Chapter 4

1064 Words
"May dalawang milyong utang ang Papa mo..." nagulat naman ako sa sinabi ni Tiya. What the hell? 2 million? Paano nangyari 'yon? "Inutang ng Papa mo ang perang 'yon, dahil sa pagkalulong sa sugal--- ayoko sa nang idamay ka sa problema ng Papa mo. Pero hindi ko na kayang bayaran, sinisingil na ako ng taong pinagkaka-utangan ng Papa mo." "Ano'ng gusto mong gawin ko?" tanong ko rito. "Gusto ko sana magtrabaho ka sa taong 'yon, para mabayaran ang utang ng Papa mo." Ani pa nito at yumuko. "Patawarin mo ako, Anak wala akong kakayahan bayaran ang utang ng Papa mo..." ani nito at umiyak na, wala na akong nagawa at niyakap na lang si Tiya. "Ako na kakausap sa taong 'yon Tiya, sino po ba s'ya?" med'yo nakakainis dahil wala manlang akong alam sa lahat. "Ang sabi n'ya pupunta raw s'ya ngayon rito. Para kunin ang pera, kun ' di raw tayo makakabayad. Ipapakulong daw nila tayong dalawa." Napabuntong hininga na lang ako at pilit na nagpakatatag. _____ "Where's the money?" tanong ng isang lalaki, parang pamilyar sa akin ang boses nito. Dali, dali akong lumabas para puntahan si Tiya. "Tiya!" agad ko itong niyakap. "Ano bang kailangan n'yo?" tanong ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang mukha ng lalaki. "Gusto ko lang bayaran ng Tiyahin mo ang pagkaka-utang nang magaling n'yang kapatid!" inis na sabi nito. "Sir, wala po talaga kaming pera! Kung gusto ninyo, pagtatrabahuhan ko ang lahat para mabayaran lang ang utang ng Papa ko!" lakas loob kong sabi. "Are you sure?" tanong ng taong ito. Gusto ko man kiligin ngayon dahil gosh ang guwapo n'ya. Chance ko na rin na makasama s'ya, sana pumayag s'ya. "O---po!" lakas loob na sagot ko. "Good!" ani nito. "Mula ngayon magiging personal assistant kita, hanggang mabayaran mo ang utang ng Papa mo. Let's go! Dalhin ninyo ang babaeng 'yan!" ani nito sa mga tauhan at hinila na ako. Napatingin ako kay Tiya, mukhang naawa ito sa akin. Pero ngumiti lang ako rito, ayos lang lahat sa akin. May takot akong nararamdaman at may saya rin dahil, makakasama ko s'ya. Sumakay kami sa kotse at dinala nila ako sa bahay ni Shavin. Ang laki talaga ng bahay n'ya. Pumasok kami at kinausap naman ako nito sa office. "Sign this paper! Kontrata 'yan na maninilbihan ka sa akin, hanggang mabayaran mo ang utang ng Papa mo!" natakot naman ako sa pananalita nito. Pinirmahan ko na ang papel at inabot ulit sa kaniya. "Good! Bukas ka na mag-umpisa!" ani nito. "Puwede ka nang umalis!" lumabas na ako nang office nito at huminga nang malalim. Gosh! Para akong matutunaw! Ang guwapo talaga n'ya. Pero? Paano na ang pag-aaral ko? Bukas ko na lang sasabihin ang lahat sa kaniya. Bumaba na ako, at hindi ko alam kung saan ako matutulog. Sabagay? Malaki naman ang sala hehe... "Kuya!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Kun'di ako nagkakamali, boses 'yon ni Helyvin. "Sir, na sa office po si boss!" ani ng katulong. Ang dami naman pa lang katulong rito? "Ow! It's you Haykira? Nagkita ulit tayo? Ano pala ginagawa mo rito sa bahay ni Kuya?" napayuko naman ako. "Ako po ang PA n'ya Sir..." "Hindi ko alam na gusto pala ni Kuya kumuha nang PA? Si Kuya talaga! Goodluck Haykira! Sana matagalan mo ang kuya ko!" ani nito at ngumiti sa akin. "Tataas lang ako!" ani nito. Ngumiti ako rito at umalis na ito. "Ma'am?" napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Isang katulong na may katandaan na. "Bakit po?" "Halina po kayo at sasamahan ko kayo sa room ninyo!" ani nito, kaya tumango na lang ako. Akala ko sa sala ako matutulog eh. Sinamahan ako nito sa kuwarto ko, maliit lang ito pero tama naman ito para sa akin. "Salamat po!" ngumiti lang ito at umalis na. Humiga ako sa kama at napatayo rin ako nang maalala ko na wala akong gamit na dala at pati cp ko hindi ko nadala. Gosh! Paano ako magdadamit nito? Nahinto naman ako sa pag-iisip ng may taong kumatok. "Ma'am!" binuksan ko na ito, at nakita ko ang apat nakatulong na may buhat na mga damit. Pinasok ko na sila at inilapag na nila ito. "Iyan po raw ang mga bago ninyong gamit! Aalis na po kami!" ani nila. Pagkalabas nila kinalkal ko ang mga gamit, at ang ganda nang mga damit. Meron ding mga gamit sa paligo at may uniform rin. Nagulat ako nang may makita akong isang cellphone. Touch screen ito at ang ganda. Gosh! Bigay ba n'ya sa akin ito o, babayaran ko rin lahat ito? Bahala na nga! Inayos ko na ang mga damit sa maliit na closets at pati na ang mga gamit sa cr. Pagkatapos humiga na ako at binuksan ang cellphone kong bago. "Binigay 'yan ni Lucy, kaya magpasalamat ka bukas sa kaniya!" bungad na text sa cellphone ko. Chineck ko kung may load, pero wala kaya hindi na ako nakapag-reply. ____ "Babae! Bilisan mo! Ayaw ko ng makupad!" sigaw nito sa akin. Dahil na-late ako nang gising. Nang matapos maligo, nagbihis at lumabas na ako. Ngayon na pala ang umpisa nang trabaho ko sa kaniya. "What the hell, woman? Seriously? Wala kang balak mag-ayos ng buhok?" dahil sa sinabi nito pumasok ulit ako at kinuha ang suklay at mabilisang sinuklay ang buhok. s**t! Nakakahiya ang guwapo pa naman nang kasama ko hehe. "Bilisan mo, babae!" lumabas na ako at kinuha lahat ng mga gamit n'ya at binuhat iyon. Ang bango n'ya, naakit ako. "Tutunganga ka na lang d'yan? Go faster! Ikaw ang driver ko!" halos mapanganga ako dahil sa sinabi nito. Tang*na hindi ako marunong mag-drive. "Hindi ako marunong mag drive, Sir." Nahihiyang ani ko. "Tch. Fine, bilisan mo na dalhin mo na lahat 'yan sa kotse!" ani nito. Kaya naman dinala ko na lahat nang gamit n'ya. Ang dami naman n'yang mga gamit na dala? Pagkatapos kong buhatin lahat sumakay na ako sa back seat. "Dito ka sa unahan umupo, gagawin mo pa akong driver tch!" ani nito. Kaya lumipat ako sa unahan, at dahil tanga ako. Muntikan pa akong masubsub, mabuti na lang nakahawak ako sa isang matigas na bagay." F*ck! Babae! Alisin mo ang kamay mo sa t*t* ko! Put*Ng*na!" galit na sigaw nito kaya bigla akong napatayo at umayos nang upo. Sh*t! Hindi ko sadyang mahawakan, akala ko bagay lang na matigas. Gosh! Ang laki pala ng t*t* n'ya shuta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD