Vivien POV
Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay napa dalaw ulit sa mansyon namin si Greg. Mula kasi ng hawakan nya ang mga negosyo ng pamilya namin ay naging busy na ito. Madalas ay sa condo nalang din sya tumutuloy.
"Hi mom! Where's dad? agad na tanong nya sa akin sabay halik sa aking noo.
" Oh iho! I'm glad at napadalaw ka." Wala si daddy mo dito. Bakit mo sya hinahanap? tanong ko naman sa kanya.
" Mommy di ba same school kayo ni daddy nung college?" tanong nya
" Yes iho why?" balik na tanong ko
" So kilala mo po si tita Donna yung mama ni Yessa? tanong nya ulit
" Not exactly na kilala but familiar sya sa akin." sagot ko. Pero ang totoo, kilalang kilala ko ang babaeng yun. Sya lang naman yung babaeng proud na proud na tawaging boyfriend si Lance kahit na ang totoo ay si Liam naman ang karelasyon nya. Talagang naiinis ako sa kanya. Ewan ko ba sa kambal ni Lance kung bakit kailangan pang magpanggap.
Tumango lang si Greg kaya naman akala ko ay tapos na ang tanong nya kaso hindi pa pala.
" How about Yael Elperalta? tanong nya na sobrang nagpa bigla sa akin. Si Yael kasi ang dapat na mapapangasawa ko noon. Pero dahil wala sya ay si Lance ang nakilala ko at nakagaanan ng loob kaya naman sya na Ang nagprisinta na pumalit bilang mapapangasawa ko. Inamin ni Lance namang mahal nya ako hanggang sa nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Mahal na mahal ko rin si Lance kahit pa pareho palang kaming nasa kolehiyo.
Hindi Yael Elperalta ang dating pangalan nya kundi Yael Mondragon... Oo isa rin syang Mondragon dati na pinsan nila Lance at Liam pero nalaman na hindi pala si Tito ang tunay nyang ama kundi isang Elperalta. Sa kanya ako naka takdang ipakasal ng mga magulang ko pero nakiusap ako na kung pwedeng makilala ko muna sya ng mas matagal bago kami ipakasal. Kaya naman dali-dali akong pinapunta dito sa Pilipinas ni daddy. Pero noong dumating ako si Lance at Liam ang nadatnan ko, wala si Yael noong mga panahong yun.
" Why are you asking about that man?" tanong ko
" So meron ngang ganung pangalan sa campus nyo dati?" tanong nya ulit
" Wait iho pwede bang sa loob ng office tayo ni daddy mo mag-usap." aya ko sa kanya.
Nang makarating kami sa Office ay pinaupo ko muna si Greg saka ko hinanap yung lumang album kung saan may mga photos silang mag pipinsan.
"What's that mom?" tanong ni Greg.
" Album iho buksan mo." nang binuksan ni Greg ang album saka ko kwenento ang nakaraan.
Greg POV
Si Yael Elperalta pala ay dating pinsan nila daddy at ang dapat na mapapangasawa ni mommy. Pero nalaman nila na hindi sya tunay na Mondragon. Kaya kinuha sya ng tunay nyang ama na kalaban sa negosyo nila lolo ang mga Elperalta.
Nakita ko kung gaano ka close siya kay daddy pero kay uncle Liam ay hindi. Ibig sabihin si daddy ang talagang kaibigan ni Yael Elperalta at hindi si uncle Liam ko. Kaya pala wala silang picture na magkasama.
Nalaman ko rin ang totoong hindi nya sinadyang pagsamantalahan ang mama Donna ni Yessa. Kaya laking pagsisi nya ng malaman nyang nagawa nya ito. Alam ni mommy ang tungkol dito, dahil isa sa mga kaibigan ni uncle Liam ang nagsabi sa kanya ng masamang balak nila kay mama Donna kaya naman dali-dali nyang pinapunta doon si daddy para kunin si Uncle Liam pero nilihim ni mommy na si mama Donna talaga ang pakay nila at hindi si uncle Liam, hanggang sa kumalat na nga sa campus na si Yael Elperalta ang gumawa nito. Kaya isa lang din talaga sya sa biktima.
Medyo nagalit ako sa ginawa ni mommy, dahil sa inis nya kay mama Donna ay nagawa nya ito. Sana mapatawad ni mama Donna si mommy kung malaman man nya ito. Sana hindi magbago ang pagmamahal ni Yessa sa akin. Mahal na mahal ko sya at hindi ko kakayanin kapag nawala pa sya sa akin.
Nang malaman nila Ang nangyari Kay mama Donna ay hindi matanggap ito ni uncle Liam kaya naman halos mapatay nya si Yael Elperalta, ang kwento ni mommy ay sobrang bait ni Yael, kaya naman tinuring na rin syang kapatid ni daddy at ng ma hospital ito dahil kay uncle Liam ay isa sya sa nagbantay sa hospital hanggang sa gumaling ito.
Nalungkot ang daddy ng malaman nyang lilipat ng school si Yael Elperalta. Hanggang sa mabalitaan nalang nila na nasa ibang bansa na ito. Pero hindi naman naputol ang komunikasyon nila ni daddy. At ang sabi ni mommy ay ngayong buwan daw darating dito sa Pilipinas ang mag asawang Elperalta na syang ikinasiya ko.
Nalaman kong wala silang anak mag-asawa. Kaya naman hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nagka anak sya kay mama Donna.
Malapit ko ng mahanap ang ama mo Yessa, mapapakasalan na rin kita.
Maaga akong nagising, balak ko sanang puntahan si Yessa pero isang mensahe ang natanggap ko mula sa kanya.
Yessa ko: Greg huwag mo na akong sunduin sa bahay, may misyon kami ngayon. Ingat ka sa byahe. I love you.
Hindi ko alam kung kikiligin ako sa huling mensahe nya pero mas lamang ang kaba. Nasa misyon na naman sya, nasa peligro na naman ang buhay nya. Kapag mag asawa na kami paalisin ko na sya sa pagseserbisyo nya. Ayokong may mangyaring masama sa ina ng magiging anak namin.
Me: Sige ingat ka. Mahal na mahal din kita.
Itinago ko na ang akong phone at sumakay sa aking sasakyan. Ngayon kasi mag pro-propose ang kambal ko kay Cindy.
Kaya pala hindi kami nagkatuluyan ni Cindy, hindi pala talaga ako ang nakatadhana sa kanya kundi ang aking ka-kambal na si Aries. Sana lang ay tanggapin nya ang pag-ibig ng aking ka-kambal. Pagkatapos nilang magpakasal, mag pro-propose na rin ako kay Yessa. Gusto ko na rin syang makasama.
Makasama habambuhay!!!