Chapter 8

810 Words
Christian Pov Binuksan ko ang pinto ng munti naming kwarto. Naabutan kong nakaupo sa sofa si Charles sa terrace at sinalubong nya ako para ibaba ang karton na kanina ko pa pasan pasan. "Kain muna tayo bago natin ayusin ang pinamili ni Tita Cindy, nakahain na sa mesa ang almusal. " parang nanay ko na naman tong mokong na to kung umasta "Right, kumain kami ni nanay ng konti dahil nabanggit ko na hindi pa tayo nag almusal. Mukhang masarap ang kain ko ngayon" dagdag ko pa Uminom muna ako ng tubig galing sa mini ref at naglakad papunta sa dining table. "Hmmmnnn, ang bango naman ng sinangag." pag amoy ko pagkatapos iangat ang panakip sa pagkain "Ang dami naman yatang pinamili ni Tita Cindy, baka hindi yan magkasya sa ref." si Charles habang paupo na sa lamesa "Hayaan mo na, yung iba naman jan de lata, ok lang kahit hindi na ilagay sa ref" ako habang ngumunguya "Sabagay, dapat siguro na magluto nalang tayo ng baon kesa kumain sa labas pag lunch saka pag dinner. Baka kasi masayang ang mga groceries" ani Charles "Oo nga. Para mabawasan naman ang laman ng ref at makatikim naman tayo ng lutong bahay." Ngumiti ako at itinaas ang kilay , tanda na si Charles ang gagawa ng pagluluto "Oo na, sige ako na ang magluluto" napipilitan pa yang sabi "Hindi mo pala nabanggit sa akin na babae ang kukuha ng cellphone, alam mo tsong ang ganda nya. May pagkamataray lang ng konti pero may karapatan naman siyang magtaray sa ganda nyang yon. Nililigawan mo? " sabay ngiti ng may pagkapilyo "Tangek, kapatid yun ng kalaro ko kahapon sa computer games. Hindi ko pa nga nakikilala personally, naunahan mo pa ako hawakan ang kamay nun." Sabi niya na may pagtatampo "Naks naman, bantay na bantay ah. Kung hindi mo liligawan ako na poporma" buong tapang kong sabi "Ligawan mo, wala lang yun sa akin ano. Saka yung kapatid nya ang kaibigan ko. Nalaman mo ba ang pangalan? Tanong pa nya "Tingnan mo, kung wala sayo yon itatanong mo pa ba ang pangalan nun? Aminin mo na tsong. Gusto mo yon ano. Wag ka ng mahiya. Alam mo naman na wala pa sa isip ko ang mag girl friend at nangako ako kay nanay na magtatapos muna ako bago ako mag girlfriend." Palatak ko "Ganun ba yung hindi pa mag gi girlfriend? Eh halos isubsob mo yung mukha mo sa kanya?" diretso nyang sabi na may halong konting pag uusig "Napansin ko kasi kanina na nakasilip ka sa terrace, kaya sinubukan ko lang kung anong magiging reaksyon mo. Claudia ang pangalan nya, at wag kang mag alala. Hindi hindi ko siya papatusin dahil alam kong gusto mo sya. Kaya wag ka ng mag maang maangan jan" mahaba kong palatak na halos matawa na sa mukha ni Charles "Tiningnan ko lang kung dumating ka na dahil nakakahiya kung malelate ang pinangako kong alas otso sa kanya" palusot pa niya Ayaw talaga nyang magpahuli na gusto nya ang babaeng iyon. "Sige, kung hindi ka aamin, idadagdag ko nalang siya sa mga papakiligin kong mga campus crush" pilit ko pa sa kanya "Subukan mo lang na idamay siya sa mga kalokohan mo, at isa ako sa mga papatol sayo. Dalawang lalaki ang kapatid nyan at tiyak ko na hindi yun papayag na paglaruan ang ate nila" pagsisiguro niya "Tingnan mo, wag mo ng ilihim Tsong. Telling me that you like her won't hurt you. Come on, maganda naman siya at may itsura ka naman. What's keeping you away from her?" pangungulit ko pa "Sometime in the future, I'll tell you. Wag muna ngayon dahil may ilang projects pa akong kailangan tapusin. Shot tayo mamaya after school. Anyway, saturday naman bukas. No reason to wake up early tomorrow" mahaba nyang paliwanag Huminga nalang ako ng malalim. Hindi talaga to papahuli ng buhay. " Okay, let talk later" I need to rest dahil napagod ako kanina pagkuha ng groceries ni nanay. Ako na maghuhugas mamaya pag gising ko." Sabay dapa sa bed ko at yakap sa unan Para na kaming magkapatid ni Charles. Kaya ang sekreto nya ay sekreto ko na din. Ang nanay ay kasama ng Tita Joan (Mommy ni Charles) sa ilang business ng mga Monte Alegre. Kaya naman at ease ang mag kasosyo na kami ni Charles anng magkasama sa dorm. Christian Perez Dela Paz. Engineer student, campus crush, basketball player,buhay na patunay ng Tall,dark and handsome na sinasabi nila. Palabiro, Pilyo at nag iisang anak. Pinsan ni nanay si Tita Joan na mommy ni Charles. Yes! You heard it right,magpinsan kami ni Charles pero parang magkapatid ang turing namin sa isat isa. Graduating na ako this school year kaya naman sinusulit ko na din ang stay ko sa school at sa dormitory. The true battle is outside the school as most of my professor told us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD