Chapter 3

1011 Words
Pagkatapos nang klase namin, agad na ako pumunta sa office ni Shavin. Gusto ko talaga s'yang ma-interview, dalawang araw na lang pasahan na. Nag-abang ako saglit nang maisipan ko na lang na mag try na pumasok sa loob ng company nila. Mabuti at mabait ang guard at pinapasok ako. Agad akong nagtanong sa lalaking nakita ko. "Sir, puwede po ba ma-interview si Mr. Shavin Korizaki?" tanong ko. "Do you have appointments?" "Wala, hehe..." Ani ko at napakamot. "Kailangan mo nang appointment bago mo makausap ang boss namin!" "Please, importante lang ito. Kailangan lang sa school, siya kase ang naka- assign para interviewin ko!" "Hindi talaga puwede Ms, kami ang mapapagalitan ni boss kapag nagpumilit ka pa!" "Please ma'am, saglit lang naman!" "Busy ang boss namin, hindi s'ya puwedeng istorbohin! Guard ilabas ninyo ang babaeng ito!" "Ma'am please, saglit lang!" "No, papasukin ny'o siya!" "Boss Helyvin, Sorry po!" "Ayos lang, ako na kakausap sa kaniya!" Ani Helyvin. Teka s'ya ang kapatid ni Shavin? "You are Haykira? Right?" "O-opo sir!" "Just call me, Hely!" "O-okey Hely."  "Sa office na tayo mag-usap." Ani nito at lumakad na paalis sumunod ako sa kaniya, hanggang, huminto siya sa isang pintuan. Palagay ko ay ang office n'ya. Pumasok siya sa loob kaya pumasok na rin ako. "Sit down!" umupo naman ako at napatingin sa paligid, ang ganda nang office niya. Simple pero nakapaganda. "Ano pala kailangan mo sa Kuya ko?" "Gusto ko sana siyang ma-interview, assignment lang sa school tungkol sa business." "Ah, kanina may nag-interview na sa akin. It's your classmates?" "Opo..." "I ask my big brother later but, I'm not sure if papayag s'ya." Ngumiti lang ako rito, at med'yo nakaramdam nang hiya.  "Salamat po, napakabuti po ninyo!" ani ko at yumuko. "Walang anuman, oh siya maghintay ka rito. Kausapin ko lang siya, then I'll be back. Kung pumayag s'ya." Ani nito at ngumiti sa akin at umalis na. Ang guwapo n'ya puwede ba? Siya na lang ang mahalin ko? Ang bait n'ya sobra, para siyang Anghel. Habang naghihintay, ti-next ko ang bruha kong kaibigan. Na-interview na pala niya si Helyvin hindi ako sinama. Habang nag t-text kami napapatawa ako dahil ang kulit ng bruha. Ilang sigundo pa ang lumipas dumating na si Helyvin. "I'm glad, pumayag si Kuya." "Really, thank you!" tuwang tuwa na sabi ko. "But--- he give you 1 minutes for interview." Nalungkot ako nang kaunti, grabe s'ya minutes lang? "Ayos lang!" Tumango si Hely at sinamahan ako papunta sa office ni Shavin my love hehe... Ayos na ang isang minuto at least pumayag. Pagkarating namin sa office nito, kumatok si Helyvin at bumukas naman nang kusa ang pinto. Sobra akong kinabahan nang pumasok na kami. Napatingin ako rito, busy nga s'ya. Nakasalamin pa ito habang nagtitipa sa computer. "Kuya! Ito ang babaeng gustong mag-interview sa'yo! She's Haykira!" napatigil ito sa pagtitipa at tumingin sa akin. Alam kong sa akin ito nakatingin dahil ang sama nang tingin nito. "Really? She's the stupid girl, na nakatapon ng alak sa damit ko kahapon. Right?" "Kuya, hindi n'ya sinasadya! Pumayag ka na 'di ba? Sige na iiwan ko na s'ya sa'yo!" ani nito. "Aalis na ako, Haykira!" ngumiti ito at lumabas nang pinto. Pinawisan ako nang malamig ng kami na lang ang na sa loob. Gosh! Iba pala talaga ang pakiramdam 'pag malapit ka sa kaniya. Gosh! Para akong matutunaw. "59 sec!" ani nito kaya naman nag-umpisa na ako. Grabe, nagbibilang na agad s'ya? "A---hmmm---- M-r. Ko---korizaki...." Utal na ani ko sa pangalan nito. Gosh! Para na akong matutunaw! "What! Bilisan mo, marami pa akong dapat gawin. 56 sec na lang natitira sa'yo!"  "How do you managed your company, Sir!" kahit kinakabahan, kaylangan kong maging matapang dahil grade ko ang nakasalalay rito.   "I manage with my intelligence." Tipid pa rin na sagot nito kaya pinagpatuloy ko ang pagtatanong. "How started your business, Sir?"  "My dad, started this business and I don't know if how started." Tipid na sagot nito. Wala manlang paliwanag, parang bored, na bored s'ya? Habang kausap ako? "How d----- "Time's up! Get out of here now!" ani nito, kaya lumabas na ako. Hay! May tatlong tanong pa kaya ako? Si Helyvin na lang kaya tanungin ko? Tutal parehas naman sila na dito nagtatrabaho, hindi manlang ako nakapagpasalamat. Bumuntonghininga na lang ako, bago ako bumaba at pumunta sa office ni Helyvin. Magpapaalam lang ako. "Hey, Haykira! How's the interview?"  "Tapos na, dalawa lang naitanong ko eh..." "Gan'on ba? Kung gusto mo ako na sasagot sa natitirang tanong. Huwag mo na lang ipaalam na ako ang sumagot." Ani nito at ngumiti sa akin. Sana katulad rin ng taong ito ang lalaking 'yon. Pumayag ako sa sinabi n'ya, sinagot nito ang tatlong tanong ko. Pagkatapos nagpaalam na akong aalis na. "Sir, aalis na po ako! Thank you for your time!" ani ko at nag-bow sa kaniya. "Take care!" ngumiti ako rito at umalis na.  Pagkalabas ko, huminga ako nang malalim. Gosh! Muntikan na akong mahimatay sa sobrang kaba kanina. Sh*t! ____ "Anak, nar'yan ka na pala? Halita kumain na tayo!" nagulat naman ako sa sinabi ni Tiya. Wow? Himala? Nagluto s'ya at mukhang masasarap ang niluto n'ya.  "Tiya, ikaw ba 'yan?" tanong ko. "May sakit ka yata?" nagtataka talaga ako dahil hindi naman 'yan nagluluto dati. "Wala akong sakit ano ka ba! Umupo ka na, kumain na tayo. May sasabihin rin ako sa'yo!" ani nito. Ang seryoso nang mukha nito, parang seryoso ang sasabihin nito. "Ano'ng sasabihin mo, Tiya?" tanong ko agad rito. "Kumain na mo na tayo at saka ko sasabihin." Tumango ako at kumain na lang. Tinignan ko si Tiya, seryoso ito ngayon. Hindi katulad nang pangkaraniwan nitong awra. Ano kayang sasabihin niya? Parang kinakabahan ako, may parti sa akin na ayokong marinig ang sasabihin n'ya. Pero may parti sa akin na gusto kong malaman. Pagkatapos kumain, naghugas mo na ako bago ko muling tinanong si Tiya.  "Anak, huwag ka sana magagalit sa akin 'pag sinabi ko na sa'yo." Ani pa nito, kumunot ang noo ko. "Bakit nga, Tiya? Sabihin mo na?" ani ko. Bakit ako magagalit sa sasabihin n'ya? Gosh! Kinakabahan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD