Chapter 7

880 Words
Claudia's Pov Bumaba ako sa tricycle 10 minuto bago mag alas otso ng umaga. Naglakad ako papunta sa computer shop na laging pinupuntahan ng dalawa kong kapatid para maglaro ng computer games. Ngayon ko lang napansin ang karatula nito "FASTBYTES". Nakita ko ang crew ng shop at tinanong ko kung may nag iwan ba ng cellphone sa kanila. "Naku miss, wala pang nagsurrender ng cellphone dito mula kahapon". Ani ng crew "Ganun po ba, sige antayin ko nalang po mag alas otso." Salamat po "Upo ka muna miss, baka mangalay ka eh. " sabay abot ng putting stool sa akin "Salamat po" mahinang bulong ko Tiningnan ko ang pamulsong orasan sa kaliwa kong kamay, 5 minutes nalang bago mag alas otso. 8:15 am ang una kong klase at hindi ako pwedeng malate dahil hindi pinapapasok ng professor namin ang sinuman kahit 1 minute lamang itong late. Nakita kong may humahangos na lalaki papunta sa harapan ko. Pawisan siya at medyo may katangkaran kaya naka angat ang tingin ko sa kanya. May dala siyang ecobag na pula at karton sa kanang balikat nya. Mukhang galing sa palengke. Dumiretso siya sa crew na kanina ay kausap ko. " Ralph, kanina pa ba kayo bukas? May ipapaiwan sana ako. " banggit niya "Yan ba yung cellphone na hinahanap ni miss Ganda? Anjan siya sa may gilid mo. Kanina pa yata inaantay ang Prince Charming nya. " pabiro ng crew Tumayo ako at humarap sa kanya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at inoffer na punasan ang pawis nya. Tinaas ko ang kilay ko tanda ng pag hingi ng permiso na punasan ang pawis nya. Malapit ng tumulo ang butil ng pawis nya sa mata at alam kong hindi yon maganda sa pakiramdam. Binaba nya ang mukha niya malapit sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkasiwa dahil hindi ko naman iyon inaasahan. Dinampi ko ang panyo ko sa noo nya ng medyo may konting pwersa. "Dahil pinunasan ko ang pawis mo, hindi ibig sabihin ay magkaibigan na tayo para ilapit yang mukha mo! " Madiin kong sabi sa kanya Ngumiti siya ng ubod ng tamis kahit nilakasan ko ang pag dutdot ng panyo ko sa noo nya. Nakita ko ang mala mais niyang mapuputing ngipin. "Salamat Miss Ganda, pero mas gaganda ang araw ko pag nalaman ko ang pangalan mo." Iniangat niya ng kaonti ang kaliwa niyang kamay para kamayan ako "Christian" "Claudia" ngumiti ako ng matipid, kinamayan ko siya ngunit mabilis lamang dahil kailangan ko na lumipad para hindi ako malate sa unang subject ko "Maaga pa ang klase ko at hindi kita mapapatawad kapag na late ako. Asan na ang cellphone gaya ng pinangako mo?" nakataas pa ang kilay ko dahil baka akalain nyang nagsasayang ako ng oras Bumulong siya sa kanang tenga ko na nagdala ng kuryenteng hindi ko inaasahan. " Nasa puso ko ang pangalan mo at ang hinahanap mo. Pero dahil madami akong dala, ikaw na ang kumuha. Dahan dahan ka lang at wag kang man tya tyansing ha. Wala pang nakakahawak nyan" sabay ngisi at tumayo siya ng matuwid hawak pa din ang ecobag at karton sa kanang balikat. Medyo namula ang pisngi ko. Napatingin ako sa sinasabi nyang puso at nakita ko ang palawit na P palatandaan ng cellphone ng nakababata kong kapatid. Kinuha ko iyon kaagad sabay sabing "Thank you". Naglakad na ako paalis dahil baka malate pa ako. Damuhong iyon. Akala mo kung sino. Christian Pov Ngayon lang may babaeng gumawa ng ganoon sa akin. Na touch ako dahil ginamit pa nya ang panyo niya para punasan ang pawis ko. Karaniwan sa mga babaeng nakakakita sa akin pawis na ay umiiwas. Kesyo ang baho daw ng pawis at malagkit. Medyo may kasungitan lang ang babaeng iyon, tama lang siguro na may pagkapilyo ang katapat nya. Dahil nagawa ko na ang ipinasabay ni Charles agad na akong bumalik sa dorm. Ikukwento ko kay Charles ang nangyari. Tiyak akong hindi pa nya nakikita ang babaeng iyon. Nakangiti akong bumalik sa dorm. Charles Pov Hindi ako mapakali dahil 5 minutes nalang ay wala pa din si Christian. Abot tanaw kasi dito sa terrace ng dorm ang labas FASTBYTES at kita ko na nag aantay na ang ate nila Pancho. Nakita ko ang pagtatanong niya kay Ralph at binigyan siya ng silya para may maupuan siya. Ilang sandali pa ay nakita ko ang humahangos na si Christian diretso kay Ralph. Hayyyy.. Nakahinga ako ng maluwag dahil umabot siya bago mag alas otso. Halata sa babae ang pagpapahalaga sa oras dahil hindi ito late. Nakita ko ang buong pangyayari, ang pagpunas niya ng pawis ni Christian, ang pagdaop ng mga palad nila, ang paglapit ng mukha ni Christian sa kanya at ang pagkuha niya ng cellphone sa dibdib ni Christian na sa tingin ko ay ikinatuwa ng huli. May naramdaman akong inis dahil hindi niya tinanggap ang alok ko kahapon na pagpapakilala, may pinipili ba siyang gusto nyang kamayan? Hindi din ako natuwa ng ilapit ni Christian ang mukha nya, hindi sila ganoon kaclose para gawin niya iyon. Hindi bale, nakita ko na pabalik na si Christian kaya dito nalang kami mag uusap pagbalik nya. Nakapagluto na ako ng almusal habang wala siya. Nagsangag ako ng kanin, kaunting itlog, hotdog at ham. Perfect na almusal at pantanggal ng gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD