1

1048 Words
Greg POV Ako nga pala si Greg Euan Mondragon sa edad na 20 ay ako na ang naghandle ng aming company. Isa sa mga business ko ay kasosyo ko ang tatlo ko pang kaibigan si Marius, Tyrone at Joseph. Lahat kami ay mga bilyonaryo na.Ang sabi nila gwapo daw ako, pero hindi ko feel hindi kasi ako habulin ng mga babae like Tyrone sabagay isa kasi syang model, serious type kasi ako madalang ngumiti. Sa taas na 5'8, may kasingkitan ang mata namana ko ito sa aking ina na koreana, matangos din naman ang ilong ko at likas na mapula naman ang aking labi. Minsan na akong nagmahal at aaminin kong minahal ko sya ng sobra. Pero niloko nya lang ako kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagugustuhang babae dahil na rin sa takot na baka lokohin ulit ako. Ngayon ay nandito ako sa Pilipinas dahil sa mga kaibigan ko. Nakapag asawa na si Marius, imagine yung first love na akala nya ay namatay sa isang aksidente ang makakatuluyan nyan rin. Si Tyrone naman ay malapit na ring ikasal, akalain mong yung inaayawan nya noon na babae ay sya pa palang magpapatibok ng mapaglaro nyang puso. Busy na ang dalawa kaya naman si bunso ang kasama sama ko ngayon. "Bro puro nalang tayo bar, try natin sa club... Daming magandang babae dun may alam ako puntahan natin mamayang gabi." si Joseph "Club?ayoko maraming nagsasabi marurumi ang nga babae dun"tanggi ko. "No bro,yung pupuntahan nating club malilinis ang mga babae nila I assured you. Nakapunta na ako minsan at may kaibigan ako dun yung waitress nilang pang gabi.May bago daw silang singer, kung ayaw mong mag table edi inom nalang tayo gusto ko lang makita yung sinasabi nilang maganda. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa gusto nya. Yessa POV Ako nga pala si Yessa Perez isang police woman, may iniimbistigahan kasi kaming kaso kaya nag under cover ako bilang prostitute/singer napag alaman kasi namin na nagiging customer ng club na pagtatrabahuhan ko ang nagtatagong prime suspect sa pag m******e sa isang pamilya sa probinsya. Ako ang napili nila dahil ako lang naman ang babaeng may potential daw dahil sa galing ko sa pagkanta kaya mag aapply ako na singer sa nasabing club dahil hiring sila. Sa height na 5'6, balingkinitan din ang katawan ko, sabi nila maganda daw ako marami akong manliligaw nung highschool hanggang college pero tumumal na nung naging pulis ako sa dami ba naman ng mga achievements ko natakot ata sila.hihihi "Partner sure kaba sa papasukin mo? Maraming halang ang bituka dun, pwede kang mabastos dun. Baka may mangyaring masama sayo."pag-aalalang sabi ni Jerome Si Jerome ay kababata ko, bata palang kami ay magkaibigan na kami. Dahil sa anak ako ni mama sa pagka dalaga ay ang papa ni Jerome na ang tinuring kong ama dahil sa magkaibigan naman sila ni mama. Ulila na rin sya sa ina, namatay kasi ito ng isinilang siya. Kaya si mama naman ang tinuring nya na ring mama. Magkapitbahay lang kami... "Wag ka mag-alala sa akin yakang yaka ko to. Ako pa ba??? sabay giling ko sa harap nya. "Ang laswa partner... itigil mo nga nakakadiri" Sabi nya pa na may pasuka suka pang nalalaman. Tumigil ako sa pag giling saka ko binunot Ang baril ko.Sabay tutok sa kanya. " Ito kaya partner madidiri ka rin kaya sa dugo na lalabas sayo???" "P*ta binibiro lang kita, baka pumutok yan mamatay ako sayang ang magandang lahi ko." kabadong sabi nya Isinuksok ko ulit sa beywang ko yung baril ko. "Hihihih, sarap mong pag tripan"tawa ko pa "Makaalis na nga dito may baliw na naman na nakatakas sa mental" iniwan nya na ako. Likas lang sa amin ang ganun magbiruan, halos magkapatid na rin naman ang turingan namin napakabuting tao nya pero medyo mahina ang loob kaya nga mas mataas pa ang ranggo ko sa kanya. "Yessa mag start kana mamaya sa club. Wag kang mag alala nag apply din akong waitress dun kaya dalawa tayong papasok dun. Mag ingat nalang tayo kasi dayuhin daw ng gulo yung club na yun. Pero don't worry pinapunta ko yung kaibigan ko dun. Di nya alam na mga pulis tayo kaya pati sa kanya wag mong babanggitin na nag under cover lang tayo."si Chimmy isa ring pulis na kagaya ko. Kinagabihan ay start na kami first day namin kaya mapa orientation pa talaga ang club. Lahat pala dun ay pwedeng i table o kaya naman i take out na. So kahit singer at waitress lang ang pinasok namin ay pwede rin kaming ma ikama kung magkasundo sa price. Ito na ang challenging sa amin. Birhen pa naman akong naturingan baka hukluban pa ang makabili ng serbisyo ko. Kailangan din siguro namin mag disguise. Nandito ako sa kwarto kung saan kami nag aayos at dito na rin nagbibihis ang mga mananayaw. Tumingin ulit ako sa mukha ko, pinipigilan kong matawa dahil mukha akong si Betty la fea dahil sa fake bangs na nilagay ko medyo pinakapal ko rin yung kilay ko at nagsuot ako ng makapal na salamin sa mata para walang magkagustong itakeout ako.hihihi Halos mamatay matay naman ako kakatawa ng makita ko ang itsura ni Chimmy may nilagay siyang napakalaking nunal sa pisngi nya gaga pasas ang laki. Sa totoo lang akala ko garapata sarap tirisin.hahhhhhaaahahaha " Betty la FEA ikaw ba Yan???pang aasar na tanong ni Chimmy sa akin. "Eh ikaw bakit may garapata ng aso dyan sa mukha mo?balik na pang aasar ko Rin sa kanya. Nagkatawanan nalang kami. Hanggang sa Oras na para mag perform ako. Pag labas ko ay makikita ko ang disgusto nila sa itsura ko pero Ng magsimula na akong kumanta ay masigabong palakpakan naman ang narinig ko. Daming nag request ng kanta. Buti nalang at wala namang gulong naganap. Kaya naman tuwang tuwa ang may-ari ng club dahil swerte daw Ang pagpasok ko sa kanila mas dumami Ang customer nung gabing yun. Hanggang sa gabi gabi na nga. Marami talagang dumarayo sa club na yun hindi lang kalalakihan kundi pati mga babae na rin, kasintahan o kaya mga asawa nila. Nagustuhan nila yung gimik namin na may pa request ng song buti nalang at sobrang hilig ko sa pagkanta kaya naman halos memorize ko lahat ng kanta. Alam nyo na talentadang Pinay ata to!!!!hihihi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD