11

1073 Words
Greg POV Sa totoo lang hindi ko na alam kung bakit ang lamig ng pakikitungo ni Yessa sa akin mula ng bumalik sya galing sa misyon. Nang sinundo ko sya sa bahay nila para sana ihatid sa work nya ay mas pinili nya pang sumakay sa kumag na kapitbahay nyang yun. Kung hindi lang pulis yun nakatikim sana sa akin. Possessive na kung possessive ako pero mula ng may mangyari sa amin ni Yessa yun na rin ang patunay na akin lang sya. Ayokong may mga lumalapit sa kanyang ibang lalaki. " Ang lalim ng iniisip mo twin" si Aries nandito kasi sya sa mansyon kasama sila Cindy at anak nila. " G*go!" sabay bato ko ng unan. " Naku babae ba yan?" sabay sindi ng sigarilyo nya. Yun ang pinaka ayaw ko. " F*ck! Doon ka sa labas manigarilyo wag dito." pag papa alis ko sa kanya. Nasa mini bar kasi kami ngayon dito sa mansyon at kasalukuyang nag-iinom. " Woooaah twin? Ikaw lang ata ang lalaki na ayaw sa yosi. Eh bakit nakaka tagal ka sa bar nyo? Puno nga lagi ng usok yun?" pagpapatuloy nya pa habang pinapatay ang sindi ng yosi nya. " Aries anong balak mo kay Cindy?" Pag-iiba ko ng usapan. " Wala, sa anak lang namin kami nag-usap after na gumaling na ang anak namin babalik na sila sa province. Susustentuhan ko na lang. Gusto ko sanang kunin para nasa poder ko na lang ang anak namin kaso ayaw ni Cindy." problemadong sabi nya. " Di mo ba gusto si Cindy? Maganda naman sya, sexy at napaka bait" Sabi ko pa. " Sa totoo lang twin, nahihiya ako sayo. Alam ko namang dating sayo si Cindy, pero nagka-anak kami dahil sa mga nangyari sa nakaraan." Kwento nya pa " Hindi siguro talaga kami sa isa't isa." ani ko " Mukha nga, ang tagal nyo na pero bakit wala pang nangyari sa inyo?" tanong nya pa " Gusto ko sanang kapag naka pag pa kasal na kami pero di na kami umabot dun. Aries kung dahil sa akin kaya ka di maka desisyon sa inyo ni Cindy puwes wag mo na akong isipin nakikita ko namang pinipigilan nyo lang pareho ang nararamdaman nyo. Buo-in mo ang pamilya mo. Para makasama mo na sila. At saka may iba ng nag mamay-ari ng puso ko." " Woooaah ooohhhh??? Talaga ba twin? Aba sino naman yan? curious na tanong nya. Nakita ko rin ang liwanag sa mga mata nya. " Si Yessa! Kaso mukhang ayaw nya na sa akin ngayon." sagot ko "Oooowwwwss??? Yung matinik na pulis? Si Capt. Perez ba? Naku po ma pa pa laban ka dyan twin. Eh kamusta naman panliligaw mo? Hindi ka ba nahirapan?" tanong nya pa " Nahihirapan ako sa totoo lang, dati naman ramdam kong mahal nya ako pero nagbago noong nagka misyon sila sa Davao." kwento ko sa kanya. " Talaga ba? Eh may pag-asa ka pa nyan. Suyuin mo. Pero bago yan try mo munang pag selos-in." suggestion nya pa. " Paano?" tanong ko " Isama natin si Cindy sa bar. Hindi ba't sabi ni Joseph na ina-aya sya ni Chimmy na mag bar kasama si Yessa? Then pupunta tayo. Tingnan natin kung may nararamdaman pa sya sayo. Ako bahala twin. Maka bawi man lang sa mga nagawa ko dati sayo." sabi pa nya sabay tapik sa balikat ko at saka umalis na. Inubos ko lang ang alak sa baso ko saka ako umakyat sa kwarto. Pero bago ako makarating dun ay nakita ko pang nag ha halikan si Cindy at Aries. Mukhang ako lang talaga ang pumipigil sa kanilang dalawa para maging masaya. Sana lang ay ma buo na ang pamilya nila. Kinabukasan ay nag text si Joseph na pa punta na sila sa bar. Na roon na daw sila Yessa. Bigla akong na excite sa gagawin na plano namin ni Aries. Naka-usap na rin namin si Cindy at pumayag sya. Sabay-sabay kaming dumating sa bar, si Marius kasama si Althea at Johann, si Joseph na kasama ang secretary ni Tyrone. Sino na nga ba sya Crystal ba? Si Tyrone na sobrang saya at napa sama nya rin sa wakas si Beth na pinaglilihian sya halos ayaw syang makita. hahaha. Bago kami pumasok ay nakita na namin sila Yessa at Chimmy. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya ng makita kaming magka sabay ni Cindy. Sinadya ko pang sa ibang upuan umupo katabi si Cindy. Si Aries naman ang tumabi sa kanya. Naaasar ako sa pa bulong bulong sa kanya ni Aries. Kung hindi ko ito ka kambal naka tikim rin sa akin ito. Nagseselos ako, oo selos na selos. Kanina ko pa gustong makausap si Yessa pero paano ko gagawin kung bina bakuran naman ng magaling kong ka kambal. Hanggang sa tumayo sya at mag punta sa stage. Kinausap ang Dj at mukhang may ideya na ako sa gagawin nya. At tama nga ang hinala ko kumanta sya. Sa totoo lang na miss ko ang pag kanta nya dahil napaka galing nya. Kaya lang hindi ko nagustuhan ang mga pa puri ng lalaki sa kabilang table. Na mukhang gustong gusto naman ni Yessa. F*ck di ko na kaya. Tumayo ako at hinila sya palabas. " What are you doing Greg, bitiwan mo ako." sigaw nya. Binitawan ko sya at humarap sa kanya. Nasa parking na kami ng bar. " F*ck!!! What do you want ang makita kang makipag landian sa mga lalaki sa loob?" inis na sabi ko. Naiinis akong nakikipag ngitian sya sa ibang lalaki. Akin lang sya. Akin lang. " Nag seselos ka ba?" tanong nya sabay ngisi. " NO!!! Hindi ako nag se-selos naiinis ako, oo tama yun ang nararamdaman ko." may pag ka lito ko pang sabi. Alam kong pinakiki-ramdaman nya lang ako. Hanggang sa nilagay nya ang dalawang braso nya sa leeg ko at hinalikan ako. Ilang segundo rin pero hindi ko man lang nakuhang gumanti dahil sa pagka bigla. " Don't worry ikaw lang dito sa puso ko! Kahit wala pa ako dyan!" sabay turo nya sa tapat ng puso ko. " Bye Greg! I need to go may misyon pa kami bukas ayokong magpuyat. Bahala na kayo kay Chimmy" sabay talikod nya nakita ko nalang na sumakay sya sa motor. At sya ang nag drive. Ang astig nya talaga. Nagkakamali ka Yessa. Napasok mo na ang puso ko at ikaw na ang nag ma may-ari nito. Mahal na mahal na kita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD