nalang ako sa sinabi ni lolo.
Dapat si uncle Liam Aeng mauna bago sila Yessa para makita ng mama nya na kambal sila ni daddy.
Pero mukhang mahina ako sa hiling ko dahil nakarating na rin sila Yessa dito kasama ang mama nya.
Pinakilala ko sila sa pamilya ko. Kay lolo, Aries, Cindy, Alvi, mommy at kay daddy.
Hindi ko mahulaan ang nasa isip ni daddy at tita Donna, walang nagpahalata pero iba ang titigan nila. Mukha ngang may nakaraan sila. Bigla tuloy akong nalungkot.
Pero bago pa ako mag emote ay hinawakan naman ni Yessa ang kamay ko, iba talaga ng saya ng puso ko kapag magkasama kami. Patapos na kaming kumain ng dinner pero wala pa rin si uncle Liam. Nagulat nalang din akong nagpaalam si daddy sa amin na kakausapin nya si tita Donna.
Nasa library sila daddy ng dumating si uncle Liam.
" Oh hi guys I'm very sorry I'm late again. Hmmmp who's that beautiful lady Greg? Sya na ba ang future wife mo?hehe mukhang magkaka sariling pamilya na itong mga pamangkin ko.." biro nya pa sa amin. Ipinakilala ko na rin si Yessa sa kanila. At puro papuri naman ang narinig ko sa kanya at kanila lolo.
Halos kalahating Owras na pero di pa wRin lumalabas sila daddy sa library. Kanya kanya na kaming kausap ng biglang magsalita si uncle Liam.
" Hey Vivien where's Lance? tanong nya kay mommy.Hinahanap nya si Daddy siguro nagtataka sya dahil di nya nakita Ang kakambal nya
" In the library with Yessa's mother." sabay irap ni mommy. Mukhang tinamaan ng selos Ang mommy ko.
" What???" tanong ni uncle Liam. Tatayo na sana sya ng bumukas ang pinto ng library. Doon ko nakita ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya ng unang lumabas si tita Donna. Hindi rin nakaligtas sa aking mata ang pagbigkas nya ng pangalang...
Donna!!!