5

1040 Words
Greg POV Nagpunta kami ulit kinagabihan sa club na pinagtatrabahuhan nila Isay pero wala sya. Di ako mapakali kaya naman nung dumaan si Chimmy sa table namin ay tinanong ko na sya. " Hi Chim! Where's Isay?" tanong ko " Wow!!! bro mukhang hulog na hulog kana kay Yessa ah." biro naman sa akin ni Joseph "Hihihi uuuuyy si sir Greg inlababu na kay Isay! Iiiyyyyyy kilig na ko nyan" si Chimmy " Just answer my question, di ko sya type nagustuhan ko lang talaga ng pagkanta nya. Yung substitute nya kasi ayan oh walang ka buhay-buhay." Sabay turo ko pa sa kumakanta. Bagamat hindi naka disguise na pangit eh yung boses naman yung pangit. " Si Isay kasama yung jowa monthsary nila kaya di nakapasok. Siguro sa hotel pumasok mga Yun! Lam nyo na tukaan two the max! hihihih" sabay yakap nya pa sa sarili nya. Feel na feel may pa arte arte pa. Biglang nag-init ang ulo ko. Nawalan ako ng ganang makinig sa kanya. May boyfriend na pala yun? Bat ba ako nalulungkot, dapat nga masaya ako kasi hindi ako mahuhulog sa babaeng ayaw ko. Mabuti pa sana kung si Cindy... Bumalik na naman sya sa ala-ala ko. Hindi na rin kami nagtagal dun ni Joseph, inaya ko na syang umalis. Boring na rin kasi, mas gusto ko kapag si Yessa ang kumakanta. (Nakaraan) Araw ng pagtatapos ni Cindy sa college bilang isang guro. Nasa ibang bansa kasi ako that time. Nag promise ako sa kanya na uuwi ako ng Philippines pero hindi ko natupad dahil na Rin sa problema na kina harap ng kumpanya namin. Tumawag pa sya sa akin na nasa isa syang bar kasama ang mga classmates and friends nya. Pero after nun malaki ang pinag bago nya.. Hindi nya na ako tinatawagan, kapag tumatawag ako sa online apps nya bigla naman siyang mag la log-out. Nawalan kami ng maayos na communication for almost 1 month. Hindi ko na kaya pang dagdagan ang pangungulila ko sa kanya kaya naman minadali kong tapusin ang problema ng kumpanya halos wala na akong maayos na tulog but it's okay dahil natapos rin naman agad dali-dali akong umuwi ng Pilipinas hindi ako nagsabi na uuwi para sana supresahin sya pero ako ang na supresa. Wala na sya sa dati nyang pinagtatrabahuhan. Nang tinawagan ko sya ay sinagot nya naman pero yun na rin ang huli pala naming pag-uusap. Inamin nya sa aking may iba na sya. At mas pinili nya ang bago nya kesa sa akin. Wala akong nagawa dahil hindi nya rin naman sinabi ang lokasyon nya. Kaya doon na natapos ang relasyon namin. Walang closure. ( Kasalukuyan ) Umiinom ako ng alak dito sa Opisina ko sa mansyon. Mahal na mahal ko pa rin si Cindy, bakit ang bilis nyang bumitaw sa relasyon namin. Sya ang ideal girl ko. Simpleng babae, matalino, mahinhin, mabait, malambing, at maganda. Kaya talagang hindi ako makapaniwala na may third party sa relationship namin. Napaka honest nya sa akin at sa 3years na relasyon namin ay alam kong loyal sya, kahit long distance relationship kami. Pinutol nya ang komunikasyon namin. Sa loob ng 10 taon alam kong hindi pa rin ako nakaka move on... Hindi ako nagpakalasing bukas kasi ay may pasok pa ako sa kumpanya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Yessa. Erase erase wag kang papasok sa isip ko , hinding hindi kita magugustuhan. Yessa POV Pinilit kong lumangoy kahit na sobrang lamig ng tubig. Wala namang problema sa akin ang pag langoy dahil isa rin yun sa talent ko.hihi lahat halos ng mahirap na gawa sa training namin bilang pulis ay talagang hinasa ko. At nagtagumpay naman ako. Sulit ng sakit ng katawan at pagod ko. Halos 2 oras akong lumangoy, hanggang sa naka abot ako sa pampang. Kahit pagod na pagod ako ay kinaya ko para lang maka survive, ngayong alam ko ng si Brent ang may master mind mas mapapadali na ang pag solve ng kaso. Pero si Aries??? Mukha naman syang mabuting tao. Half brother pala sya ni Greg, pero para silang pinag biyak na buko. Ang layo ng na rating ko, nasa Palawan ako ngayon, hindi na ako naka pasok sa club. Bahala na si Chimmy kung anong alibi nya para sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ang cellphone kaya naman naki tawag ako sa landline ng isang tindahan. "Hello Jerome! " tawag ko sa kaibigan ko, sya lang kasi ang memorize kong cp #. " Yessa ikaw ba Yan partner?" tanong nya. Bigla kang nawala. Hindi namin nahuli ang mafia Lord na yun. Mas marami sa ating kasamahan ang namatay sa engkwentro." bida nya pa "Pakisundo ako dito sa Palawan." tanging nasabi ko nalang " What??? Nakuha mo pang magbakasyon dyan?" gulat na tanong nya " Ang OA mo! humiram ka ng chopper para makauwi agad ako. " sigaw na sabi ko. Sa tagal kong lumangoy bakasyon ba ang tawag dun? " Sorry na partner pikon ka naman agad sige sabihin kong sunduin ka namin dyan." seryoso ng sabi nya " Bye!" sabay baba ko ng telepono. " Miss magkano po? tanong ko " Free nalang po sayo miss maganda" sagot ng lalaki na kasama nya Hindi sumagot ang dalaga pero nakita Kong inirapan nya yung lalaki. Natawa lang naman ang lalaki. Nagpasalamat nalang ako saka ako umalis. Habang naglalakad ay may napansin akong isang dalagita na pinipilit sumama ng mga lalaki. Nilapitan ko ito at tinanong kung anong nangyayari? Sinagot ako ng dalagita na pilit syang sinasama ng mga lalaki na hindi nya kilala kaya naman ng akma kong kukunin ang babae ay biglang sumuntok ang lalaki sa akin mabuti nalang at nakaiwas ako. Laban na naman to. No choice kaya ayun nakipag bakbakan ako sa mga sangganong yun. Napatumba ko silang tatlo. "Halika na maya maya magigising rin yang mga Yan." hila ko sa kanya " Wow ate!!!" Ang galing mo sabay palakpak pa. " Mukhang hindi ka taga dito bakasyonista ka rin ba?" tanong nya " Mahabang kwento" Yun nalang ang sinagot ko " Saan ba kita ihahatid?" tanong ko sa kanya "Dyan lang po sa nag-iisang tindahan. Kuya ko po ang may-ari" sagot nya naman So ibig sabihin yung lalaking nagpahiram ng telepono ay kuya nya pala...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD