20

933 Words
Greg POV Halos 5 buwan na ang lumipas ay wala pa ring Yessa kaming natatagpuan. Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko pero di pa rin sya makita. Yessa nasaan ka na ba? Sana walang masamang nangyari sayo. Mahal na mahal kita! Di ako susuko hanggang sa mahanap kita. " Twin sa susunod na buwan na ang kasal namin ni Cindy. Ayos lang sa akin kung hindi ka makaka-attend dahil wala pa si Yessa." si Aries. Nandito sya ngayon sa penthouse ko kasama pa ang ibang naming mga kaibigan na walang sawang tumutulong sa akin sa paghahanap sa mahal ko. " Pag-iisipan ko!" tanging sagot ko sa kanya. Sa totoo lang nalulungkot talaga ako dahil mapa sa hanggang ngayon ay wala pa rin akong Yessa na nakikita. Pinagtapat na sa akin ni mama Donna na nakausap nya ang anak nya kaya naman panatag na kaming buhay sya. Kaya lang minsan lang siyang tumawag at di na nasundan pa. Kaya lubos pa rin ang pag-aalala ng kanyang ina pati na rin si Uncle Liam na ngayon ay legal ng asawa ng kanyang ina. " Marius kung sakaling hindi pwede si Greg baka pwedeng ikaw ang maging best man ko." rinig kong sabi ni Aries sa katabi. " Yes pre ayos lang. Aattend kami ni Althea kasama ang mga bata." sagot naman ni Marius. " Thanks!" si Aries " Bro dapat si Crystal ang kapareha ko ah ayoko sa iba dapat ako lang." hirit naman ni Joseph kay Aries " Halatang halata ka Joseph. Bata pa ang kapatid ko. Marami pang pangarap sa buhay yun." si Aries " 22? Bata pa ba yun? Pwede ko na nga rin pakasalan pagkatapos mo dahil alm kong ako lang naman ang nag iisang pangarap nya.haha." biro pa ni Joseph " Tskk... Kung makaka pasa ka sa standard nya" si Aries. Sa totoo lang nakakatuwa si Joseph mukhang tinamaan ng husto sa nakagisnang kapatid ni Aries na ka-kambal ko. "Wait heto na pala ang invitation. Sa probinsya ni Cindy gaganapin kaya please lang mag behave kayo dun." banta ni Aries " Sa Palawan??? Wow beach wedding. After wedding mag swimming tayo, tiyak na gusto ng mga anak ko yan. " si Marius Napansin kong tahimik lang si Tyrone mukhang malalim ang kanyang iniisip. Kaya naman napunta ang atensyon ko sa kanya. " Bro may problema ba?" tanong ko. " Greg what if makita mo ang mahal mong may kasamang ibang lalaki anong gagawin mo?" tanong nya rin sa akin. " May problema ba kayo ni Beth?" Tanong ko. Bagkus na sagutin ay kinuha nya ang cellphone nya sa kanyang bulsa at may binuksan na app. Natulala ako sa nakita. Sh*t!!! Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Yessa na may kasamang ibang lalaki. Base sa picture ay mukhang nagkaka mabutihan na sila. Nakaakbay ang lalaki at nakadikit pa ang mga pisngi nila at parehong naka ngiti, stolen ang kuha kaya mukhang sa ibang bagay sila parehong nakatingin. Mula sa pagka ka ngulila sa kanya ay bumugso ang kakaibang damdamin.Na palitan ito ng Galit,,, oo galit na galit ako sa kanya. Pinaasa nya ako sa wala. Kaya pala natiis nya akong di balikan dahil sa meron ng ibang nag ma may-ari sa kanya. Nakita rin nila Aries ang picture... Kaya nagkayayaan na pumunta sa Bar na pag ma may-ari namin. Nasa VIP room kami ngayon. At heto nagpapakalasing ako ng husto... " Bro stop na, umuwi na tayo. Tama na yan!" pigil ni Aries sa akin, balak ko pa kasing inumin ang isa pang bote ng alak. " Bro I think mas mabuting kausapin mo si Yessa. Mukhang may mali eh. Sa pagkakakilala ko sa kanya mas mahalaga ang trabaho nya. If magkakagusto man sya sa iba tiyak babalik sya sa serbisyo." si Tyrone "Oo nga bro. I have a plan after the Wedding puntahan natin yung lugar kung saan may nakakitang tinutuluyan ni Yessa." si Marius " Mga t*nga ba ka-yo??? Ayaw na sya akin ng tao, ba-kit ko pa hhiikk kailangang ipilit ang sarili ko sa kanya.??? lasing na aabi ko. Ito na ang araw na pinakahihintay ng aking kambal. Naging matiwasay naman ang kanilang pag-iisang dibdib. Natutuwa ako para sa kanila. Dahil natagpuan nilang pareho ang tunay na pag-ibig. Nabuo na ng kambal ko ang kanyang pamilya. Lumipas pa ang mga araw bago kami nagdesisyon na puntahan ang mansyon na tinutukoy ng source ni Tyrone. Isang matandang lalaki ang lumabas para kausapin kami, may mga kasama rin syang dalawang lalaki. Mga armado sila. Pero di kami nagpasindak, si Tyrone na ang kumausap sa matanda. Ayon sa matanda wala daw nag ngangalang Yessa Perez sa loob ng mansyon. Tanging ang mga kasambahay lang ang nandon dahil nasa bakasyon daw ang kanilang amo kasama ang asawa nito. Ngayon daw ang honeymoon at piniling pumunta ng ibang bansa. Si Kier Alucero sya ang amo nila. Isang takas na bilanggo??? Pero bakit hanggang ngayon ay di pa rin naibabalik sa kulungang gayung sikat na sikat ang pangalan nya dahil sa patong patong na kaso. Matinik din ang g*go talagang napawalang sala sya at pinagbayad nalang. "P*tcha!!! Ako ang gagawa ng paraan para mapakulong ulit siya." sigaw ko habang umiinom na naman ng alak." Ngayon ko lang nalaman na dating ex convict pala ang ipinalit sa akin ni Yessa at talagang nagpakasal pa sya. Nakumpirma namin na si Yessa nga ang babae na kasama ng amo nila dahil pinakita ni Marius ang litrato ni Yessa na tinawag naman nyang Camila... Ang sakit sakit... Akala ko kaming dalawa na pero hindi pala... Magbabayad kayong dalawa sa panloloko nyo!!! Humanda kayo sa ganti ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD