Chapter 11

1033 Words
Anna's Pov Napagkaisahan kami ni Aldrin na maging representative ng buong klase para sa darating na Mr. and Ms. August. Ang alam ko lamang ay ang mga campus crush ang mga isinasali dito kaya malaki ang pool ng mga nagagandahan at naggagwapuhang candidates para sa patimpalak. Sumunod na ako sa professor namin matapos magdesisyon ang buong klase na kami ni Aldrin ang magiging representative. May konting kilig akong naramdaman dahil isa si Aldrin sa mga kilalang estudyante na may magandang mukha. Matalino pero ubod ng kumpyansa sa sarili. Gusto nya na lahat ng sabihin niya ay masusunod. Ilang hakbang nalang bago kami makarating sa faculty room ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nakaharap siya sa may likod ko kaya hindi ko nakita kung sino ang gusto niyang pagyabangan na hawak niya ang kamay ko. Bigla ko iyon tinabig at dumiretso sa paglalakad. Umupo na sa swivel chair niya ang professor namin. "OK, first congratulations to both of you. I can sense ngayon palang na malaki na ang lamang ninyo sa pagkapanalo. I want both of you to explore, lalo na sa talent. Kung pwedeng magkasama na kayo sa talent portion at as much as possible always display sweetness para mapakilig ang mga audience and judges. I'll hire someone who will be with you guys throughout the contest" mahabang pahayag ni Sir habang kumukumpas pa "Walang problema sa amin ng babe ko yon Sir, " Sabay akbay sa akin ni Aldrin "Hindi ako baboy! alisin mo yang kamay mo kung ayaw mong mabalian" pagtataray ko pa sa kanya "Sungit mo naman babe" hinawakan pa nya ang baba ko at pinisil iyon "Pwede ba? wag mo akong tawagin babe. Hindi tayo close! And one more thing, dont you dare touch me unless you have my permission" mas sinungitan ko pa "Woah woah woah" taas pa nya ng dalawang kamay. "I wont hurt you honey" In fact, I will make it easy for both us" sabay kindat sa akin "Alright! Tama na ang bangayan, i want both of you to work together. I need to know what talent you want to present and a rehearsal. End of month na ang contest and we need to be prepared. Intiendes?" tanong pa ng professor "Yes Sir" halos sabay namin sabi "Here is my card. Text me once both of you come up with a plan. Now go back to your classroom" mabilis nyang sabi "Thank you Sir" sabay kuha ko ng card na binigay niya Aldrin's Pov Inambahan ko ng kamao ang nagnominate sa akin na sumali sa contest, though wala akong magagawa kung pasok ako sa pagiging gwapo na tinitingala ng mga kababaihan sa campus. Aldrin Perez San Pedro. Pinsan ko si Charles at Christian na hindi maipagkakaila dahil our looks says it all. It runs in the blood. Walang panget sa mga Perez. Kaya hindi na ako magtataka kung kasali din ang dalawang gunggong na yon dito sa contest na to. I just wonder if it will all be smooth. My angel Anna is going to be my partner and i can't deny it. She is the most beautiful face in the campus. Medyo mataray lang talaga ang babe ko na to. Simula palang ng klase ay nag iisip na akong pormahan siya pero nahihiya ako. Wala akong lakas ng loob dahil ang nakakarating na mga balita tungkol sa akin ay pagpapaiyak ng babae. Kasunod na kami ng adviser namin pagkalabas nya ng room. Nakita ko na lumabas ng elevator si Charles at may kasama pang isang estudyante. Hinawakan ko ang kamay ni Anna habang nakatingin kay Charles at ngumiti. Dali naman niyang tinabig ang kamay ko. Matapos ang mahabang paliwanag ni Sir tungkol sa gaganapin na contest pinalabas na niya kami ng faculty room. Nauna na akong lumabas at inantay ko si Anna. Diretso lang itong naglakad at nilampasan ako. "Babe" tawag ko habang hinahabol siya na hindi pa din lumilingon "Honey" medyo nilakasan ko pa ang boses ko pero hindi pa din siya tumigil Wala masyadong tao sa hallway kaya inilang hakbang ko siya, hinila sa kamay at dinala sa sumunod na kwarto.Sinarado ko ang pinto at sakto naman na walang on going na klase doon. Binitawan ko ang kamay niya ng makita kong may konting pamumula dahil sa mahigpit na hawak ko. Hinila ko siya sa bewang. Agad naman niyang nahawakan ako sa dibdib "Ayoko sa lahat yung hindi sumusunod sa akin, i was calling you Darling. I even waited for you outside the faculty room" madiin kong sabi habang magdikit ang mga katawan namin Kinilig ako ng bahagya ng sinabi nyang inantay nya ako. "Sinabi ko bang mag antay ka? Hindi ako natatakot. Hindi Babe, Honey o Darling ang pangalan ko, at kung hindi mo alam i'll spell it for you." nakatingala sumagot si Anna na may palaban na tingin sa akin, habang unti unting pumipiglas sa pagkakayakap ko sa kanya "Now you manage to look at me. Give me the card and your phone number. I need it in the future Babe" mahina kong bulong sa kanya habang hawak ko pa din ang kanyang bewang "And please, dont make me do this everytime Anna". You dont want me kissing you in public dont you?" Tanong ko pa sa kanya na halos ilang pugada na lamang ang pagitan sa mga mukha namin I saw her blush, pero hindi pa din siya nagpatinag. She manage to put the card on my uniform's chest pocket at tinulak nya ako ng napakalakas. "Its good that you know my name. Habang humahakbang papunta sa akin. Now there is the card, and i dont give my phone number to anyone. Work hard for it. You will need to do your best" binigyan nya ako ng dalawang mahihinang tapik sa pisngi sabay labas ng room Naiwan akong nakangiti. She was fierce and i think it would be a good time having her as my Ms. August. I took my phone out and called someone. "I want you to do a back ground check for someone. I need it as soon as possible" mahina kong sabi Seems like i am going to enjoy this moment. Lumabas na din ako at nagtungo sa room namin for the next class.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD