15

1031 Words
Liam POV Nagulat ako ng lumabas yung babaeng sinasabing ina ni Yessa galing library kung nasaan si Lance na ka kambal ko. Yung babaeng matagal ko ng pinapahanap. Yung babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Yung babaeng nagbago ng buhay ko. Yung babaeng nagpasaya sa malungkot kong buhay. Yung babaeng sobrang minahal ako at sobra ko ring minahal. Pero sya rin ang babaeng nagawan ko ng kasalanan. Nagsisi ako kung bakit ako nagsinungaling sa kanya tungkol sa tunay kong pagkatao. Kung bakit pa ako nagkaroon ng mga kaibigang tatraydor sa akin. Alam kong dati pa may gusto na sila kay Donna pero hindi ko sya nailayo sa kanila, kaya nangyari sa kanya yung isa sa pinagsisihan ko. Sa sobrang pagka bigla at halo halong imosyong naramdaman ko nung makaharap ko na sya ay di ko namalayang naka alis na pala silang mag-ina. Kaya pala ganun nalang ka pamilyar yung mukha ng babaeng pinakilalang napupusuan ni Greg dahil sya pala ang anak ni Donna. Nagbunga pala ang nangyari sa kanila ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Sa totoo lang umaasa akong magkabalikan kami. Wala na akong ibang minahal bukod lamang sa kanya. Sa lalim ng iniisip ko ay tapik ang nagpa balik sa akin sa reyalidad. " Hey mag-inom tayo! Ngayon lang ulit tayo nagkita kita Liam, Greg, Aries! " aya sa amin ni Lance. na ngingisi-ngisi pa. " Lance what happened, Bakit parang galing sa iyak si Donna kanina? May ginawa ka bang masama sa kanya?" Hindi ko na mapigilang tanungin. Naiinis akong sya ang kinausap samantalang ako nilagpasan lang kanina. Habang nag-iinom kami ngayon sa mini bar ni Papa. Hindi na namin sya inaya dahil binawal sa kanya ang alak. " Hey hey Liam! Yang mga tingin na yan, mukhang makakapatay ng tao, wag mo akong pagselosan. I love Vivien more than my life so sayong sayo lang ang Donna mo. Kinausap ko lang sya tungkol sa hindi mo nasabi noong kayo pa." ngising sagot nya " Tungkol saan?" tanong ko " Tungkol sa pag gamit mo sa pangalan ko. Until now she knows that her ex named Lance not Liam. Naramdaman ko kanina sa dinner yung pagtingin tingin nya sa akin. At ng kinausap ko sya tama nga ang hinala ko. Hindi mo pa naamin sa kanya dati. So ako na ang nagsabi sa kanya. Iba na rin kasi ang tingin ni Vivien sa aming dalawa ni Donna mo ayokong mag-isip ng masama ang asawa ko. Baka bigla akong iwan." biro nya pang sabi " Wait Uncle Liam, so you mean you are her ex boyfriend, not my dad?" si Greg Grey POV Mukhang tapos na ang pinangangambahan ko. Atleast alam ko na ang totoo. Hindi si Uncle Liam ang ama ni Yessa dahil base sa kwento nila ni Dad ay ginahasa ng kaibigan ni Uncle Liam ang mama ni Yessa. (1month later) Nandito kami ni Yessa sa isang restaurant para sana kumain. Sobrang saya ko kasi sinagot na ako ni Yessa. Official na ang relasyon namin. Pero bago pa maihain ang pagkain namin ay biglang nagka putukan. " Damn!!! What happening?" Tanong ko kay Yessa ng bigla nya akong hilahin sa ilalim ng table namin. " Yumuko ka Greg baka matamaan ka." Sabi nya habang inaayos ang baril nya. " Yessa if ever na magpakasal na tayo mag resign kana bilang pulis." Sabi ko pa bago siya lumabas ng table at nakipagpalitan ng putok. " Saka na natin pag-usapan yan! Halika na, mukhang ako ang punterya nila." sabay hila Niya sa akin sa exit nitong restaurant. Nakarating kami sa parking lot at agad na sumakay sa sasakyan ko. Hindi muna kami umalis dun. Kaya kitang kita ko na napaka rami pala nila. " Hey partner nandito kami ngayon sa restaurant I'll text you the exact address kailangan ko ng back up magsama ka medyo marami sila. I think nasa 20 ka tao." Sabi nya sa kausap nya sa cellphone nya. " Mukhang ako ang pakay nila dito. Walang ibang nadamay, wala pa kasing mga customer. Kami pa lang ng boyfriend ko." Nagulat ako sa huling sinabi nya. Totoo ba na di nya nilihim relasyon namin? Biglang napalitan ng saya yung nararamdaman kong kaba. Ang sarap palang pakinggan, kahit di pa naman nya sinasabi ang pangalan ko. " Sira ulo. Pumunta na kayo dito. Sige bye!" paalam nya pa sa kausap nya. "Who's that? iritang tanong ko. Paano ba naman talagang masaya pa sya sa kausap nya. Kahit na delikado na buhay namin dito. " Sweetie si Jerome yun. Paano ba naman akong hindi matatawa eh ayaw maniwala na may boyfriend ako. Sabi nya baka daw tinutukan lang kita ng baril kaya naging tayo. Hahahaha Napatingin nalang ako sa kanya. Ang ganda ganda nya, bakit naman sasabihin ng kumag na yun na para bang walang magkaka gusto sa Yessa ko. Pero mas maganda nga kapag ganun para ako lang ang nagmamay-ari sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na ang mga pulis. Nahuli na nila ang mga nagtangkang patayin si Yessa pero may mga nakatakas rin. Kaya hindi pa rin sya safe. Bumaba Ng sasakyan si Yessa at kinausap ang mga kasamahan nya. Hindi na sana ako susunod sa kanya sa paglabas ng biglang uminit ang ulo ko. " Hey dude don't touch her" maawtoridad na sabi ko. " Hahaha sorry sir Greg, nasanay lang akong akbayan si Yessa. Kaw naman partner masyado palang possessive ang boyfriend mo sana sinabi mo agad" sabi pa ng kumag na Jeroma na yun. Ang sarap bigwasan sa mukha. Hinila ko nalang si Yessa pa puntang sasakyan ko. Naiinis ako. Ayaw kong may ibang humahawak sa mahal ko. Dinala ko sya sa sa ibang restaurant para mag take-out nalang ng pagkain. Sa bahay nalang daw nila kami kakain para makasabay na rin si mama Donna nya. Pagdating namin sa bahay nila ay may sasakyang naka park. Pamilyar sa akin ang sasakyan na yun. "Mama narito na po kami ni Greg!" Abiso ni Yessa sabay katok sa pinto nila. Ilang sandali lang ay may nagbukas ng pinto. Pero imbis na si mama Donna nya ang magbukas ay si Uncle Liam ang nakita ko. Anong ginagawa nya dito???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD