Chapter 9

945 Words
Claudia's Pov Nakaabot pa ako sa 8:15am na unang klase ko. Muntik na akong maabutan ng professor ko sa pintuan pero dahil nakita ko na ang bulto niya sa malayo pa lang ay tumakbo na ako ng mabilis. Sa pangalawang klase ko pa makakasama si Anna dahil magkaiba ang oras ng English 101 na nakuha namin. Second subject namin ang Humanities na pang 9:30 am pa. Matatapos itong unang klase ko ng 9:15am. Mayroon pang pagitan na 15 minutes para makapag handa ng kaonti at maglakad sa susunod na kwarto. Nilagay ko sa silent ang cellphone ko at nag message ako kay Miguel na nakuha ko na ang cellphone ni Pancho.  Sabihin mo kay Pancho dumaan sa room 310 pagkatapos ng klase namin ni Anna. 10:30am ang tapos para makuha niya ang cellphone nya sa akin. Sent Nag vibrate ang cellphone ko. Pero hindi ko na muna ito tiningnan at nagsimula na ng magturo ang professor. Isang tricycle lang ang layo ng University sa bahay namin kaya hindi mahirap makadating sa school. Minimum fare lang at may bawas pa pag sinabi mong estudyante ka. Minsan libre pa pag si tatay ang naghahatid o kakilala ni Tatay na kapwa din nya driver. Mabilis lumipas ang unang klase sa English 101. Naglagay lang ako ng konting face powder dahil baka naubos na yung nilagay ko kanina nung tumakbo ako para makaabot. Napatingin ako sa salamin sa powder compact ko, naalala ko na tinawag ako ng Miss Ganda nung crew at nung nagsaoli nung cellphone ni Pancho. Lumaki ako ng madaming pumupuri sa akin kahit mga kapitbahay namin, pero hindi ako sanay na galing yun sa mga estranghero na medyo malakas ang dating. Totoo kaya ang sinabi ng Christian na iyon? O isa lang sya sa mga pilyong kilala ko. Di bale, itatanong ko mamaya kay Anna kung kilala nya yon. Tiyak akong kilala nya yon dahil madami siyang mga kaibigan sa ibang kurso. Naaalala ko pa ang mapuputi nyang ngipin at ang maganda nyang mata. Erase erase erase. Tumayo ako para lumipat sa susunod na klase ko. Kailangan malaman ko kung sino ang nilalang na iyon. Nakalampas na ako ng dalawang kwarto at nasa pinto na ako ng may tumawag sa akin.  "Clau!' kilala ko ang tinig na iyon. Si Anna, habang bitbit ang isang libro sa harap nya "Anna"! nagbeso muna ako dahil hindi kami nagkita kahapon, every other day kase ang subject namin at 1 hour lamang ito. Mabuti nalang at walang seatplan sa Humanities 101, Malaya kaming pumili kung saan kami makakaupo. Doon kami tumapat sa may fan, wala naman problema sa rooms dahil airconditioned ito at hindi na kailangan ng pamaypay. Dahil wala pa naman ang professor namin, nakipagkwentuhan muna ako kay Anna.  "Nakuha mo ba yung cellphone ni Pancho? " tanong ni Anna Ikukwento ko na nga sana. "Nakuha ko na, dadaanan nya mamaya pagkatapos nitong subject natin. Nagtext na din ako kay Miguel". paliwanag ko "Christian ang pangalan ng nagbalik ng cellphone ni Pancho kanina sa FASTBYTES. May kilala ka bang Christian na parang pang athlete ang hubog ng katawan?" tanong ko "At bakit gusto mong malaman?" usig nya na medyo mataas ang kila Halatang magkaibigan nga kami. Nakikita ko din ang kasungitan ko sa kanya.  "Ahm, ano kasi ...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong nagsipasok na ang mga kaklase namin ng makita ang professor naming sa Humanities. "Mamaya ko nalang sasabihin sayo" bulong ko Tumaas lang ang dalawa niyang kilay tanda na narinig nya ang sinabi ko. Professor's Pov Yung professor namin sa Humanities, siya yung adviser namin sa block section.  "Class! Midterm's exam results are already out. You can see your midterm grades online, just log in on your account and let me know if there is something you want to discuss with me." "For now, we will need to have a class election. I will need to have 2 heads to represent your class for the upcoming Mr. and Ms August. Those who are elected will compete to other section and year across the University. Even other course will try to win the contest as well. " "You will just need to make sure we will win this contest, and I'll take care of you final grade for the first semester. Understood Class? " "Yes Sir. " Sabay sabay kaming lahat na sumagot. "Now! Who? " tanong pa niya "Yes Ms. Guerero?" tawag sa akin ni Sir "I nominate my beautiful friend, Anna" sabay ngiti ng napakalawak. "Okay! Nice start!" ika ni Sir Professor "Any objection? None?" tanong niya Itataas sana ni Anna yung kamay niya pero hinila ko iyon. "Okay na Sir, walang mag oobject diba?" tanong ko sa buong klase "Yes". Sabay sabay silang sumigaw "Alright, Anna then for Ms. August. How about Mr. August"? Tanong niya Nagtaas ng kamay ang isa sa lalaki naming kaklase. "Yes Mr. Raymundo? " tawag ni Sir "I nominate Aldrin po fr Mr. August". Sabay baba ng kamay at lahat kami tumingin sa bandang likod ng room  Nag amba ng kamao si Adrin sa gawi ng nagnominate sa kanya. Wala naman masama sa itsura ni Aldrin. Matangkad ito, matangos ang ilong. Galing sa kilalang pamilya ng mga Perez, pero kilala kasi siya sa pagiging siga. Hindi naming sure kung matatagalan ba siya ng ngayon ay kapareha nya sa contest na si Anna. "Okay!" no objections? So Anna and Aldrin, meet me at the faculty room after this class. So we can talk more about the contest. "Any question? Violent Reaction? " tanong ulit ni Sir Katahimikan... Lumabas na si Sir buntot ang dalawang elected para irepresent ang class sa nalalapit na Mr. and Ms. August.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD