Yessa POV
Pero bago kami maka graduate ay nalaman ng Don ang relasyon namin, ipinaglaban nya ako kaso....kaso... na rape ako anak sa mismong campus pa huhuhuh. May nakapagsabi sa akin na ang Don ang nag utos nun." pagpapatuloy nya pa
" So ako ba mama ang naging bunga nun? Kilala mo ang ama ko?" tumulo na rin ang aking luha. Nasusuklam ako sa Lolo ni Greg, paano nyang nagawa sa mama ko yun.
" Oo anak ikaw ang naging bunga, isa ang ama mo sa mga kaibigan ni Greg. Hindi nya alam na may naging bunga sa ginawa nya sa akin. Hindi ko sya sinampahan ng kaso dahil biktima lang din ang ama mo pero hindi kami nagmamahalan. May nagpainom sa kanya ng pinagbabawal na gamot inamin nya sa akin yun bago sya lumipat ng school dahil sa nangyari at humingi na rin sya ng tawad. Akala ng ama ni Greg na may relasyon kami ng kaibigan nya kaya sya na rin mismo ang nakipag hiwalay sa akin at nagpakasal sa mama ni Greg. Nang malaman kong buntis ako tinapos ko ang kurso ko kahit na lumalaki na rin ang tiyan ko, hanggang sa nakapagtapos rin ako. Kaya nga heto at guro na ako di ba?"
" Mama paano po kayo nung pinanganak nyo ako, wala po tayong kamag-anak man lang?" tanong ko
" Tinulungan ako ni Isabela, sya yung mama ni Jerome. Kaibigan ko na silang mag-asawa dati pa. Kaya nung malaman nyang buntis rin ako at halos kasabayan ko rin syang mag buntis noon ay kinupkop nila ako... Mas nauna lang syang manganak at yun si Jerome. Kaso binawian sya ng buhayng isipang ito kaya ako na rin ang tumayong ina ni Jerome. Bago naman kita nilabas. Nagtulungan kami ni Jose na palakihin kayo." Sabi pa ni mama
" Kaya po ba hindi kayo nagka relasyon ni Tito Jose dahil sa mama ni Jerome? tanong ko
" Oo anak bestfriend ko si Isabela at malaki ang utang na loob ko sa kanila kaya di ko kayang agawin ang pamilya nya." aniya
" Ma! Buhay pa ba ang ama ko?"
" Oo anak, balita ko may asawa na sya pero wala silang anak! Gusto ko sanang ipakilala ka sa kanya pero nag da dalawang isip ako dahil sa wala nga silang anak, baka kunin ka nila sa akin." pag aalala ni mama
" Hahaha comedy ka rin mama no? Ang tanda ko na. Di na nila ako makukuha pa sayo."
" Pero mama pwede ko bang malaman ang pangalan nya?"
" Yael Elperalta anak sya ang ama mo"
Yael Elperalta bukas na bukas din hahanapin kita..
Bakit ganun nung malaman ko lahat tungkol kay mama at sa pamilya ni Greg biglang nagbago ang nararamdaman ko sa kanya.
Ito na siguro yung hinihingi kong sign. Mula ngayon pipilitin kong wag kang mahalin Greg Mondragon.
Kinabukasan papasok na ko ng biglang may humintong magarang sasakyan sa labas ng bahay namin. Binuksan nya yung bintana.
"Yessa hatid na kita" si Greg. Si Greg lang talaga ang naka ka gawa na pabilisin ang t***k ng puso ko. Bakit ba kasi sa kanya pa ako umibig.?
" Sir Greg, thanks sa offer pero...." di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa akin.
" Partner halika na sakay na" naka single motor sya. Dali dali naman akong sumakay sa motor para makaiwas na rin kay Greg. Bibili na nga rin ako ng sarili kong motor para di ko na kailangang mag taxi o commute.
" Salamat Jerome!" bumaba na ko sa motor nya Ng makarating kami sa Opisina.
" Yessa manliligaw mo ba si Greg Mondragon?" tanong nya sa akin.
" Ewan ko hindi ko alam." sagot ko sa kanya saka ako deretso sa table ko. In-open ko Ang laptop ko para I search si Greg.
Greg Euan Mondragon
30 years old???...
....
Ang gulo naman, kung si mama ko ang na unang gf ng ama ni Greg bago ang mama nya dapat ako ang mas matanda sa aming dalawa di ba? Bakit mas matanda sya ng 1 year sa akin.? Ibig bang sabihin nito mas unang nagloko ang ama ni Greg?
" Hey partner busy??? Sobrang busy sa pagsearch sa bio ni Greg Euan Mondragon.." sabay basa ng pangalan ni Greg sa screen ng laptop ko.
" Hoy Jerome!!! Tsupiiii!!!! Kuna ayaw mong tingga ang magpa alis sayo dito." pagpapa alis ko sa kanya
" Alam mo Yessa maganda ka sana eh, balak na nga kitang ligawan pero ang tapang mo! Nakakatakot ka." sabay alis nya. Hindi ko nalang pinansin yung pinagsasabi nya alam ko kasing biro nya lang yun.
(2 months later)
Sa dalawang buwan na yun hindi na rin nagparamdam si Greg sa akin. Okay na rin para mas mabilis ko syang makalimutan.
" Yessa day off naman nating bukas baka pwede naman tayong pumuntang bar. May alam akong sikat na bar hanap tayo ng fafa alam mo na malapit na tayong mawala sa calendar uhhh?" si Chimmy sabay turo sa kalendaryo.
" Sige pero walang boys involved, mahirap na" Sabi ko. Tama ng naranasan ko Yung s*x sa isang lalaki lang. Wala rin akong balak magka pamilya. Sa profession kong to baka mapahamak pa ang bubuuin kong pamilya.
" Ayyyy ang KJ" nalungkot ang mukha nya sa sinabi ko.
" Di bale kung gusto mo ikaw nalang" lika na. Aya ko sa kanya alam kong magtatampo na sya kaya inaya ko na sya agad.
Kinagabihan ay natuloy ang pag unwind namin class nga itong bar na ito. Sa sobrang mahal ng inumin I think mayaman lang ang makaka afford nito.
"Naku nandito na pala sila. Joseph dito" sabay kaway nya sa kadarating lang.
Biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Marami silang dumating si Marius kasama si Althea, si Joseph kasama ni Crystal, si Tyrone kasama ni Bethany, Si Aries , Si Johann, si Greg at kasama pala si Cindy???
Biglang nalungkot ang puso ko. Kaya siguro hindi na sya nagparamdam dahil sa nagkabalikan na sila ni Cindy. Hanggang sa pag upo ay magkatabi pa rin sila. Bale si Aries ang tumabi sa akin at si Johann naman ang tumabi kay Chimmy.
Nagka kwentuhan, nag-inuman. Pansin ko ang sweetness ni Greg at Cindy nakaka pan selos.
" Are you okay? Pang ilang baso mo na yan baka malasing ka?" tanong ni Aries
" I'm okay don't worry!" sagot ko naman. Pero ang totoo nagpapaka lasing talaga ako dahil nasasaktan talaga ako.
" Ang landi mong bakla, mainis ako sayo Ikaw Ang vi-virginan ko wehhh" si Chimmy inaaway si Johann na nasa tabi nya
" Hoy! Kahit bading ako kaya ko namang buntisin ka... Gusto mo? Wag mong ipagmalaki yang mga boylet mo dahil kahit masmaganda ako sayo eh mas masasarapan ko naman sa akin" sigaw naman ni Johann. Sobrang ingay na kasi dito sa bar dahil sa lakas ng tugtog.
Tumayo ako saka ako pumunta sa Dj sa stage. Gusto kong kumanta alam nyo na libangan ko na rin kasi.
Sabik nang mahalikan, mayakap ka't masayaw sa ulan
Ang mundo'y gagaan
Mundo ko'y gagaan
Maligaw man ng landas ay hahanapin ang kalsada
Patungo sa'yo
Ikaw ang daan
Dumilim man ang paligid ay ikaw parin ang ilaw ko
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh
Bakit uhaw sa'yong sayaw? Bakit
Di bibitaw, sa'yong sa'yo, laging ikaw
Ako'y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw ( search nyo nalang po Yung Uhaw Ng Dilaw)
Nagtayuan silang lahat at sumabay na rin sila sa kanta ko.
" Wow pare ang ganda ang sexy at ang galing pang kumanta" galing ang boses sa lalaking gwapo na nasa tabing table namin.
Pag tingin ko naman kay Greg ay mukhang makikipag basag mukha na sa Galit!!!
Galit siya??? Bakit???