Yessa POV
Matapos kong i text si Greg ay sumakay na ako sa motor ko para magtungo kung nasaan ang chopper na magdadala sa amin kung saan matatagpuan ang pinagtataguan ng isang takas na kriminal. Hindi lang sya basta basta kriminal dahil isa syang Drug Lord at ngayon ay nag ooperate na naman sila sa isang probinsya.
"Partner tara na." aya sa akin ni Jerome kasama rin sya sa misyon namin. Sayang at nag resign na si Chimmy isa pa naman yun sa laging excited kapag ganito ang misyon namin.
" Ang lalim ata ng iniisip mo? Gusto mo bang wag ng tumuloy? Delikado ang kakaharapin natin lalo na't di ka naka focus." pag-aalalang sabi ni Jerome.
" Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala sa akin. Naalala ko lang si Chimmy." sagot ko sa kanya.
Malapit na kami sa kampo namin na ginawa ng mga naunang kasamahan namin ng makarinig kami ng pagsabog. Malakas na pagsabog na halos ika bingi ko.
" s**t! Yung kampo natin nilusob ng kalaban?" sigaw ng kasamahan naming piloto.
Kaya bago pa kami makababa ay pinalipad nya ulit ang sinasakyan namin pero imbis na lumipad ay nagkaroon ng problema ang chopper.
Kailangan naming mag emergency landing, hanggang sa sinuotan ako ni Jerome ng life jacket.
" Jerome magsuot ka rin." sabi ko sa kanya
" Last na yan partner. Lima lang ang available dito eh anim tayo. Mas mahalaga ang buhay mo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." sabay halik nya sa noo ko.Pabagsak na ang sinasakyan namin ng bigla nya akong tinulak sa ere kasama ng iba pa naming kasamahan. Nakita ko pa ang pag ngiti sa akin ni Jerome na sakay pa rin ng chopper na pabagsak na. Ang sakit sakit sa puso. Hindi ko alam kung makaka ligtas sya. Sana magkita pa ulit kami, sana mabuhay siya.
Greg POV
Halos isang buwan na mula ng umalis si Yessa para sa misyon. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakikitang Yessa, karamihan sa mga kasamahan nila ay natagpuan na ang mga bangkay. May mga sunog na katawan pero wala namang ka match doon si Yessa kaya umaasa pa rin kaming buhay siya. Tumulong na ring sa paghahanap si Aries. Next year pa naman ang nakatakda nilang kasal ni Cindy kaya naman di na rin ako tumanggi sa tulong niya.
Lagi akong bumibisita kay mama Donna para na rin makibalita. Alam ko ang sakit na nararamdaman nya dahil kaisa-isang anak nya lang si Yessa. Malaki ang pasasalamat ko kay uncle Liam dahil hindi nya pinapabayaan si mama Donna ni Yessa, tiyak na magiging masaya sya kapag nalaman nyang may nag-aalaga at nagmamahal sa mama nya.
" Hello bro! May balita na ba kay Yessa?" tanong ko kay Marius tumawag kasi sya sa akin ngayon.
" Bro may naka kita daw na kahawig ni Yessa sa isang probinsya gusto mo bang puntahan natin?" tanong nya sa akin
" Sige bro! Puntahan natin. Saan daw probinsya? tanong ko
" Sa Pampanga daw! Pero base sa taong nakakita may asawa na daw yung kahawig ni Yessa dun." sabi nya pa.
"Paanong magkaka asawa si Yessa? Isang buwan palang siyang nawawala." inis na sagot ko sa kanya. Sa akin lang si Yessa at walang dapat yumakap o humawak man lang sa kanya lalong lalo na walang dapat na mapangasawa siya maliban sa akin.
Madaling araw palang ay narito na ang mga kaibigan ko. Sasamahan daw nila akong pumunta kung saan may nakakita kay Yessa. Sana lang sya talaga yun.
Pagod at antok lang ang inabot namin Ng makarating sa probinsyang sinasabi nila kung saan may kahawig si Yessa. Wala na kasi yung babaeng tinutukoy nila kaya wala kaming inabutan.
"Bro I think natunugan tayo. Bakit naman biglang mawawala nalang na parang bula yung babae?" si Tyrone
" I don't know! Isa lang ang ipinagdarasal ko. Sana buhay pa si Yessa. Sobrang nag aalala na ko sa kanya. Masyadong matagal na syang nawawala. Sana di sya napahamak." sagot ko
Donna POV
Sobrang nag-aalala ako sa nangyari sa anak kong si Yessa dahil sa misyong tinanggap nya. Ilang araw na rin syang nawawala kasama si Jerome. Nandito ako ngayon sa kanyang kwarto para ayusin ang kanyang mga gamit miss na miss ko na ang nag-iisang anak ko. Sayang lang, kung kailan naman nagkaayos na kami ni Liam at inaya pa akong magpakasal sa kanya saka naman nawala si Yessa. Lubos na sana ang kasiyahang nadarama ko. Sobrang lungkot ko ngayon dahil Hindi pa Rin sya naghahanap, sa gitna ng pag-iisip ko ay may biglang tumawag sa aking cellphone.
"Hello mama!"
"Yessa ikaw ba yan anak?"
"Opo mama! Nakaligtas po ako may tumulong po sa akin, hindi muna ako uuwi dyan sa atin tapusin ko lang po tong misyon ko. Huwag nyo po muna sabihin sa iba na Buhay ako at tumawag pa sayo."
"Anak nag-aalala na kami sa inyo! Si Jerome kasama mo ba?"
"Hindi po mama! Hindi nila natagpuan si Jerome?"
" Wala anak puro katawan lang ng mga namatay na kasamahan nyo ang natagpuan. Salamat sa Diyos at buhay ka."
"Mama ibaba ko na po itong tawag ko. Mag-ingat ka lagi. Mahal na mahal kita"
" Mahal na mahal din kita anak. Teka lang, pati ba kay Greg di ko sasabihin ang tungkol sa pagtawag mo?"
Toooottttt.... toooottttt... toooottth
Namatay na ang tawag ng aking anak na si Yessa, binalikan ko ng tawag ang ginamit nyang numero pero di ko na sya makontak. Nag da-dalawang isip tuloy ako kung sasabihin ko kay Greg at Liam na buhay ang anak ko. Bakit kaya kailangan nya pang magtago at ilihim na buhay sya. Halos lahat kasi ng kasamahan nila sa misyon ay natagpuang wala ng buhay maliban sa apat na kasamahan nilang nakaligtas, sila ni Jerome nalang ang di pa natatagpuan hanggang ngayon. Sana lang ay ligtas din si Jerome. Ang batang yun, alam kong matagal na nyang gusto ang anak ko kaso na totorpe. Mas gusto ko sana sya kay Yessa kaya lang dumating sa buhay nya si Greg isa ring Mondragon alam kong mas maaalagaan sya. Sana lang matagpuan na ni Greg si Yessa.