14

1049 Words
Donna POV Nabigla ako ng anyayahan ako ni Greg sa family dinner nila. Ang akala ko ay ipapa alam nya lang sa akin si Yessa dahil mukhang nag kaka mabuti-han na silang dalawa. Inamin na rin sa akin ni Yessa na mahal nya na si Greg pero hindi nya ito masagot bilang boy friend nya ng dahil sa akin. Kaya nga ng sinabi ni Greg sa akin yung about sa dinner ay pumayag na rin ako. Para makapag-usap na rin kami ni Lance at malaman ko na rin kung matatanggap nila ang anak ko kung sakali mang makatuluyan niya si Greg. Dumating kami sa mansyon ng mga Mondragon at talaga namang napa mangha ako sa ganda ng mansyon nila. Hindi talaga maipagkakaila ang kayamanang taglay ng mga Mondragon. Sinalubong kami ni Greg at pinakilala sa pamilya nya. Wala akong makitang reaksyon sa Don ng makita ako. Sa tagal ng panahon na, kaya nya ako nakalimutan? Maganda ang pagtanggap nila sa amin lalo na sa anak kong si Yessa. Hanggang sa kumain na kami ng dinner. Hindi man lang ako nakilala ni Lance. At talagang nakaharap ko pa ngayon ang ipinalit nya sa akin, how's life napaka unfair. huhu Natapos ang dinner namin na di man lang ako tinatapunan ng tingin ni Lance. Parang may iba sa kanya. Siguro nawala na rin ang pagmamahal nya sa akin kaya ganun sya kalamig. Sa totoo lang wala na akong interes na magtagal, balak ko na sanang sabihan ang anak ko na magpapaalam na kami pero bigla akong tinawag ni Lance. "Donna can we talk? Please follow me in the library." si Lance Tumango nalang ako kahit di nya naman nakita dahil nauna na syang pumunta sa sinasabi nyang library, dali-dali ko syang sinundan. Mahirap na baka mawala ako. Sa laki ba naman nitong mansyon nila mukhang maliligaw ako kapag ako nalang mag-isa. " Please close the door" utos nya sa akin. Naupo na sya sa swivel chair. " Sit-down" sabi nya pa. Umupo nalang din ako sa tapat nyang upuan. Sa totoo lang kanina pa ko nahihiwagaan sa kanya English ng English eh di naman sya ganyan makipag-usap sa akin dati. " About the past--" " Huwag kang mag-alala hindi ako narito para guluhin pa ang buhay mo. Kahit walang ama ang anak ko ay kontento na ako." Putol ko sa sasabihin nya. Naiinis na talaga ako sa kanya. Ano bang tingin nya sa akin maghahabol sa kanya, kaya nandito kami. No way over my hot and sexy body. chariz..hihi " I'm sorry hindi tayo nagkakaintindihan. About the past---." " Di ba sabi ko sayo hindi ikaw ang sadya ko dito" putol ko ulit sa sasabihin nya, kahit sa totoo lang talagang gusto ko ng closure sa amin pero ayokong mapahiya. Kaya kailangang di na ito maungkat pa. " Wait, can you please listen to me first." inis na sabi nya. Ngayon ko lang nakita ang galit nyang mukha. Dati kasi nung nakipaghiwalay sya dahil nalaman nyang may nangyari sa amin ng kaibigan nya ay lungkot ang nakita ko sa mga mata nya. " Okay! I'm sorry." sabay senyas ko na pag zipper sa bibig ko. "Ako si Lance, pero hindi ako ang naka relasyon mo." umpisa nya " Alam mo nahihibang kana. Eh Lance nga ang name ng ex ko oh tapos isama mo pa yang pag mumukha mo. Kung guilty ka pwes napatawad na kita." sabi ko sa kanya. Uto-uto rin noh?Abay di daw sya yung naka relasyon ko eh halos ayaw nya nga akong mawala sa paningin nya nung kami na. Kaya tandang-tanda ko pa ang pag mu-mukha nya. Kaka bw*sit rin to kung minsan, katanda na eh. Buti nalang at bakas pa rin sa kanya ang pagiging gwapo. Hindi ko sya pinagpapantasyahan ah medyo pag hanga lang konti. hihi " Listen to me! I have a twin brother. And unfortunately ginamit nya ang pagkatao ko nung niligawan ka nya. Kaya nga Lance ang alam mong pangalan nya." pagtatapat nya. Nabigla naman ako, pero still di pa rin ako naniniwala hangga't di ko nakikita. " His name is Liam, Liam Mondragon. Mas familiar lang ang name ko dahil sa varsity ako, unlike sa kanya genius sya sa mga asignatura. Isa syang Nerd, pero nagbago sya ng makilala ka nya. And I know until now he loves you. Nagkamali lang sya sa pag gamit sa pangalan ko. I'm engaged that time to my wife kaya kinausap ko syang magtapat na sayo pero may nangyari sayo na di maganda, I'm sorry." " Alam kong lolo mo ang may kagagawan nun."sigaw ko sa kanya, gusto ko nang umiyak dahil sa mga nalaman ko. Niloko lang pala ako dati ng taong minahal ko ng sobra. " No! Walang kinalaman si Papa dito. Nalaman kong isa sa mga barkada nya ang gumawa sa kanila nun. Pati si Liam na biktima din ng drugs na yun mabuti nalang at naiuwi ko sya dito. Pero kinabukasan kalat na kalat sa campus yung nangyari sa inyo.Galit na galit si Liam, halos napatay nya yung gumawa ng kahalayan sa iyo. Na hospital pa nga for how many days. Until we found out that he is also a victim. Ang mali nya lang ay napag samantalahan ka nya. Pero di nya alam yun, sinabi lang din ng mga barkada nila sa kanya. " Natatandaan ko yun! Hinahanap ko si Lance sa kanila pero...."Hindi ko na napigilang umiyak, ang sakit sakit balikan nung pambababoy nila sa akin. Wala akong nagawa dahil may mga nakahawak sa kamay ko pero isa lang naman ang pumasok sa akin, kaya alam kong sya ang ama ni Yessa. Naintindihan ko na ngayon, kung bakit walang Lance este Liam na dumating para tulungan ako. Nagtagal pa kami ng halos kalahating oras sa loob dahil sa pag-iyak ko. Hanggang sa nag desisyon na akong lumabas. Pero laking gulat ko ng makita ko ulit si Lance este yung dati kong minahal na lalaki. Alam na alam ng puso ko na sya nga dahil sa lakas ng kalabog nito. Nakita ko rin ang pagka gulat nya. Pero pinili kong wag ipahalata sa kanya na nakilala ko sya. Kaya naman nilagpasan ko sya. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tabi ni Yessa. Kailangan na naming umalis Hindi na nagkaka sundo ang isip at puso ko. Mahirap na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD