9

1026 Words
Greg POV 3 months later Mula ng malaman kong nagpunta sila Yessa sa Mindanao ay araw-araw na akong na k**i balita kay Chimmy. Hiningi ko yung cp# nya . Gusto ko kasing kamustahin lagi si Yessa. At sabi nya nga kagabi ay naging successful ang misyon nila dun at ngayon nga ay pauwi na sila. Inalam ko na rin kung saan nakatira si Yessa at nakilala ko na rin yung mama nya na tanging kasama nya na lamang sa buhay. Maaga akong pumunta sa kanila para sana surpresahin sya. Pero mukhang ako ang masusurpresa. " Yessa iha mabuti at ligtas kang nakauwi" yakap sa kanya ng kanyang ina. Nandito ako ngayon sa sala at tanaw na tanaw ko sa bintana nila ang labas ng gate kung saan sila ngayon. Nakita ko kung gaano ang pagmamahal nila sa isa't isa. Medyo umitim sya pero di pa rin nagbago ang ganda nya. Sobra ko syang na miss sa totoo lang " Iha may bisita ka pala nasa loob" sabi pa ng mama nya. Bigla tuloy akong kinabahan kaya tumalikod muna ako para di makita ang reaksyon nya. " Partner!" sigaw ng lalaki kaya naman napaharap ulit ako kitang kita ko ang pagyakap at paghalik nito sa noo nya. F*cking sh*t huli na ba ako? Meron na syang kasintahan? Kita kasi sa mga mata nila ang pagka gusto sa isa't isa. Inakbayan pa nito si Yessa papasok sa bahay. Dinala nya na ang bag ni Yessa Nag sindi na naman ng yosi si Yessa bago pumasok. Nakita kong inalis nya yung pagkaka akbay sa kanya nung lalaki. " Hi Yessa! For you" sabay abot ko ng bulaklak sa kanya. " Oh thanks sir Greg! Mama nagkakilala na pala kayo?" si Yessa mukhang balewala na ako sa kanya. Kung gaano ang pagka sabik ko sa kanya ay yun naman ang panlalamig nya sa akin. " Oo anak! Lagi syang nandito para makibalita sayo." sagot ni mama nya na nasa kusina na. " Partner alis muna ako mamaya nalang ako babalik." paalam nung lalaki. " Sige." tanging sagot ni Yessa. " Kamusta?" tanong ko sa kanya ng maka upo sya sa harap ko. Medyo naiinis ako dahil talagang sinasadya nya pang ibuga ang usok sa mukha ko. " Ayos lang naman medyo pagod!" sagot nya sa akin Sa totoo lang mula ng may mangyari sa amin pinangarap ko ring mabubuntis ko sya. Tulad ng nangyari sa ex gf ko at ka kambal. Pero mukhang malabo, base Kasi sa itsura ngayon ni Yessa sure akong hindi sya buntis. Nakita ko ang pagod sa itsura nya kaya naman nagpaalam na ako para maka pagpahinga na rin sya. Deretso ako sa bar n pag ma may-ari naming apat. Gusto ko munang mag-inom mag-isa. Kaya naman hindi ko na tinawag yung mga kaibigan ko. Naupo ako sa pinaka sulok ng bar. Sa kabilang linya may narinig akong pinag-uusapan nila. " Pare ang ganda pala ni Capt. Perez hano? Sikat na sikat sya ngayon. Ang sarap nyang i kama. Balita ko wala syang boyfriend." Sabi ng lalaking medyo malaki ang tiyan. " Ano kaba yung nahuli nyang Mafia Lord na nagtago sa Mindanao naging kasintahan nya. Tiyak nawasak na sya nun" Yung lalaking maitim at payat naman ang nagsalita. " Paanong mawawasak sya nun eh di ba nga pinutulan nung Yessa na yun ng kaligayahan. hahahaha mahirap ka relasyon yun mga pare mapapatay nya kayo" singgit naman nung lalaking pinaka maliit. So yun pala ang pinunta ni Yessa sa Mindanao para makita at mahuli ang dati nyang kasintahan. Bakit di ata na banggit ni Chimmy Yun. Bukas na bukas din pupuntahan ko si Yessa sa kanila. Yessa POV Ang sakit isipin na kahit na may nangyari na Sa amin ni Greg ay wala pa rin akong epekto Sa kanya. Kaya para kalimutan sya ay pinili kong sumama sa Mindanao para sa isang misyon. Alam kong delikado pero kailangan ng mahuli sila Brent. Kahit wala na si Aries sa kanila ay tuloy pa rin ang pag patay nila. Sa wakas nahuli na rin namin ang grupo ni Brent pero sadyang mahirap kalimutan si Greg. Gabi gabi ko pa rin syang naiisip. Alam kong dapat ko na syang kalimutan pero ayaw ng puso ko. Nang makauwi ako ng bahay ay nagulat talaga akong nandun si Greg. My gosh sobrang gwapo nya talaga. Bigla ko syang na miss pero dahil sa pagod ko na rin hindi ko sya magawang asikasuhin. Hanggang sa nagpaalam na rin sya at umalis. " Anak halika na kumain ka muna bago magpahinga." Tawag sa akin ng mama ko. " Opo mama" sagot ko. Sinabyan na rin akong kumain ng mama ko " Anak boyfriend mo ba si Greg Mondragon?" tanong ni mama " Hindi po mama. Bakit?" " Layuan mo sya anak. Ayokong masapi ka sa mga Mondragon." si mama " Pwede ko bang malaman kung bakit? tanong ko kay mama. Para ko na rin syang bestfriend wala kaming lihiman. " Naging kasintahan ko ang ama nya. At ayoko ring maranasan mo Ang naranasan ko sa pamilya nila" sabi ni mama " Mag kwento ka mama makikinig ako." tapos na kaming kumain kaya naman pinili kong makinig sa kwento ni mama. " Siguro nga ito na rin ang tamang panahon para malaman mo ang totoo. 3 taon kong kasintahan ang ama ni Greg. Pero lihim lang yun dahil nga may gustong ipakasal sa kanya ang Lolo ni Greg si Don Alejandro pagkatapos nya ng college.. Isang hamak na estudyante lang ako anak ulila lubos, nag sumikap na makapag-aral at pinalad namang mabigyan ng scholarship sa magandang Paaralan. Doon ko nakilala ang ama ni Greg. Ilang buwan nya rin akong niligawan hanggang na sinagot ko sya. Mabait naman sya at alam kong minahal nya rin ako. Pero bago kami maka graduate ay nalaman ng Don ang relasyon namin, ipinaglaban nya ako kaso...." huminto si mama sa pag kukwento. Bigla syang umiyak kaya naman nataranta ako. " Ma kung hindi mo kayang tapusin ayos lang sa akin. Wag mo ng balikan." Sabi ko sa kanya,naiiyak na rin ako. Ngayon ko lang kasi nakitang umiiyak ang mama ko. Napaka tatag nyang tao pero ngayon mukha syang talunan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD