Chapter 7

1048 Words
Message from Boss: "Idadagdag ko sa babayaran mo ang paliligo mo sa Cr ko!" grabe naman, napabuntong hininga na lang ako, dahil sa katangahan ko nadagdagan pa ang utang ko. 12k a month ang sweldo ko at 10k do'n ang ibabayad ko sa kaniya a month. Kaya ang budget ko lang 2k a month. Base 'yon sa contact na pinirmahan ko. Lumabas ako nang kuwarto tapos pumunta ako ng kusina, nakita ko naman ang lalaking chef's nila rito. Nang mapatingin ito sa akin, kumindat ito bigla. My gosh! Ang guwapo! Sh*t Kinikilig ako! Ang suwabe pa nito habang nagluluto. Ang dami sigurong nagkakandarapa lalaking ito. "Hi, Miss! Bakit narito ka?" tanong nito at ngumiti sa akin ng pamatay. Gosh! "Manonood sana ako sa pagluluto mo, gusto ko kasing matuto..." nahihiyang sabi ko. "Go a head!" ani nito at ngumiti sa akin. My gosh! Malalaglag na panty ko sa kaniya eh. May ganito pala ka-guwapong chef rito? "Ano'ng pangalan mo?" tanong nito. Nanonood ako sa ginawa nito, gusto kong matuto para masarapan sa akin si boss este masarapn siya sa luto ko. "Haykira Bartona, ikaw ba?" tanong ko rin pabalik. "I'm Exakeyl Yukiro Mondel, nice meeting you!" pakilala nito at ngumiti sa akin at nakipagkamay. "Masaya rin ako na nakilala kita..." ani ko at tinanggap ang kamay niya. My god, ang lambot ng kamay niya. Sh*t, parang ayaw ko na bitawan. "Kira, ang kamay ko..." bulong nito kaya napabitaw agad ako. Gosh! Nakakahiya talaga. "Sorry..." ani ko at yumuko. "Ano bang niluluto mo?" pagbago ko sa topic, pinagpawisan na ako ng malamig dahil nahihiya ako. My god, baka may kung ano siyang isipin sa akin. "Ito ba, Beef steak at Chicken adobo. Ito kasi ang request ni boss!" napangiti na lang ako at mas naakit na matutu pa. Nagrerequest pala si boss, so naisip ko lang kapag marunong na ako magluto. Ako na ang magluluto sa kaniya, malay mo magustuhan niya ako 'pag nasarapan siya sa luto ko. Oh my god! Habang nagluluto pa rin ito, nagkuwentuhan at tinuturuan niya rin ako kung paano ba magluto ng masarap. "Bakit ka pala, napunta rito? Girlfriend ka ba ni boss?" tanong nito, kaya bigla na lang akong nasamid. Gosh, kung puwede lang magdilang Anghel siya baka sakali pa. "H---indi ah..." utal na sagot ko, napatingin naman ito na may ngisi sa labi. Bakit parang ayaw niya maniwala? "Gano'n, akala ko pa naman ikaw na ang mapapangasawa ni Boss. Alam mo bang, napakasungit niyan ni boss! Palibhasa kasi walang girlfriend, hindi kasi mahilig sa babae. Kaya sana lang magjowa na s---- "Exakeyl, sinabi ko bang i-chismiss mo ako? Ano bang ginagawa mo, 'di ba? Dapat nagluluto ka? At hindi nakikipagchismisan?" masungit na biglang sabi nang kakasulpot lang na si Shavin. "Pasensya na Boss!" "Tch, Bartona follow me!" utos nito, kaya naman agad akong sumunod rito. Umupo ito sa sala, kaya umupo na rin ako. Nakakatakot ang awra niya ngayon. "Bakit, boss?" nakayukong tanong ko. "Ihanda mo ang mga gamit mo, pupunta tayo sa isang resort for 2 months, kaya matatagalan tayo do'n. Dalhin mo ang dapat dalhin, remember I don't want stupid person tch." Seryosong sabi nito. My god, this is my chance sh*t. "Tayong dalawa lang, Boss?" "Yeah, you have a problem?" "W---ala, boss!" "Good, go start pack you're things cause tommorow ang alis natin." Seryosong ani pa rin nito. "Sige po, Boss!" sagot ko at aga nang tumakbo papunta sa kuwarto at nag-umpisang mag-impake. My god, makakasama ko siya ng matagal. Masaya lang ako dahil, ako ang napaili niyang isama. Nang matapos ako mag-impake, pumunta ako sa garden nila. Ang ganda kasi rito, nakakarelax. Nakita ko naman do'n na may kausap si boss. Pero hindi ko na pinakinggan baka mamaya magalit pa sa akin. Naupo na lang ako sa damuhan, malinis naman. Nang gumabi na, po pumunta na ako sa kuwarto ko para sana matulog. "Hey, Woman! Go to my office now!" sigaw nito sa speaker na connection namin para madali niya akong mautusan. Kaya agad na akong tumayo at tumakbo na papunta sa office niya. Muntikan pa nga akong madapa, masiyado lang akong excited dahil inuutusan ako ng mahal ko. Pagkarating ko sa pinto ng office nito, agaw hininga na ako. Kaya naman kumatok na ako at pilit na hinahabol ang hininga. "Come in!" sigaw dito, kaya naman agad na akong pumasok. Nakita ko namang tumingin ito sa akin, kaya uminit bigla ang pisngi ko. Gosh! Huwag mo akong titigan boss, mas nahuhumaling ako sa'yo. "Bakit, Boss?" agaw hininga kong tanong, habang nakatingin sa mata nito. Agad naman rin akong umiwas, hindi ko keri na makipagtitigan sa kaniya masiyado akong marupok. "Ang tagal mo!" seryosong tanong nito. "Sorry, Boss. Tumakbo po kasi ako pataas rito gamit ang hagdan..." "You're f*cking stupid, Woman. My god, may elevator naman naghagdan ka pa." Naipiling na sabi nito, ehh? May elevator pala? Ang tanga ko nga kung gano'n. "Hindi ko alam, boss..." napapakamot sa batok na ani ko. "Tch, by the way here's you're allowance a month. Para may pang gastos ka sa pupuntahan na'tin, kung sakaling may balak kang bilhin." Aniya at inabot sa akin ang isang sobre. "Hindi na, Boss..." ani ko, madagdagan lang ang bayarin ko. "Tch, don't worry hindi 'yan pasok sa babayaran mo. Kailangan mo 'yan," tumango na lang ako at kinuha ang pera. "Salamat, boss..." nahihiyang ani ko. Gosh! Ang bait niya, sayang ito kung 'di ko kukunin. "Makakaalis ka na," aniya at sumandal sa chair niya at pumikit. Kaya naman hindi agad umalis, at pinagmasdan lamang siya. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na harapan ko nang nakikita ang dating lalaki na ini-stalk ko lang at pinagpapantasyahan. Nagulat ako nang bigla itong magmulat ng mata at tumingin sa akin ng direkta. "Bakit hindi ka pa umaalis? May problema ba?" tanong nito, mabuti na lang at hindi niya naisip na pinagmamasdan ko siya. "Ah eh, wala boss! Aalis na po ako..." ani ko at aalis na sana nang marinig ko ang sinabi nito. "Mga babae nga naman tch..." bulong nito, kaya napakunot ang noo ko. Pero hindi ko na pinansin iyon at umalis na. Pagdating ko sa kuwarto agad akong nag-dive sa kama at sumigaw nang sumigaw. Sh*t, ang guwapo talaga niya. Kinikikig akong pagulong gulong sa kama, hanggang sa mapagod na lang ako at nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD