12

1026 Words
Yessa POV (2 months later) Kapapasok ko palang sa Opisina ng makita ko si Chimmy na nag-aayos na ng mga gamit nya. "Chimmy anyare bakit mag re resign ka na ba talaga? Akala ko pa naman mas mauuna pa akong umalis sa serbisyo sayo?" tanong ko kay Chimmy pagkatapos nyang magpaalam sa aming lahat. "Hinayupak na baklang yun ang galing galing nya at binuntis ako! Tapos heto at kailangan kong sumama sa kanya sa ibang bansa. Kung hindi lang dahil kay mama hindi ako nagpakasal dun.!" inis na sabi nya. "Wait wait... Anong sabi mo? Kinasal ka na? Tapos buntis ka pa? At sinong bakla ang tinutukoy mo? Nahuli na ata ako sa balita bakit wala akong alam?... Ang bilis ata." nagulat ako sa mga sinabi nya. " Teka Capt. daming tanong lang? Oh heto ikwekwento ko na, ganito kasi yun. Remember the night na nasa bar tayo yung time na inaya kita kasama sila Joseph. Tapos bigla kang nawala dahil hinila ka lang naman po ni papa Greg mo dahil sa sobrang selos sa yummy guy na nasa kabilang table--" " Tseeee!!! Wag mo ng ipaalala yun, natatandaan ko yun. Yung nangyari sayo ang tinatanong ko." putol ko sa sasabihin nya dahil balak pa atang ako ang pag-usapan at hindi sya. " Nagmamadali lang? Oh heto na. Kilala mo naman yung pinsan ni Althea di ba Yung baklang si Johann? Yung katabi ko sa table natin. Aba'y nalasing ako at talagang pinatuln ako, Oh hayun na may nangyari sa amin. Akala ko nga one night stand lang kaso nga may nabuo. Nalaman ni mama na buntis ako dahil sa first time ko di ko alam ang gagawin. Kaya pinilit nya akong sabihin ko sa kanya kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko at hayun ginamit ang pagiging lawyer naikasal kami ng walang seremonya. Ang saklap Capt. kasi marami akong pangarap sa magiging kasal ko. Pangarap kong lumakad sa gitna ng simbahan sa kasal ko tapos may hawak akong bulaklak at ihahagis sa mga abay ko. Yung makakasalo edi sya naman susunod na ikakasal di ba Ang saya saya nun.Kaso pinapirma lang kami ni mama sa marriage contract namin, ganun lang. Ni walang kiss the bride" naka ngusong sabi nya. " Ah ganun pala kaya ang bilis! Di bale atleast pinanagutan ka" sabi ko Naman " Naku... Mas maarte pa sa akin yung baklang yun. Maraming bawal sa kanya at mukhang ako pa ang lalaki kapag magkasama kami. Na babanas nga ako sa mukha eh. Sarap tutukan ng baril at pag babarilin." " Hahaha sira ka talaga. Mag mahalan kayo at magpakarami. Sige ingat ka nalang and congratulations sa parating na baby nyo. Kunin mo akong ninang kapag dito sa Pilipinas ang binyag ah" sabi ko pa. Tumango naman sya at sa huli ay nagyakapan ulit kami. Sa tagal naming magkasama sa trabaho ay tinuring ko na rin syang nakababatang kapatid. Nakakagulat lang dahil mas nauna pa syang magkaka pamilya. Ma mi-miss ko sya ng sobra. Greg: Hi Yessa! Nandito ako sa labas. Text ni Greg. Oo nga pala nandyan na ang sundo ko. 1 month nya na ring ginagawa ito ang ihatid at sunduin ako sa work. Parang ang lapit ng Opisina nya sa pinag wo workan ko. Pero ang totoo kalahating oras pa bago sya makabalik sa Company nya. Nagpaalam syang ligawan ako at pumayag naman ako. " For you my love" abot nya ng flowers sabay kindat. Sa totoo lang balak ko na syang sagutin kaso may pumipigil sa akin, kapag nalaman ng mama ko baka magalit sya sa akin. Pero mahal ko si Greg hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. " Thank you Greg" sabay ngiti ko nalang sa napa gwapong lalaki sa buhay ko. Araw-araw nya nalang akong pinakikilig. Inaya nya akong kumain sa labas. At kahit ayoko sana sa mamahaling restaurant ay wala na akong nagawa pa. Mukhang nag pa reserved sya dito kasi kami lang ang tao. I mean wala silang pinapapasok na ibang tao mula ng dumating na kami.. Ang gastos talaga ng mga mayayaman. Sanay ako kahit sa turo-turo lang. Pancit kanin pwede na. Hehe After naming kumain ay inaya nya akong maglakad lakad. Ang ganda pala dito hindi lang sya restaurant may pwede pang libutan sa loob. Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad. Paminsan minsan ay pinipisil nya ito. Hanggang sa nakarating kami sa may upuan na malapit sa swimming pool. Naupo kami dun. " Yessa I love you!" sabay tingin ni Greg sa akin. " Ano bang gusto mong marinig buhat sa akin?" tanong ko. " I want to hear from you that you love me too. Pero kahit hindi mo pa ako sagutin sa ngayon. Makakapaghintay ako. Gusto ko lang sabihin na seryoso ako sayo at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko" sabi nya pa. " Greg I love you too but--" paano ko ba sasabihin sa kanya na nagka relasyon dati ng papa nya at mama ko??? L*ntek na buhay to ang hirap naman. " Bakit may problema ba? Then tell me baka makatulong ako" sabi nya pa. " Greg gusto kong maging tapat sayo. Sa totoo lang ayaw ni mama na magkaroon tayo ng relasyon dahil sa daddy mo" pagtatapat ko sa kanya " Bakit si daddy?" tanong nya " Sabi kasi ni mama nagkaroon sila ng relasyon ng daddy mo pero tinutulan ito ng lolo mo kaya ayaw ni mama na maging tayo baka daw matulad tayo sa kanila. At ayawan din ako ng lolo at daddy mo." mahabang pahayag ko " Don't worry aayusin ko yan. But honestly nagulat ako. Kasi according sa daddy ko ang mommy ko lang ang nag iisang naging gf nya. At nagmamahalan sila." sabi nya Marami pa kaming napag-usapan bago nya ako hinatid sa bahay namin. Hindi na rin sya bumaba dahil sa lakas ng ulan. Hindi pa pormal na kami, pero alam naman ng mga puso namin na iisa lang ang tinitibok nito. Sana lang maayos na ang tungkol kay mama at daddy nya, at sana matanggap ako ng pamilya nya. Mahal ko na si Greg at ayokong magkalayo kami ng landas ng dahil lang sa nakaraan ng mga magulang namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD