19

879 Words
Yessa POV Nandito ako ngayon sa isang probinsya, natagpuan ko na yung takas na bilanggo na hinahanap namin sa misyon. Sa kasamaang palad ay sa kanya ako bumagsak. Natagpuan nya akong duguan at wala ng malay, ayon sa kanya ay 3 days na akong nakatulog at ngayon nga lang ako nagising. Nawala pansamantala ang memorya ko kaya naman naisipan nya na iuwi ako sa kanila. At ngayon nga ay bumalik na ang memory ko pero kailangan kong magpanggap na may amnesia pa rin para malaman ko pa ang mga plano nila. " Kuya bakit mo pa kinuha yang babaeng yan? Dapat pinabayaan mo na syang mamatay dun. Alam mo bang isa yang alagad sa batas. Mahirap na baka kapag nakaalala yan eh bigla ka nalang damputin at ipasok na naman sa impyernong seldang yun." himutok ng kanyang kapatid " Don't worry about me. Di na ko babalik dun." kumpyansang sagot nya sa kapatid nya na kanina pa irap ng irap sa kanya. Nandito ako ngayon sa labas ng pinto para sana ihatid ang kanyang kape. Pero dahil sa naka bukas naman ito at dinig ang usapan nila ay nanatili muna ako dun. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang kanyang kapatid na kulang na lang ay patayin ako sa tingin. " What are you doing here? Kanina ka pa nandyan? maarteng tanong nya. "Hindi, kadarating ko lang. Hahatiran ko ng kape ang kuya mo." sagot ko " Naku kung wala ka lang amnesia kanina pa kita sinaktan!" bulong nyang sabi bago niya ako iwan. Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok sa kanyang library. "Papasok na ako!" sabi ko "Oh nag-abala kapa but anyway thank you!" Sabi nya ng ibaba ko ang kape sa kanyang table. "Walang anuman! sagot ko bago ako nagpaalam na lalabas na. Sa totoo lang sa dalawang linggong nandito ako sa pamamahay nya ay wala akong makitang masamang ugali nya. Lahat naman ng tauhan nya ay mababait maliban lang sa kapatid nyang pinaglihi ata sa sama ng loob. " Pare hindi mo ba kilala yang pinapatira mo dito sa mansyon nyo?" rinig kong sabi ng isa sa mga bisita nya. Mukhang kaibigan nya ang mga ito. Nasa garden silang lima. Nagprisinta kasi akong samahan ang isang katulong nya na maghatid ng meryenda nila. "Who?" tanong nya " Si Yessa Perez!" sagot nito sa kanya. "Don't worry I can manage." sagot nya bago kami nakarating kung saan naroroon sila. " Wow! pare ang ganda nya pala talaga sa personal." sabi ng isa nya pang kaibigan " Stop staring her Lheo!" may galit na sabi nya " Oh pare ang possessive mo!" sabay taas nya pa nga kamay na tila sumusuko. Matapos nilang magpasalamat sa amin ay nagpaalam na rin kami. Pumasok na kami sa loob ng mansyon. " Camila halika na iha magmeryenda ka na rin." tawag sa akin ni nanay Maring siya ang mayordoma ng mansyong ito. "Camila" yan ang pinangalan nya sa akin. Pinagtapat nya sa akin ang nangyari maliban sa alam nya ang tunay na pagkatao ko. Ilang araw pa ang nilagi ko sa kanya ng maisipan kong magpaalam. " Pwede ba kitang makausap?" tanong ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa library nya. Nasanay na akong tuwing hapon ay dalhan sya ng kape dito. " About what?" maikling tanong nya sakin " Gusto ko sanang magpaalam na. Balak ko sanang mag trabaho at umalis na dito. Mabuti na ang kalagayan ko." paalam ko sa kanya. " You remember everything? medyo hirap na tanong nya sa akin. " Wala pa pero ayoko sanang maging pabigat pa sayo." sabi ko " Stay! Kapag nakaka alala kana saka ka nalang umalis dito. For the meantime dito kana muna." mahinahon na tugon nya. Sa totoo lang sobrang bait nya sa akin. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sya naging criminal at ang pinagtataka ko pa ay kung bakit tumakas sya. Marami syang tauhan pero ni minsan ay di ko nakitaan ng karahasan. Armado sila ng mga baril pero lahat sila ay mababait. Nakilala ko pa nga ang pinakamatanda nyang bodyguard na si Mang Dolfo. Bodyguard sya ng namayapang ama nya at halos dekada na ang tagal nya sa pamilyang ito. Never ko pang nakita ang ina nya pero alam ko lang sa ngayon ay wala na ang kanyang ama. Tanging ang kapatid nya lang ang alam kong kamag-anak nya na laging bumibisita lang sa kanya every weekend Nagliligpit ako ng aking gamit sa kwarto ng marinig ko ang isang malakas na kalabog galing sa labas ng pintuan ko. Naalerto ako. Bago ko buksan ang pinto ko ay naghanda muna ako para kung sakaling kalaban ay napaghandaan ko na. Pero nalukot ang mukha ko ng pagbukas ko ay lasing na lasing na lalaki ang nakita ko. Halos di na sya makatayo ng maayos. " Oh I'm sorry Camila gusto lang sana kitang makausap pero bakit ba may l*tcheng kahoy dyan?" sabay turo sa daan. Pero ng tingnan ko ay wala naman. " Nakakahiya, ngayon lang ako nadapa." sabay ngisi nya pa habang kinakamot ang kanyang sintido. Ngayon ko lang nakita ang pag ngiti nya. Ang gwapo nya rin pala. Bigla ko tuloy naalala si Greg. " I'm sorry Greg! After kong matapos ang misyon ko promise babalik na ako sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD