"Hey Woman, wake up! It's already late in the morning!" bigla akong napatayo sa kama nang marinig ko ang sigaw ng boss ko sa connection speaker namin. Agad kong tinignan ang oras sa cellphone ko, argh I'm late na nga. Kaya naman agad akong tumayo.
"Sorry, Sir!"
"Hurry up! Kung ayaw mong maglakad papunta sa resort!" galit na sigaw nito. Ang tanga ko naman kasi, bakit hindi agad ako nagising.
"Oo, Sir!" sigaw ko at pumunta na sa cr.
Nang matapos ako maligo at nagbihis, agad na akong tumakbo pababa dala ang mga gamit ko. Halos madapa pa nga ako sa hagdan, tiyak akong galit na si boss. Pagdating ko sa baba, habol hininga akong huminto sa harap niya.
"Good morning, boss!" bati ko rito. Tinaasan lamang ako nito ng kilay.
"Ano bang sinabi ko?" tanong nito na kinataka ko.
"Po? May sinabi ka po ba?" tanong ko rin, napailing na lang ito sa akin.
"Tsk, stupid... sinabi kong may elevator 'di ba? Huwag mo naman pairalin ang katangahan mo!" buwisit na sigaw nito sa akin. Kaya napayuko na lang ako, hindi ko naman kasi naalala sa kakamadali ko. "Ilabas muna ang mga gamit na'tin at ilagay mo sa kotse, ayusin mo ayokong bara bara ang gawa!" utos nito, kaya inuna ko nang dalhin sa kotse ang gamit niya. Ang dami naman nito, parang balak niya yata na do'n tumira.
Nang matapos ko ayusin ang mga gamit niya, dinala ko na rin ang gamit ko at bumalik sa loob. Nakakapagod, pero masaya akong manilbihan sa kaniya.
"Sir, tapos na po!"
"Good, let's go!" aya nito, kaya sumunod na lang ako. Sumakay ako sa front seat siya naman ang nag-drive.
"Hey Woman, listen to me, I want to said it's once! Huwag mong papairalin ang katangahan mo ro'n habang nando'n tayo! Ayokong mapahiya sa ka-business partner ko!"
"Yes, Sir!"
"Good,"
Tahimik lang ang naging byahe namin, at malayo layo na rin ang narating namin. Ako naman ito, prenteng pa sulyap sulyap sa kaniya sa side mirror ng kotse. Seryoso lang siyang nag-dadrive, ako naman ito napapangiti ng slight habang nasisilayan ko siya, iba talaga kapag inlove eh. "Hey!"
"Ay Sir!" gulat na sabi ko. Bigla kasi siyang mananawag, busy kasi ako kakapantasya sa kaniya eh.
"Tch. You're f*cking creepy! Ngumi-ngiti ka mag-isa, may binabalak ka siguro sa akin?" seryosong aniya. "Kung meron, huwag muna ituloy!"
"Sir naman, wala akong binabalak sa'yo ah! Saka masama na ba ngayon ngumiti!" natatawang ani ko, grabe napapansin niya pala ako.
"Tch, malay ko baka baliw ka na dati!" ang oa naman niya, ngumi-ngiti lang baliw agad? Kung baliw man ako sa kaniya lang 'yon.
"Hindi ako baliw, Sir!"
"Okey," seryosong sabi niya, ako naman gusto ko ng matawa sa kaniya. Baka siya ang naaaning, ngumiti lang ako mag-isa kung ano ano na iniisip niya.
Habang nasa byahe, bigla naman akong nakaramdam ng antok, kaya agad na akong sumandal sa saldalan ng upuan at pinikit ang mga mata. Ok lang naman siguro kung matutulog ako 'di ba?
Nang magising ako, nagtaka ako dahil may jacket akong nakalagay sa harapan ko, para bang ikinumot ito sa akin. Kaya naman agad kong hinanap si Shavin, pero wala siya. Hala napasarap ata ang tulog ko, saan kaya siya pumunta?
"Tch, gising ka na pala? Mabuti naman, ang ingay mo matulog tch." Halos nahiya naman ako, nakakahiya baka humihilik ako kanina. Pumasok naman ito sa loob ng kotse at may dala itong kape
"Sorry, Sir."
"Tch, 'yung jacket ko labhan mo agad 'yan tch..."
"Sige, Sir!" sh*t, jacket niya pala ito kaya pala ang bango.
"Oh, kape para magising ka. Malayo layo pa tayo!" sabi nito at inabot sa akin ang kape.
"Salamat, Sir!"
"Tch..." hindi na ito umimik, huminto pala kami saglit kasi bumili siya ng kape. Ang cute naman may hugot pa itong kape, natawa ako bigla do'n. "Kung Mahal mo, landiin mo!" buwisit na hugot 'yan, kaloka.
Nang matapos magkape si Shavin agad na rin kaming umalis. Saan ba kasing resort kami pupunta, parang layo naman. Nagbyahe kami nang mahigit dalawang oras bago kami huminto ito.
"We're here!" sabi nito at nag-unat pa sa sakyan sh*t.
"Sir, puwede ba ako magtanong?"
"You're already asking me!"
"Sorry, bakit pala tayo nndito?"
"For business matters, and I want to realx here baka kasi bilhin ko ang lugar na ito kaya I want to try to stay here in 2 month!" aniya. Ah, kaya pala.
"Okey, " sagot ko, ibig sabihin makakapag-relax rin ako rito.
Bumaba na kami at halos mapanganga ako sa ganda ng lugar. May isang malaking swimming pool pa, Gosh! Pangarap ko talagang makapunta sa ganito kagandang lugar.
"Tch, let's go huwag kang tumunganga diyan!" masungit na ani boss kaya nagising ako, at agad na kinapa ang bibig baka tulo laway ko eh.
"Hi Mr. Korizaki, welcome!" isang magandang babae ang lumapit sa amin at sinabitan pa ng bulaklak sa leeg si Shavin, ayos ah uso pala 'yon. At halata mo rin sa babaeng, kinikilig siya kay Shavin. Ang landi naman, parang gusto ko siyang sakalin. "Mr. Korizaki, ihahatid ko na po kayo sa inyong tutulugan!" malanding aya ng babae, parang hindi niya nakikita na may kasama si Shavin ah? Sinamaan ko nga ito ng tingin, kahit kay Shavin itong malagkit na nakatingin.
"Excuse me!" ani ko, sisingit na ako masiyado ng nawiwili ang buwisit na babaeng ito eh.
"Hi! May kasama pala kayo Mr. Korizaki!" inis na sabi nito at inirapan ako, aba g*ga pala ito eh. Grr, parang gusto ko siyang kalbuhin.
"She's my girlfriend," halos mapanganga ako sa sinabi nito, ano raw? Girlfriend? Oh my gosh!
"Girlfriend?" halos 'di makapaniwala ang babae sa narinig.
"Yeah," hindi naman, maipinta ang mukha ng babae. Sobra sigurong nainis, kahit naman ako hindi ko akalain na ipapakilala niya ako na girlfriend niya. Gosh! Baka ginawa niya lang 'yon dahil naiinis na siya sa babaeng kanina pa daldal nang dalhan sa kaniya.
Hinatid na kami nito sa kuwarto namin, syempre bukod kami pero makatapatan lang ang room naming dalawa.
"Excuse us Mr. Korizaki! And Ma'am!" paalam ng babae at halata pa rin na naiinis ito, buti nga sa kaniya. Papasok na sana ako ng room ko nang magsalita ito.
"Huwag mong seryosong ang sinabi ko kanina..." aniya at pumasok sa kuwarto. Natawa na lang ako nang bahagya, bakit ko ba seseryosohin ang gano'ng bagay? Pumasok na ako at humiga sa kama, maghihintay lang ako ng mga i-uutos niya.