Chapter 6

1008 Words
Charles Pov Tinitingnan ko ang naiwan na cellphone ni Pancho sa computer shop. Nasa dorm na ako ng bigla itong umilaw. Marahil ay nakasilent ito kaya hindi marinig ni Pancho kanina ang text ng ate nya habang naglalaro kami. Sa screen nito makikita ang imahe ng isang masayang pamilya. Sa tantya ko ay Mama at Papa nila ang nasa magkabilang dulo, si Pancho at Miguel at sa pinaka gitna ang babaeng sumundo kanina sa computer shop. Malawak ang mga ngiti nila at maaaninag ang pagmamahal sa mga mata nila. Naiinggit ako dahil bihira magkaroon ng pagsasama sa pamilya namin dahil busy ang mga magulang ko. Though, my father and mother are good provider. They make sure we got everything so they will not worry. Mababait naman ang parents ko, hindi lang kami masyado makapagbonding dahil busy sa pag tatrabaho ang dalawa ko pang kapatid na lalaki. Ako nalang ang natitirang pinag aaral at pagkatapos ay lahat kami sa bahay ay mga may sarili ng career. Nakita ko ang message na dumating sa cellphone ni Pancho. From Ate C Hello, kapatid po ako ng may ari ng cellphone na naiwan sa computer shop kanina. Pwede po bang pakiiwan sa management ng computer shop ang cellphone at kukunin nalang po namin bukas? Maraming salamat po Nagtype ako pabalik. I have it. I will give it to you tomorrow. Just tell me the time and i will meet you there. -C Sent This time, desidido na ako makuha ang pangalan nya. So C pala ang unang letter ng pangalan nya. May ngiti na rumehistro sa mga labi ko. 1 message received Umilaw ulit ang cellphone ni Pancho. From Ate C Alright. Meet me there at 8am sharp. Yun lang at wala na ulit mensahe na dumating. Malapit lang ang dorm ko sa paaralan kaya walang problema sa oras na hinihingi nya. Maaga akong nag ayos para makapag pahinga. Excited na ako na makita ulit siya. May kung anong kilig akong nadarama kapag naiisip ko siya. Unti unting pumikit ang mga mata ko habang iniisip siya. Kinabukasan "Good morning Charles!" bati ni Christian na karoom mate ko "Morning Chris, ang ganda yata ng gising mo ngayon?" tiningnan ko ang wall clock na nasa 7am palang Lagi kasi itong nahuhuli bumangon dahil tanghali pa ang pasok nito. Matagal ko na din karoom mate si Christian, malapit na din siya magtapos. Halos magkasing tangkad lang kami at may kakisigan din ang pangangatawan dahil mahilig ito sa sports. "May dadanan lang ako sa altura, namili daw ang nanay ng mga kaonting grocery para sa atin" sagot niya Napakabait talaga ni Tita Cindy, mama ni Chris. Lagi akong sinasama sa pinapamili ng anak nya kaya walang problema sa mga kakainin dito sa dorm. Palaging puno ang mini ref namin. "Sige, ingat ka.Ipapasabay ko na pala itong cellphone ng kaibigan ko. Naiwan kahapon sa fastbytes, dadaanan daw ng kapatid nya ng alas otso sa management ng computer shop" banggit ko "Walang problema tol, ako na magdadaan nyan. Tapos naman na mamili ang nanay, pipick up nalang nung mga pinamili." consider this done, sabay ngiti Pinanghinaan ako ng loob kitain ang ate ni Pancho, baka kasi isipin nya na binubuyo ko ang mga kapatid nyang magsugal. Kaya nagdesisyon nalang ako na ipaiwan sa computer shop yung cellphone. Christian Pov Maaga pa naman kaya kukunin ko muna ang pinamili ng nanay. Nagsimula na akong maglakad papunta sa altura. Malapit lang naman ito galing sa dorm. Inilagay ko muna ang cellphone sa bulsa ko sa may dibdib para hindi mawala. Nakalampas na ko sa fastbytes at babalik nalang ako mamaya. Medyo mahaba ang pila sa altura. Nakaabang lang ako sa may labas ng pinto. Nakita ko ang imahe ni nanay na palabas na at may dala siyang malaking ecobag na pula. May mga alman iyon na toiletries at mga sabon. "Mano po nay" kinuha ko ang kanan niyang kamay "O iho, kanina ka pa ba? nag almusal na ba kayo ni Charles?" tanong niya "Napakamot ako sa ulo, hindi pa po nay. Pero kakain din po kami mamaya sa dorm pagbalik ko" sabi ko ng napangiwi "Ikaw talaga, dapat ay kumain ka muna at mabigat ang dadalhin mo, tara doon sa may tindahan ng itlog at kumain ka muna kahit kaonti" "Sige po" sunod ko naman Naglakad kami sa may tindahan ng mga kakanin. "Isa nga pong casava at isang penoy" sabay abot ng bayad ni nanay sa tindera "Nay, isa lang sa akin at baka hindi ko maabutan ang bilin ni Charles.Kailangan ko po bumalik agad sa dorm." palabi ko sa nanay "Ganun ba? o sya, dahan dahan sa pagkain. 7:30am palang naman kaya wag kang mag alala." palatak nya pagkatingin sa pamulsong orasan Uminom ako ng malamig na tubig, at saka pinunasan ang bibig ko. Baka may konting butil na natira sa bibig ko. "O mauuna na po ako nay, akin na yang dala mo na ecobag para makaalis na ako"sabi ko pa pagkatapos kumain "Ay teka lang, hindi lang iyan ang dadalhin mo" Kumaway ang nanay sa bagger ng grocery store na binilhan nya Napanganga ako na may isang karton pa pala. Mukhang tama nga na kumain ako ng kaonti para magka energy ako sa pagbuhat Lumapit ako sa may bagger at ipinapasan ito sa akin. Hawak ko ang pulang ecobag sa kaliwang kamay at nasa kanan na balikat ko ang karton ng mga grocery items pa. "salamat tsong sa pag atang," tinapik nya ang balikat ko Naglakad na ako pabalik sa nanay. "Nay, hindi mo naman po sinabi na ganito kadami pinamili mo. Salamat po sa almusal. Kailangan ko na pong maglakad para abutan ang susunod kong kikitain." sabi ko pa habang nagmano gamit ang kaliwa kong kamay "Sige, mag ingat kayo ni Charles. Dahan dahan sa paglalakad ha" sabi pa ni nanay Kailangan ko lang ng kaunting pwersa para maiangat ang kaliwa kong kamay dahil may kabigatan din ang ecobag na dala ko. Nagsimula na akong maglakad pabalik. Sakto lang ang oras at makakaabot pa ako sa fastbytes on time. Sana ay hindi ako lumampas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD