Lumabas muna ako saglit, dahil gusto ko maglibot libot sa paligid. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil bigla rin bumukas ang pinto sa harapan nang kuwarto ko. Nagtitigan kami hanggang ako na ang umiwas, dahil sobrang init na ng mukha ko.
"He...low, b...oss---" utal utal na bati ko, sh*t pinagpapawisan ako ng malamig. Tinignan lang ako nito at umalis na, 'di manlang ako binati ang sungit. Lumakad na rin ako sa ibang direksyon, baka kasi isipin niya sinusundan ko siya. Habang naglalakad ako, bigla na lang may tumawag sa likod ko.
"Bartona!" napalingon ako rito at nakita ko ang guwapo at seryoso niyang mukha.
"Boss, bakit?" tanong ko. Pero bigla na lang siyang ngumisi at dahan dahan lumapit sa akin at pagkalapit nito agad niya akong tinulak sa pader ng hallway. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, parang may kabayong nagkakarerahan. "Boss ano'ng ginagawa mo?" mahinahong tanong ko, kahit ang totoo kinakabahan na ako. Ayokong ipahalata sa kaniya na kinikilig ako sa ginagawa niya. Pero bigla na lang nitong hinatak ang bewang ko at niyakap ako. Hindi naman na ako makasalita, dahil sa tensyon sa palagid. Ano bang ginagawa niya? Hindi kaya mahal na niya ako?
"Sumabay ka na lang, huwag ka nang pumalag..." bulong nito sa akin, sinasabi ko na eh, pagpapanggap na naman ito. Kaya naman dahil mahal ko siya, hinayaan ko na magkayakap kami ng ilang segundo. Maya maya lang bumitaw na rin siya. "She's gone," bulong nito, habang tumitingin sa paligid.
"May problema po ba boss?" tanong ko rito.
"Huwag muna isipin, let's go! Nagugutom na ako!" aya nito at nauna ng lumakad, ibang klase talaga siya.
Sabay na kami pumunta sa isang resto, siya na rin ang um-order. Hindi manlang ako tinanong eh, kaya naman kinuha ko ang menu at ako na nag-order para sa sarili ko. Nang matapos kami kumain, may kinausap na ito kaya umalis na ako para maglibot-libot.
Sa sobrang laki ng lugar na ito, impossible na maikot ko ito ng isang araw. Naisipan ko na lang umupo sa gilid ng pool, ang laki ng pool. Habang nagmuni-muni ako biglang may nagsalita sa tabi ko
"Hi, miss?" kaya sa gulat ko, ang ending nahulog ako sa pool. Buwisit na lalaking 'to. Tinignan ko ng masama 'yung lalaki, lintikan siya.
"Ano'ng problema mo? Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko rito. Napatawa naman ito, kaya nainis lalo ako.
"Hindi ko naman kasi alam na magugulatin pala ang isang magandang binibining kagaya mo!"
"Tch, ano'ng kailangan mo! Kung pera, wala ako no'n!" inis na sigaw ko, wala pa talaga siyang ginagawa. Gusto ko na talagang umahon, kasi ang totoo hindi ako marunong lumangoy mabuti na lang talaga nakakapit na agad ako. Paano ako aahon, hindi ko talaga kayang tumaas sa gather eh. Natawa naman ito bigla, kaya napatingin ako rito. Pagtawanan pa ako, siya na nga ang may kalokohan eh.
"Miss, halata bang mukhang pera ako?
"Malay ko ba!"
"Ikaw talaga, ano'ng nangyari sa'yo? May lagnat ka ba? Bakit ka namumutla?" tanong ko nito sa akin.
"Paanong 'di ako mamumitla, eh nilalamig na ako!" ani ko at inirapan siya. Sobrang natawa naman ito, kaya halos lahat ng babaeng narito nagbubulungan.
"Gosh, he's cute!"
"Ang guwapo niya, tumawa!"
"Ang swerte ni gurl, napansin siya ng guwapong lalaking kagaya niya!"
"Sh*t! Ang hot niya!"
"Nakakainggit siya!"
Napangiwi na lang ako sa mga bulungan sa paligid, nagbubulungan pa naririnig naman. Nagulat naman ako ng inilahad nito ang kamay sa harap ko. Dahil nilalamig na talaga ako, inabot ko na lang. Kaysa mag-inarte pa, pero bago 'yun inirapan ko muna siya. Inalalayan niya akong tumaas, pagtaas ko napaupo na lang ako. Ang lamig!
"Wait me there!" aniya at tumayo, pumunta ito kung saan pagbalik may dala ng towel. "Here's, ibalot mo sa katawan mo!"
"Salamat..." ani ko at bigla na lang siyang natawa. Sira ulo yata ang lalaking ito eh. "Dati ka bang baliw? Takas mental ka siguro?" inis na tanong ko, ano'ng kasing nakakatawa sa akin.
"Para ka kasing lumpia!" napanganga na lang ako sa pinagsasabi niya. Dati nga yata siyang sira ulo.
"Sige lumpia mo mukha mo! Aalis na ako! Ayokong kumausap ng isang baliw!" inis na sabi ko at aalis na sana ng magsalita ulit siya.
"Para kang lumpia kasi ang cute mo diyan sa tuwalya mo habang nakabalot sa'yo!" dahil alam ko na ang sinasabi niya. Agad ko siyang sinapak, tapos umalis na. Baliw na lalaking 'yun!
Bumalik na lang ako sa kuwarto ko, nawalan na ako ng gana maglibot. Buwisit na lalaking 'yun, ang sarap niyang tuktukan eh. Maya maya lang biglang tumunog ang cp ko, kaya agad ko itong sinagot.
"Boss, bakit po?" tanong ko.
"Pumunta ka ngayon dito sa swimming pool, I need you!" aniya at pinatay ang tawag. What the hell? He need me? Gosh! Bago 'yun ah, kailangan niya talaga ako? Hindi man ako makapaniwala agad na akong tumakbo papunta sa pool, malayo pa lang nakita ko na siya. Kaso ang nakakainis may babaeng, nakadikit sa kaniya. Akala mo isang linta sa sobrang dikit, nagseselos man ako lumapit pa rin ako. Kasi nga sabi niya kailangan niya ako, baka iba talaga 'yung kailangan niya.
"Babe, ano'ng ginagawa mo pala dito ngayon? Sinusundan mo siguro ako?" malanding tanong ng babae, hindi pa nila ako na notice kasi nga busy pa sila sa paglalandian. Kaya naman umubo na ako.
"Oh Hi Honey, I'm glad you're here!" ani boss bigla at inakbayan ako, kahit alam ko na kung bakit niya ako kailangan. Sumabay pa rin ako sa ginagawa niya.
"Honey, ano'ng gingawa mo rito? Hindi ba sabi mo, kakain na tayo?" sabay ko sa kalokohan ni boss.
"I'm really sorry, Honey!" aniya at pinisa pa ang ilong ko.
"Sino naman ang babaeng ito?" inis na tanong ko, hindi 'yun pagpapanggap. Totoong naiinis ako, kasi nagseselos ako.
"She's nothing honey, don't mind her. Let's go!" aalis na sana kami ng biglang pinigilan kami ng babae.
"Wait babe!"
"Ano'ng babe? Wala kang babe dito?" inis na ani ko.
"My Shavin is only mine!" galit na sabi ng babae at sasabunutan na sana ako ng biglang pinigilan ito ni boss.
"Subukan mo lang na saktan ang asawa ko, malalagot ka sa akin..."
"Fiance's mo ako! Ano'ng asawa, ang sabi sa akin ni daddy wala kang asawa!"
"You're not my finance, may mahal na ako at malapit na kaming ikasal kaya tigilan muna ako." Serysosong sabi ni boss at hinila na ako paalis. Alam kong umiiyak' 'yung babae, sayang maganda pa naman siya. Kawawa naman, pero dapat lang kasi sa akin lang si Shavin.