Chapter 2

1722 Words
"Hoy babae, gumising ka! Bilhan mo 'ko ng alak bilisan mo!" napabalikwas naman ako nang bangon dahil sa napakalakas na sigaw ng isang Balyena. "Ano ba Tiya? Natutulog ako!" inis na ani ko at saka ako bumangon "Akin na pangbili?" inis na ani ko. Letche s'ya, ang sarap n'yang sakalin. "Nagtatanong ka pa? Alam mo naman wala akong trabaho! Pera mo muna ang ipang bili mo, bilisan mo gusto ko na uminom!" singhal pa nito sa akin, kaya wala na akong nagawa kun 'di gastusin na naman ang naipon kong pera. Ang aga aga mag iinom s'ya? 'Wag s'ya mag alala pag ako nagkapera nang marami isang drum na alak ang ipapalaklak ko sa kaniya. Nakakabadtrip! Ang aga-aga gigisingin ako? Para bumili ng alak n'ya, tapos pera ko pa ang gagamitin. Nakasimangot akong tumawag sa tindera. "Ano'ng bibilhin mo?" tanong ni aling Hipon. "Alak ho!" "O---h ito, 65 pesos 'yan!" sabi nito kaya inabot ko na ang alak at nagbayad at umalis na. Naakairita rin pagmumukha ni Aling Hipon eh. Bumalik na ako sa bahay at saka binigay kay Tiya, ang alak. Ako naman naglinis mo na nang bahay at saka nag-asikaso na para pumasok. "Hoy bata ka, maaga kang umuwe mamaya. 'Wag ka 'ng makipagharutan pa sa labas! Alam ko mga ginagawa mo, kaya umayos ka!" sabi nito. "Opo, Tiya!" "Mag ingat ka!" kahit naman gan'yan ang Tiya, alam kong mahal na mahal ako nito dahil kahit kaylan hindi s'ya nagkulang sa paalala sa akin. "Salamat Tiya, aalis na po ako!" sabi ko at lumabas na nang bahay. Paglabas ko nang bahay akala mo isa akong artista ang dami kaseng nakatingin. Sumakay ako ng Jeep papuntang school, pagkarating ko sa school pumasok na agad ako sa room. "Hoy bakla!" salubong agad sa'kin ng kaibigan kong bakla. "Bakit?" mataray na tanong ko. "Ang taray mo, pero may Chika ako sa'yo. Alam mo ba?" "Hindi ko alam! Bakit?" saba't ko, halata namang nainis ito. Chismoso s'ya, ang aga may Chika na agad tch. "Buwisit ka bakla! Makinig ka nga mo na!" "Ayoko nga makinig!" "Bahala ka! Tungkol pa naman 'yon sa lalaking kinalolokohan mo! Ang guwapo n'ya pala gosh! Muntik nang malaglag panty ko, noong nakasabay ko s'ya kahapon pumasok sa isang restaurant!" ani nito at halata mong kinilig, kaya sinamaan ko ito nang tingin. "Hoy bakla, 'wag kang malandi! Baka gusto mong mag-away tayo?" Alam kong type n'ya rin ang lalaking minamahal ko. "Grabe ka naman sa'kin bakla. Alam mo bang nilapitan ko s'ya at nakipagkilala sa kanya? Gosh bakla! Ang lambot nang kamay!" ani pa nito. Kahapon daw, hindi ko naman s'ya nakita eh. Sinamaan ko nga s'ya nang tingin. "Bakla..." Gigil na tawag ko. "Chariz! Hindi ka na mabiro! Pero bakla mukha s'yang mabait! Bakit 'di mo lapitan?" sa tanong n'ya? Hindi ko masagot, dahil sa totoo lang. Wala akong lakas nang loob, para umamin. "Bahala ka, baka ma-unahan ka pa nang iba!" nalungkot naman ako bigla, oo nga naman baka magkaroon na nga s'ya ng Girlfriend. Hayst! Nang dumating ang teacher namin, nagturo na ito at nagulat kami nang may ipagawa ito sa amin na hindi ko inaasahan. "Class, bago matapos ang klase na'tin dahil Business course ang kinuha ninyo. Gusto kong mag-interview kayo nang isang businessman!" sabi nito. "Pagkatapos gusto kong gumawa kayo nang essay at ilagay ninyo ang mga natutunan ninyo roon!" "Yes ma'am!" "May mga kilala akong magagaling at sikat na businessman, inilista ko na. Kung sino man ang matapat sa inyo, kayo na ang bahala!" dahil sa sinabi ni ma'am agad akong nagdasal sana isa s'ya. Ibinigay na sa amin ni ma'am, ang mga folder. "Haykira Bartona!" tawag nito. Kinabahan naman ako bigla, sino kaya ang akin. Agad akong lumapit at binigyan ako nito ng folder at may kasama pa itong picture. Halos manginig ang kamay ko nang makita ko kung sino ang i-interbyuhin ko. Gosh! Ang suwerte ko, agad na akong bumalik sa upuan ko at ngumiti nang palihim. "I hope, na marami kayong matutunan sa kanila, good luck sa inyo. Within 3 days gusto ko matapos na ninyo ang inyong gawain. Kung maaari lamang ay pakiusapan ninyo sila, sabihin lang ninyo na tungkol lamang ito sa inyong courses kaya nais ninyo silang interviewin!" ani pa nito. "Class dismissed!" sabi nito. Lumabas na si ma'am at nilapitan naman ako ni bakla. "Bakla sino ang sa'yo?" tanong ko. "Helyvin Korizaki." Napakunot naman ako ng noo, hindi kaya kapatid n'ya ito. "Sino sa'yo?" "Bakla ang saya ko! Si Shavin Korizaki!" ani ko. "Oh my god! Really?" gulat na sabi nito. "Ang suwerte mo bakla!" sabi pa nito at nagtitili. Kahit kaylan talaga napakaingay ng baklang ito. Nang matapos ang aming klase, pumunta na agad ako sa restaurant, na malapit sa company ni Mr. Shavin Korizaki. Yeah s'ya talaga ang taong napupusuan ko. At s'ya rin ang interviewhin ko, kaya ko ito. Pero 'di ko alam kung kaya ko ba lumapit sa kaniya, kase naman parang matutunaw na ako 'pagnakikita ko s'ya sa malayo. Paano pa kaya kung sa malapitan? "Ms. Anong order mo?" napatingin naman ako sa waiter. Pero dali-dali rin akong lumingon sa harap ng restaurant, sakto naman na papalabas nang kotse si Shavin. "Wala, mamaya na lang kuya nagmamadali ako!" sabi ko at lumabas nang restaurant agad na akong nagpara ng Taxi. "Ms. Saan tayo?" "Kuya sundan mo ang pulang kotse na iyon o--h!" sabi ko at tinuro ang kotse. "Bilisan mo kuya!" sabi ko. "Hay! Mga kabataan nga naman..." "Manong bilisan mo, baka makalayo na siya!" Hindi ko inalis ang paningin ko sa kotse niya, gusto ko sanang ngayon na gawin ang project para naman matapos na at maaga akong matapos. Nang pumasok sa loob ng malaking gate ang kotse nito. Huminto naman ang Taxi na sinasakyan ko. "Hanggang dito na lang, hindi na kami puwedeng pumasok d'yan." sabi nito. "Sige, Manong, ito po bayad ko!" "Mag ingat ka hija!" kinabahan naman ako sa sinabi ni Manong. "Salamat po!" sabi ko. Nang umalis ang Taxi driver huminga mo na ako nang malalim. Ngayon pa lang ako nakarating dito, office at bahay lang kase ang lagi n'yang pinupuntahan. Hindi kase ako masaya na hindi s'ya nakikita. Tinignan ko ang malaking gate, paano naman ako papasok dito? Ang taas ng gate. Hintayin ko na lang s'ya, lumabas para maka-usap ko siya. Pero kinakabahan talaga ako sa gagawin kong ito. Nag hintay ako nang mga ilang sandali, pero hindi pa rin ito nalabas. Naghintay pa ako pero gumabi na hindi pa rin ito nalabas. Kaya naman napagpasyahan ko na lang na ipagpabukas dahil mayron pa akong trabaho ngayon sa bar. Sayang rin ang kikitain ko doon, nag-abang ako nang taxi pero walang dumadaan kaya naman na-isipan kong maglakad. "Wala ba talagang dadaan na taxi dito?" bulong ko sa sarili habang naglalakad. Mahuhuli na ako nito. Nagmadali na akong maglalakad, hanggang sa may dumaang isang kotse, nagbukas ito ng bintana at biglang ngumisi sa'kin ang driver nito. Nakakatakot ang mga ngisi na iyon. Hindi ko na mo na pinansin ang bagay na iyon, dahil t'yak akong mahuhuli na ako 'pag 'di pa ako nagmadali. Habang naglalakad pa rin ako may huminto naman sa tapat kong kotse. Bumukas ang bintana nito at bumungad sa 'kin ang mukha ng isang napaka-guwapong lalaki. "Hi Ms! Bakit ganitong oras nagalakad ka dito? Hindi mo ba alam na sobrang delikado rito?" "Ah eh kase ano eh..." "Sakay na! Sumabay ka na sa'kin!" sabi nito. Nagulat naman ako nang automatic na bumukas ang pinto nito. "Hindi na po, nakakahiya!" "Sige na sumakay ka na, don't worry mabait akong tao!" sabi nito at ngumiti sa'kin. s**t parang mahuhulog ang panty ko sa mala-anghel niyang ngiti. Dahil mapilit siya at mukha naman s'yang mapapagkatiwalaan sumakay na ako. Ang lamig ng sasakyan na ito, napakabango pa. "What's your name?" "Haykira po..." "Nice name. I'm Helyvin Korizaki. Hely or Vin for short!" nagulat naman ako dahil sa pangalan nito. S'ya 'yung sinabi kanina ni bakla. "Nice meeting you." Ani ko "Pleasure to meeting you too!" sabi nito. "Saan ka pala pupunta?" tanong nito. "Sa Twarler Bar po!" "Talaga, doon rin ako patungo." _____ "Maraming salamat po!" "Your welcome!" sabi nito at muli na namang ngumiti sa'kin. Ang ganda ng mga ngiti niya kung wala lang akong gustong lalaki baka naging crush ko na s'ya. "Aalis na po ako, may trabaho pa kase ako!" tumango lang s'ya, kaya naman pumasok na ako sa loob. "Late ka na nanan Haykira!" "Sorry po Manager, marami kaseng ginagawa sa school!" "S'ya, siya! Magbihis ka na!" sabi nito. Kaya naman pumunta na ako sa locker ko at nagbihis na at nag-umpisang mag serve. "Ikaw na mag hatid nito sa table 23, Kira!" "Oo!" sabi ko at kinuha ang alak at baso. " VIP table 1 ito, Kira ihatid mo na ngayon!" "Oo sige!" sabi ko at kinuha ko na ang alak at pumunta sa VIP table1. Nagulat naman ako ng ang taong nagpasakay sa'kin kanina ang nandito mas kinagulat ko nang makita ang isang seryosong mukha ng isang lalaki, si Shavin. Nang mapatingin ako sa kaniya agad kong naramdaman na uminit ang mukha ko. s**t ang guwapo talaga n'ya. "Nagkita ulit tayo Ms. Haykira!" "O...opo--- sabi ko at nilapg na ang alak. Pero natabig ko naman bigla ang isang baso na may red wine. Nagulat ako dahil si Shavin ang natapunan nito. "What the hell! Are f*****g stupid woman?" "Sorry sir, I'm sorry!" sabi ko at agad na kinuha ang panyo at pinunasan ang damit niya pero tinabig lang nito ang kamay ko. "Kuya, pagpasensiyahan mo na!" sabi ng kapatid nito. Umalis naman si Shavin at naiwan kaming dalawa dito. "Pasensiya ka na kay Kuya, mabait naman iyan. Lasing na kase!' sabi nito. "Sorry po talaga sir..." sabi ko, pero ngumiti lang ito sa'kin. "Huwag mo nang isipin iyon, normal lang na magkamali. Nextime mag-ingat ka na lang." "Opo sir, salamat po!" Nang matapos ang trabaho ko, agad na akong umuwe. Wala si Tiya gayon, saan kaya s'ya pumunta? May sinaing na rin at malinis na ang bahay. Natuwa naman ako dahil mukhang maayos na ulit ang Tiyahin ko. Nang makapagbihis na 'ko, humiga na ako at kinuha ang panyo ko na naipangpunas ko kanina sa kaniya. "s**t nahawakan ko s'ya!!" sabi ko at tumili pa. Ilang oras yata akong nagpagulong-gulong sa higaan ko dahil sa sobrang kilig, bago ako tuluyang inantok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD