Chapter 5

1029 Words
Charles POV Nakabalik na ako sa bahay at ngayon ay nasa kwarto na. Charles Perez Monte Alegre. Ang probinsyanong baby face, 24, graduated business course and is now handling a couple of our family business. Loves basketball, chikboy daw pero hindi yon totoo. Bunso sa tatlong magkakapatid na lalaki at medyo mama's boy. May maliit na biloy sa kaliwang pisngi na hindi hindi mo matitiis tingnan kasabay ng medyo may ka singkitan na mata. Natatawa pa din ako sa nangyari kanina lamang. Wala pa din akong lakas ng loob na umamin kay Clau sa totoong nararamdaman ko. Espesyal ang pakiramdam ko sa tuwing maiisip ko siya, kanina lang kami nagkaroon ng sobrang lapit na distansya sa isat isa. Laging sa bahay nila kasama ko ang mga kapatid nyang lalaki na parang maliliit na kapatid ko na din. Ayaw kong ipaalam ang totoong estado ko sa buhay dahil baka hindi nila ako kaibiganin gaya na lamang ng mga akala kong totoo kong kaibigan nung nasa kolehiyo pa lamang ako. Naalala ko pa dati, pagkatapos ng klase ay madalas kaming maglaro ng computer games sa labas ng paaralan. May mga ilan sa ka blockmates ko ang sumasama sa akin para maglaro. Pero pag nalalaman nila na may crush sa akin ang mga gusto nilang babae ay agad nila akong nilalayuan. Kaiba ang mga kapatid ni Clau sa mga kaklase ko. Marahil ay mas bata ang edad nila sa akin kaya walang problema sa mga babaeng gusto nila at hindi ko naman din iyon mga kilala dahil ahead ako ng ilang taon sa kanila. Kakaupo ko lang noon sa bakanteng silya sa labas ng paraalan sa computer shop, may dalawang bakanteng upuan sa gilid ko. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Tapos na noon ang klase at halos kalagitnaan palang ng school year bandang August. Kakatapos lang midterms kaya naman pwede munang pumetiks dahil tapos na ang mga exams. Hindi pa kami nakakapag simula ng laro dahil kulang pa ng dalawa sa team namin. Sakto na may umupong dalawa sa gilid ko at nag start na sila maglog in sa parehas na laro namin. ''Kuya Pancho, paano yan hindi na tayo nakasabay sa laro nila Mario kasi ang tagal magpalabas ng Professor mo'' ika ni Miguel habang nakatutok sa screen ng computer ang mga mata ''Ok lang yan, hamot baka may maghahanap ng kakampi. Antay ka lang saka maaga pa naman. Mamaya pa labas ni ate'' si Pancho ''Hindi ko sinasadyang makinig dahil nasa gitna nyo ako pero kailangan namin ng dalawa pa sa team. Game ba kayo? " ako na maliwanag ang mukha dahil para silang kambal na hulog ng langit na pupunan ang kulang sa team namin "Sige ba" sabay na sagot ng magkapatid "Charles nga pala" inilahad ko ang kamay ko una kay Pancho dahil siya ang sa tingin ko na panganay, pagkatapos ay kay Miguel. "Nice meeting you po Kuya, sagot nilang dalawa." "Thank you na din kasi pinasali ko kami sa team mo. Gagalingan namin para hindi tayo magbayad sa pusta" singit ni Pancho "Magkano ba pusta natin dito?" si Miguel "Naku, mura lang to. 500 isang laro" dahil lima tayo bale tig 100 ang ambag. dagdag ko pa " Ha? eh naku kuya Charles kulang na ang pera namin ng kuya Pancho. Tig 50 nalang ang tira sa baon namin. Tara na kuya Pancho iclose mo na yang monitor mo at wag na tayo sumali." nahihiyang sabi ni Miguel Akmang isasarado na ni Pancho ang computer ng sumagot ako. "Okay lang yan. Sagot ko na yung diperensya. O sya, magsi upo na kayo ng maayos at magsisimula na ang laro. "ani ko "Thank you Kuya," sagot pa si Pancho sabay tapik sa balikat ko "Wala iyon, saka Charles nalang itawag nyo sa akin. Para naman sobrang tanda ko kung matawag nyo akong kuya." sabay ngiti "Thank you ulit Charles" halos sabay nilang sabi Nagsimula na ang laro at pare parehas na kaming nakatutok sa mga monitor ng computer. Halos kalahating oras din ang itinagal ng laro at kami ang itinanghal na panalo pagkatapos ng laban. "Ayos!" nag high five kaming tatlo dahil hindi na mababawasan ang hawak namin pera. Dumaan si Mario, at binigay kay Charles ang napanalunan namin. "O, andito pala kayong dalawa. Hindi na namin kayo naantay kaya ayan talo tuloy kami kila Charles" banggit niya "Okay lang Mario, nakahabol kami. Isinali kami nito ni Charles. Kaya amin na yang natalo ninyo. heheh" sambit ni Pancho "O sya, mauuna na ako at baka madamay pa ako sa gulo ninyo" anjan na ang kontrabida Hindi namin pinansin ang sinabi ni Mario dahil akala namin ay dumating ang nagsisiga sigaan sa computer shop. Inabot ni Charles sa amin ang tig 100 na napanalunan sa pustahan. "Thank you, sa partisipasyon. Sa susunod na laro ulit ha" sabi niya habang nakatitig sa gitna namin ni Miguel Hindi maipinta ang mukha niya dahil mukhang nakita nito ang pag abot sa amin ng pusta sa laro. " Sabi ko na nga ba andito na naman kayo!" Itinaas niya ang kamay sa kaliwang tenga ni Miguel at sa kanan tenga naman ni Pancho  "Kanina pa ako nagtetext kung nasaan kayo at wala akong reply na natatanggap, so nagsugal na naman pala kayo." ika ng babae na sa tingin ko ay mas panganay sa dalawa "Aray" halos sabay na sabi ng dalawang nahuli Napangiti ako sa pagkasungit ng babaeng to. Tama nga naman na nagsugal kami at masama iyon. Napakamot ako sa batok "Sorry, inaya ko kasi silang sumali sa team namin kaya hindi nila nacheck ang phone nila. Charles nga pala." Inilahad ko kamay ko para magpakilala "Ate nila ako!" Sabay tapik sa kamay ko.. Agad naman bumalik ang mga kamay niya sa tenga nung dalawa at palabas na hinila sa tenga ang dalawa Hindi ko na nakuha ang pangalan niya. Sa susunod nalang siguro.Makakapaglaro naman kami in the future. Saktong pag lingon ko sa inupuan ni Pancho na may naiwan na cellphone. May palawit ito na P kaya sa tingin ko ay sa kanya ito. Pinulot ko ito at tumakbo palabas ngunit hindi ko na sila naabutan. Baka magkita pa naman kami sa susunod. Ako na ang bahalang dumiskarte
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD