Chapter 10

1164 Words
Pancho’s Pov Kakababa ko lang sa gate ng university. 10:30am pa naman ang tapos ng klase nila ate. Meron pa akong 30 minutes para mag ikot ikot. Meron itong isang malaking building may may anim na palapag at kilala sa buong probinsya dahil sa magandang edukasyon na ibinibigay. Halos lahat ng mga gustong magtapos ng kolehiyo sa bayan namin ay dito nag eenroll pati na ang mga may kayang pamilya. Dumaan ako sa basketball court ngunit wala akong nakitang naglalaro. Marahil ay kakatapos palang ng laro dahil sa mga lalaking nakaupo sa bleachers na tila uhaw na uhaw. Nasipat ko Charles na galing sa Male CR. Nakapagpalit na ito ng uniform niya at bahagyang naglakad gawi sa akin. Sumenyas ako ng saludo tanda na nakita ko siya. “Kumusta P?” bati niya “P? saan mo naman nakuha yan? Hehehe” tanong ko na parang hindi makapaniwala sa itinawag nya sa akin.Tinapik ko din ang balikat niya tanda ng pagbati “Wala lang, P naman ang unang letra ng pangalan mo diba? Saka nakuha ko nga pala yung phone mo kahapon. Hinabol ko kayo kaso hindi ko na kayo matanaw” saad niya “Ganun ba? So ikaw pala ang natext ng ate kahapon?” pagkumpirma ko “Oo. Nakuha mo na ba cellphone mo? Kaninang alas otso kasi ang usapan namin, kaso ipinaabot ko sa pinsan ko para madala niya sa management ng FASTBYTES” mahaba nyang banggit “Ngayon palang ako papunta sa klase nya. Nagtext kasi siya kay Miguel na daanan ko sa room nila ni ate Anna” Gusto mo sumama? Pag nakita mo yun si ate Anna baka sabihin mo nakakita ka ng artista” biro ko pa “Hindi ko na kailangan ng artista dahil nakita ko na ang gusto kong babae” mahina kong sabi “Ano yon?” tanong ko “Sabi ko, sasabay na ako. Anong room ba ang pupuntahan mo?” bawi ko “Room 310, sakto 10:30am ang tapos ng klase nya. Maabutan pa natin iyon. Galit pa naman yon si ate sa laging late” saad ko Charles Pov Nasa ground floor na kami ng bumukas ang pinto ng elevator. Konti lang ang estudyante kasya sumabay na kami sa pag akyat. Pinindot ko ang 3 dahil 5th ang pinindot ng kasabay namin. Nakakaramdam ako ng hiya dahil pa din sa nangyari kahapon. Baka isipin niya na iniimpluwensyahan ko ang mga kapatid nya sa pagsusugal. TING! Tumunog na ang elevator sa ikatlong palapag. Pagkalabas na pagkalabas namin ay nakita kong kasunod ng isang professor ang pinsan kong si Aldrin at isang babae. Halos magkasing tangkad ang dalawa at parang maamong tuta na naglalakad sa likod ng professor. Tila naramdaman naman ni Aldrin na may nakatingin sa kanya at lumingon gawi sa amin. Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko tanda na nakita ko siya. Nakita ko pa na hinawakan nya sa kamay yung babaeng kasabay niya pero agad din nitong tinanggal ang kamay ng lalaki. Napangiti ako ng bahagya. Hindi pa din nagbabago ang lalaking ito sa pagiging siga. Ang gusto nya ay masusunod at walang pwede pumigil sa kanya. Bukod na lamang ang kanyang ate na ngayon ay tapos na sa pag aaral. Nakarating na kami sa kwarto ng ate ni Pancho. Konti lang ang tao sa loob nito at halatang wala ang professor dahil may mangilan ngilan na nagpapraktis ng dance step. Nasa pinto na ng kwarto si Pancho at kinakawayan ang kapatid nya. Nasa may bintana lamang ako para hindi niya ako makita. Binuka nya ang bibig na parang sinasabing wait habang nakatingin kay Pancho. Kinuha niya ang cellphone sa bag niya at nagsimulang maglakad papunta kay Pancho. “O, ingatan mo na wag iyan mawala ha. Lagot ka kay Nanay sa susunod na mawala mo iyan” narinig kong pagalit nya kay Pancho “Opo ate” sagot pa ni Pancho “Sige, anong oras ka makakauwi mamaya? Sabay na ba tayo?” Tanong niya “Ahmm, hindi ko pa alam kung may lakad kami pagkatapos. Mauna ka na umuwi. Baka gabihin kami eh. Magtetext nalang po ako sayo mamaya.” Magalang na sagot ni Pancho “Okay. May kailangan ka pa ba? Babalik na ako sa loob” tanong pa niya “Kasama ko si Charles, yung kalaro namin kahapon. Parang nasungitan mo kasi kahapon nung nagpapakilala sayo yung tao kaya kung ok lang ate, magpakilala ka ng maayos sa kanya? Mauuna na ako at iiwan muna kita sa kanya” usal ni Pancho Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko akalain na sasabihin yun ni Pancho sa ate nya. May butil butil na pawis na lumabas sa mukha ko. “Charles!” Tawag sa akin ni Pancho. Napangiwi ako ng bahagya habang naglalakad at kumakamot ng ulo papunta sa kanila. Umalis na siya nung nakita niya na nasa harap na ako ng ate niya. “Hello! Claudia, ate ni Pancho at Miguel” Inilahad niya ang kamay niya sa akin may diin sa salitang ate at ubod ng tamis na ngumiti Hindi ko tuloy alam kung nanunukso ang paraan niya ng pagpapakilala. Dumiretso ako ng tayo para tumingala siya sa akin. “Charles!” Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin sa magaganda nyang mata. Napangiti ako at bahagyang lumabas ang dimple ko sa kaliwang pisngi “Abnormal” narinig kong binulong niya Medyo nag init ng konti ang tenga ko sa narinig. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, at bumulong din. Halos makagat ko ng tenga niya sa ginawa ko. “Narinig ko yun, at sa susunod na may sabihin o gawin kang kakaiba sa akin makakatikim ka ng parusa” mas hininaan ko pa ang boses ko para mas maintriga siya Naiwan siyang nakatayo sa may pinto dahil nauna ng umalis si Pancho. Binitiwan ko na ang kamay niya. Naglakad na ako papunta sa faculty room dahil don ko nakitang papunta si Aldrin. Claudia’s Pov Naiwan akong nakatayo sa pinto matapos makita ang mukha ng lalaking yon. Namula ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang init ng hininga nya at ang bango ng pabangong suot nya. May pagkapilyo din ito pero hindi maikakailang may itsura ang mokong na yun. Lumabas ang biloy niya sa pisngi kaya napasabi ako ng abnormal na totoo naman dahil hindi naman lahat ng tao ay may dimples. Magandang abnormalities naman ang biloy, hindi ko lang nasama kanina yung salitang maganda kaya abnormal lang yung narinig niya. Anyway, erase erase erase. Ano bang meron sa araw na ito at puro mga manyak ang nakakasalamuha ko. Nagtype ako ng message para kay Pancho. Hindi ko gusto yang bago mong kaibigan ha. Masyadong mahangin, akala mo kung sino. Sent 1 message received From Pancho Baka naman tinarayan mo ate. Hamot kakausapin ko mamaya Okay. Text mo ako mamaya pag pauwi ka na. Mauuna na ako umuwi ha. Mag ingat. Sent Tinago ko na ang cellphone ko dahil malapit na din bumalik yung dawalang elected.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD