7

1291 Words
Yessa POV Gabi gabi na akong pumapasok sa club. Honestly hindi na dahil sa nagpapanggap ako para mahuli ang criminal. Kundi ang makita at makasama lang si Greg. Ang saya saya ng puso ko kapag kasama ko sya. Balik teenager ata ako! Yung tipong nag ka ka crush pa. At aaminin ko crush ko si Greg! hihi Nalaman kong wala syang feelings sa akin dahil minsan ay nai kwento nya yung ex gf nya. Na hanggang ngayon ay hinahanap nya pa rin. Kaya ko namang maghintay kaya walang problema.Masaya na ako na makitang napapasaya ko rin sya. Hindi ko ma amin na may gusto ako sa kanya. Medyo nahihiya ako, kasi nga di ba dapat lalaki ang nagsasabi ng nararamdaman, sila ang dapat manligaw minsan palang akong nagka relasyon pero hindi ko na enjoy. Sana naman maging masaya ako this time. (2months later) Naka tanggap ako ng text galing kay Tyrone na invited ako sa isang vacation sa private island nila. Wow na wow talaga dahil may dagat sure akong mag eenjoy ako dito favorite ko ang swimming, Ang sarap magbakasyon lalo na't nalaman kong kasama si Greg oh di ba?? Pero biglang naglaho ang saya ko ng makita kong may kausap syang ibang babae sa mismong dinner na ini organized pa ng pamilya ni Tyrone sobrang lapit nila sa isa't isa, medyo nasaktan ako ngmild lang. Nakita ko silang umalis kaya sinundan ko sila. Papunta sila sa bahay kung saan kami naka tuloy. Pumasok sila sa isang kwarto sa pag ka ka alam ko ay hindi kay Greg dahil alam ko kung saan ang kwartong para sa kanila ni Joseph, ayaw ko man sanang sundan sila pero hindi suma sang-ayon ang katawan ko. Hindi nila naisarado ang pinto kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila. " I'm sorry Greg! Minahal kita totoo yun, pero dahil sa isang gabing pag ka ka mali ko ay na sira ko ang relasyon natin" sabi nung babae " No Cindy! It's my fault. Kung umuwi sana ako nun hindi sana nangyari sayo yun. Sobrang mahal na mahal kita." si Greg. " May anak na ako!" Sabi nung Cindy " Tatanggapin ko besides kamukha ko rin naman" si Greg Aaawwwtsss ang sakit marinig hindi ko na kaya pang pakinggan sila. Siguro hindi talaga sya para sa akin. Umalis na ako, nasasaktan na ako ng sobra. Ang sakit pa lang ma heart broken sa taong hindi mo pag ma may-ari. Pinapangarap ko palang pero na purnada na. Saklap!!! Pinili kong bumalik nalang sa venue. Nang palapit na ako ay medyo nag ka ka gulo, nalaman kong may kumuha na naman kay Bethany kaya nag desisyon akong sumama sa kanila. Alam na nila ang lokasyon kaya madali nalang sa amin. Nakuha namin si Beth pero critical ang kalagayan nya. Dinala nila sya sa malaking hospital. Alam kong masakit para kay Tyrone ang nangyari. Nang makita ko si Greg na parating ay nagpaalam na rin akong aalis, hindi nya na kasama yung Cindy pero sa tingin ko ay kailangan ko ng umiwas. Tuloy pa rin ang pasok ko sa club. Lagi ring nandun si Greg pero hindi ko na sila masyadong hinaharap. Nalaman ko rin na halos lahat pala ng katangian at ginagawa ko ay ayaw ni Greg, kaya pala hindi nya ako magustuhan. Isa na yung paninigarilyo ko. Bisyo na ginagawa ko lang naman minsan kapag gusto ko lang. Kaya nga para talagang maka move on ako, kapag nandyan sila ay lagi akong nag yo yosi oh di ba pasaway??? Next month mag re resign na rin kami ni Chimmy sa club tapos na ang misyon namin dun. Greg POV " I'm sorry Greg! Minahal kita totoo yun, pero dahil sa isang gabing pag ka ka mali ko ay na sira ko ang relasyon natin" pagtatapat sa akin ni Cindy " No Cindy! It's my fault. Kung umuwi sana ako nun hindi sana nangyari sayo yun. Sobrang mahal na mahal kita." sagot ko sa kanya. Totoong mahal ko pa si Cindy pero bakit iba na ang sinisigaw ng puso ko at isip ko ngayon? " May anak na ako!" Sabi ni Cindy " Tatanggapin ko besides kamukha ko rin naman" nahihibang na ako alam kong mali ito pero gusto ko. Ayaw ko mang saktan si Aries ang kambal ko pero ayaw ko ring ma punta si Cindy sa iba. " Alam mong malabo yang gusto mo. Alam ng anak kong... Hindi ko na sya pinatapos na magsalita, hinalikan ko sya sa labi pero bigla ko ring hininto. Bakit si Yessa ang pakiwari ko sa kanya. Hindi ako pwedeng umibig sa Yessang yun. Bukod sa ayaw ko sa isang pulis ay ayaw ko rin na mas matapang pa sya sa akin. "I'm sorry Cindy! Hindi ko sana ginawa sayo yun! Lalabas na ako!" paalam ko sa kanya. Ng makabalik ako sa pinag daraosan ng dinner ay wala na sila Tyrone. Saan kaya nagpunta ang mga yun. Wala si Marius, Joseph, Aries at may nagsabi pang sumama raw sa kanila si Yessa. Sa totoo lang ay mas nag alala ako para kay Yessa isa nya lang babae. Makalipas ang 7 oras, madaling araw na ng tumawag si Marius kay Althea. Nasa hospital daw si Beth at nag-aagaw buhay. Kaya naman ako na ang nag prisinta na mag drive para sa kanya. Nang makarating kami sa hospital ay hindi ko mahagilap si Tyrone, tanging si Marius at Joseph lang ang nasa emergency room. Pero naagaw ang pansin ko ng magpaalam si Yessa. Duguan ang kanyang damit pero mukhang maayos naman sya. Lalapitan ko sana pero umiwas sya at umalis na. Binalewala ko nalang ang ginawa nya. Baka pagod lang. Bukas ko nalang sya pupuntahan sa club. Nagpaalam na rin akong uuwi sa kanila ng mailipat na si Beth sa private room. Wala pa rin si Tyrone. Kaya tinext ko nalang sya na pumunta nalang sya sa isang hospital kung saan sya bibili ng gamot para kay Beth at sa kambal nila. May doctor na mag assist sa kanya dun. Kinagabihan ay pumunta akong mag-isa sa club para sana maka usap si Yessa. Pero imbis na kausapin ako ay sumama sya sa isa ring customer. Nakaka inis lang dahil imbis na kumanta sya ay binayaran ang buong gabi nya at nilabas pa sya. Buong gabi akong hindi nakatulog. Bakit ba iba na itong nararamdaman ko? Nasanay akong lagi syang kasama pero buhat ng bakasyon sa isla nila Tyrone ay nag-iba na sya. Gabi gabi ako sa club kahit ramdam ko ang pag iwas nya. Kaya naman naisipan kong bilhin ang isang gabi nya para makasama at maka usap lang sya. Nagulat pa sya na ako pala ang makakasama nya. Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa narating namin ang condo ko. " S*x ba ang dahilan kaya mo ako binili ng isang gabi? Hindi biro ang 3 million para sa isang gabi!!!" basag nya ng makapasok kami sa Condo ko. " Nice place ha! Dito mo rin ba dinadala ang mga babaeng kinakama mo? o kaya Yung gf mo?hihi" hirit nya pang sabi sabay sindi ng yosi. s**t isa sa pinaka ayaw ko... Kaya naman dali-dali kong inagaw sa kanya yun. Halos ma ubo pa ako sa usok. Saka ko pinatay. " No smoking!!! Hindi ito open area" inis kong sabi. " Oh I'm sorry, akala ko pwede ! hihi" pang aasar nya pa sa akin. " Where's your bathroom? Mag shower lang ako" si Yessa " May bathroom dyan sa kwarto na yan magpalit ka rin ng damit. Masyadong malaswa yang suot mo. Bakit ba kasi nauso pa yang crop top na yan sana nag bra ka nalang" Sabi ko " Oh later mister, masyado ka atang nag-aapura. hihi" sabay kindat pa sa akin. Napailing nalang ako sa kalokohan nya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD