Yessa POV
"Hi uncle Liam!" bati ko sa Uncle ni Greg. Kagabi pa sya nandito sa bahay namin para makausap si mama. Pero itong mama ko pakipot pa at ayaw kausapin si Uncle kaya naman ako nalang ang nag asikaso sa kanya dito. Meron naman kaming isa pang bakanteng kwarto kaya dito ko na rin muna sya pinatulog. Masasabi kong masaya syang kasama, ituring ko nalang din daw siyang ama ko kung sakaling nagungulila ako sa ama. Napaka buti nya. Pero di pa rin Kasi mawala sa akin ang masabik sa pagkikita namin ng tunay kong ama. Sana lang magkita na kami sa madaling panahon.
Kaninang umaga pagka gising ko ay nakita kong nasa kusina silang dalawa ni mama galit-galitan pa si mama kay Uncle Liam kesyo daw bat dito natulog, bat sya pa ang nagluto galit na galit pero mukhang bumigay rin naman ang mama ko at talaga halatang halata naman na mahal na mahal nila ang isa't isa. Sana lang magka happy ending rin sila. Besides wala namang tututol lalo na ako. Mas gusto kong makita si mama na masaya sa piling ng taong mahal nya.
"Pasok kayo!" mas binuksan pa ni Uncle Liam ang pinto. Nakita ko ang pagka gulat sa mukha ni Greg ng makita ang uncle Liam nyang nandito ngayon sa bahay
" Uncle Liam why are you here?" bulong na tanong ni Greg sa uncle nya nang makapasok na kami sa loob ng bahay.
" Gusto ko lang makausap si Donna iho! Kaya ako na ang nagpunta dito. Honestly kagabi pa ako narito." sagot naman ni Uncle Liam
" What? Nasaan ang mga bodyguards mo? " gulat na tanong nya. Kahit nagbu-bulungan lang sila ay rinig na rinig ko rin dahil magka-katabi lang naman kami. Hindi ko nalang sila pinansin bagkus ay tinawag ko Ang aking mama.
" Mama! Nandito na po kami ni Greg." abiso ko sa mama ko alam kong nasa kusina sya dahil may nagluluto doon.
Nagpaalam na muna ako kanila Greg at Uncle Liam na aakyat sa kwarto ko para magbihis. Iniwan ko silang dalawa sa salas.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na rin ako para maka pananghalian na.
" Anak pumunta na kayo dito sa kusina kakain na tayo." tawag sa akin ni mama
Inaya ko naman sila Uncle Liam at Greg para kumain na. Nakita ko ang sweetness ni Uncle Liam sa mama ko. Sa paglalagay nya ng kanin at ulam sa plato nito. Tiningnan ko naman ang aking mama, makikita mo sa kanya ang saya sa kanyang mukha. Mukhang nagka ayos na rin sila. Paano kaya kung sila ang nagkatuluyan ako rin kaya ang magiging anak nila? Buti nalang hindi kasi kung nangyari yun edi sana mag pinsan kami ni Greg di ba?
" Yessa kumain ka pa!" sabay lagay ni Greg ng ulam sa aking plato.
" Salamat sweetie!" sabay kindat ko sa kanya. Napailing naman sya pero bakas ang saya sa mukha
Pagkatapos naming mananghalian ay nagtungo na kami ni Greg sa salas para manood ng tv. Iniwan namin sa kusina sila mama. Sila na daw kasing dalawa ng bahalang magligpit ng pinagkainan namin.
" Yessa!" tawag sa akin ni Greg sabay hawak ng kamay ko.
" Bakit?" tanong ko
" What if magpakasal na tayo?" nagulat ako sa sinabi nya. Nag po-propose na ba sya sa akin?
" Nag po-propose ka na ba sa akin?hihi" biro ko pa sa kanya
" Yes! Saka ko nalang ibibigay ang engagement ring natin kapag nakabili na ako." sabi nya pa
" Nagmamadali ka ata? Kailan lang kita sinagot!" natatawa ko pang sabi
" Maybe! Baka kasi unahan pa tayo nila uncle Liam na magpakasal." sagot nya na nagpa nganga sa akin.
" Eh ano naman kung mauna sila?"curious na tanong ko sa kanya.
" Hindi ko alam pero mas gusto kong mauna tayong magpakasal." sagot nya
" Sige magpapakasal ako sayo kapag nakita ko na ang tunay kong papa. Gusto ko kasing sya ang maghahatid sa akin sa altar kapag ikinasal na tayo." sabi ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko rin naman malaman if sino ba talaga ang ama ko. Sa ngayon kasi pangalan palang ang alam ko. Hindi ko maharap hanapin dahil nga marami rin akong case na hawak ngayon.
" Yes!!!Sure!!! You know na ba if what's his name? Or I need to investigate pa?" excited nyang sagot.
"Yael Elperalta! Yan daw ang pangalan sabi ni mama".
Greg POV
Yael Elperalta??? Ang sabi ni dad one of uncle's Liam friend eh wala namang Yael Elperalta syang kaibigan. Kailangan kong tanungin ulit si daddy about dito.
Papunta na ako sa mansyon nila daddy, gustong-gusto ko ng malaman ang totoo.
" Hi mom! Where's dad? agad na tanong ko sa mommy ko sabay halik sa kanyang noo.
" Oh iho! I'm glad at napadalaw ka." Wala si daddy mo dito. Bakit mo sya hinahanap? tanong ni mommy
" Mommy di ba same school kayo ni daddy nung college?" tanong ko
" Yes iho why?" balik n tanong nya sa akin.
" So kilala mo po si tita Donna yung mama ni Yessa? tanong ko ulit
" Not exactly na kilala but familiar sya sa akin." sagot nya. tumango lang naman ako.
" What about Yael Elperalta? tanong ko. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ni mommy. Parang bigla syang may kinatakutan.
" Why are you asking about that man?"
" So meron ngang ganung pangalan sa campus nyo dati?" tanong ko
" Wait iho pwede bang sa loob ng office tayo ni daddy mo mag-usap." aya nya sa akin. Kaya naman sumunod nalang ako sa kanya.
Sana lang masagot ni mommy lahat ng katanungan ko para mahanap ko na agad ang papa ni Yessa. Gusto ko na talagang pakasalan sya. Gusto ko n ring bumuo ng sariling pamilya . Sya ang gusto kong babae. Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Nang makarating kami sa Office ni daddy ay doon nilabas ni mommy ang isang Album. Album na alam kong sa kanya.