Yessa POV
"Kuya!!! kuya!!! kuya!!! nandito na po ako." sabi ni Gorgia yun ang pangalan ng dalagita na tinulungan ko kanina.
Lumabas naman ang lalaki at sinalubong ang kapatid. Nagulat pa ito ng makita ako.
" Uuummmpp miss akala ko naka alis ka na? gulat na sabi ng lalaki sa akin
" Hinatid ko lang ang kapatid mo, sige aalis na ako!" sabi ko naman ng akmang aalis na ako ay biglang may pumigil sa braso ko.
" Ate dito ka muna, dito ka na mag lunch po." pigil nya sa akin
"Kuya si ate Yessa po pala sya yung nagtanggol sa akin sa mga lalaki dyan kanina na pinipilit akong sumama sa kanila." pakilala nya sa akin sa kuya nya
" Ate Yessa sya nga po pala ang kuya Gabriel ko" pagpapakilala nya naman sa kuya nya
"Hey ako si Crizza girlfriend ni Gabriel" pagpapakilala naman nung babae sabay lingkis kay Gabriel natawa nalang ako ng palihim.
" Tara na ate Yessa! Sana maging kasing tapang mo ang mapangasawa ng kuya ko hindi yung landi lang ang meron" saka ako hinila ni Gorgia sa loob ng bahay nila.
Mukhang hindi magkasundo ang mag hipag to be.hihihi
Mabait si Gorgia at pala kwento, ulilang lubos na pala sila tanging si kuya Gabriel nya nalang ang kasama nya sa buhay. Ambush ang kinamatay ng ama at ina nila at mapa sa hanggang ngayon ay di pa rin nahuhuli ang mga salarin.
Mag gagabi na ng makarating sila Jerome medyo nagka aberya lang daw kaya natagalan sila. Pinakilala ko rin siya kay Gorgia at Gabriel. Mukhang na love at first sight ang partner ko kay Gorgia.
Nagpaalam na kami sa magkapatid. Nang makabalik kami ng Manila ay deretso na ako sa bahay. Sobrang sakit ng katawan ko. Matapos kong maligo ay natulog na ako.
Halos mag iisang linggo bago ako pumasok ng opisina para mag report.
"Yessa!!!" tawag sa akin ni Chimmy
Huminto ako sa paglalakad at hinintay sya.
" Uy Capt. ilang araw na wala si Isay hinahanap hanap ng mga customer. Mamaya ba papasok kana sa club?" tanong nya sabay nguya ng bubble gum.
" Chimmy nagpupunta pa rin ba sila Greg sa club?" imbis na sagutin ang tanong nya ay tanong din ang lumabas sa bibig ko.
Gusto kong makausap si Greg about sa half brother nyang si Aries. Alam ko na ang mastermind sa m******e ng buong pamilya sa probinsya. Sure akong si Brent yun at si Aries naman at mga tauhan nya ang actual na pumatay. Kaya pala sabi ng source sa club na yun nagpupunta yung pumatay at si Aries na pala yun. Akala ko nga every night nandun si Greg yun pala yang Aries na pala ang nakikita ko. Bakit ba magka mukhang magkamukha sila? Parang kambal!!!
" Madalang pumunta si Greg at Joseph mukhang may problem yung isang kaibigan nila, yun yung sabi ni Joseph nung naka chat ko." sagot naman nya.
" Sige! Salamat!" Sabi ko Kay Chimmy
" Partner may kaso na naman ng kidnapping." kwento ni Jerome
"Sino daw?" tanong ko
" Asawa ni Tyrone Villaluz! Si Bethany Villaluz. sagot nya
"Ah kilala ko si Tyrone. Kamusta ang kaso may lead na?" May binigay syang mga envelope at alam na kung nasaan si Bethany. Kailangan kong tawagan si Tyrone. Buti nalang at may iniwan na phone number ito.
"Yes hello! Who's this?" tanong nya sa kabilang linya.
" Hey! Tyrone... I'm Captain Yessa Perez. Remember sa club nagkita na tayo once pero that time nabaril ka naman. Ako na ang hawak ng kaso nyo about sa pagkawala ni Misis Bethany Villaluz. Meron na kaming lead. Pwede ka bang magtungo dito sa presinto?" sagot ko
" Yes papunta na. I'll go there." sabi nya pa bago ibaba ang tawag ko
Maya Maya pa ay dumating na si Tyrone. Nakita ko na sya akmang lalabas na ako ng kinawayan nya ako na tapusin ko na ang ginagawa ko. Kaya naman pinagpatuloy ko ang meeting ng mga kasamahan kong pulis.
Nang matapos kami ay nakita ko g marami na silang naghihintay sa labas. Nakita ko rin si Aries.
" Aries!" tawag ko sa kanya. Gusto kong magpa salamat sa ginawa nya. Alam kong mga tauhan nya ang nagdala sa akin sa pampang. Hindi ko na kasi kaya ang lamig kaya bumigay na ang katawan ko pero may mga tumulong sa akin at dinala ako sa pampang.
Nilapitan ko siya at niyakap.
" Thank you!" bulong ko
Pagbaling ko ay si Greg agad ang nakita ko ang sama ng tingin lalo na kay Aries.
Inaya ko na lamang sila sa loob para mabawasan ang tensiyon. Binigay ni Aries ang kanyang cellphone sa akin. Si Brent din pala ang kumidnap Kay Bethany isang Mafia Boss na halang ang kaluluwa.
Matapos maplano ang gagawing pag resque kay Bethany ay nag presinta silang 5 na sasama.
Pinauna naming pumasok sa target area si Aries. Dahil sya naman talaga ang kailangan dun. Pero halos mag iisang oras na hindi pa rin sya naka labas kaya kailangan ko ng magdesisyon papasukin na namin.
Nagulat pa ako sa naabutan naming eksena. Nakatapat ang baril na hawak ni Bethany kay Aries. Nang sumigaw si Brent saka ako nagpaputok. Bagsak ang mga tauhan nya sa sunod-sunod kong pag baril. Pero pinaulanan rin nila ako ng bala, kaya hindi ko na alam kung nailigtas ba nila si Bethany.
Naubusan na ako ng bala. Mukhang katapusan ko na. Nakatutok na sa akin ang baril ng isang tauhan, ng akmang papuputukin nya na sa ulo ko ay ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.
Lord kung ito na po nag katapusan ko ay malugod kong tinatanggap!!!
" Yessa halika na. Maraming kalaban kailangan na nating umalis.!" tinig ng isang lalaki? pamilyar! Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko ang gwapong mukha ni Greg. Grabe, parang teenager ako bigla akong kinilig. First time na may mag ligtas sa akin sa barilan.
Mukhang tinamaan na ang puso ko. Ang bilis ng t***k nito. Parang di ako makahinga ng maayos...
" Salamat!" tanging nasambit ko. My gosh totoo bang naka yakap ang braso nya sa beywang ko? Watttaaa ang bango nya. Nasa gitna kami ng engkwentro pero heto at nanaginip ako ng gising.
Sya na ba si Mister Right???