Chapter 4

773 Words
Claudia's POV Makakabawi din ako sa mayabang na yon. Galit akong nakaharap sa salamin habang binubura ang nagkalat na lipstick sa bibig ko. "Clau?" Naghahalusinayson lang ba ako o may tumatawag talaga sa akin? Dalawang tao lang ang tumatawag sa akin sa ganoong paraan. "Clau?" may narinig akong hakbang sa hagdan paayat sa kwarto ko. ""Anna?" sigaw ko habang nakasarado ng bahagya ang kwarto ko. "Ako nga! May iba ka pa bang inaasahan bukod sa akin?" malawak ang ngiti niyang banggit habang umuupo sa kama ko "Wala naman. Anong meron?" tanong ko pa, mabuti at natapos ko ng linisin ang nagkalat na lipstik sa mukha ko .Iniabot niya ang maliit na sobre sa akin. "May event na nirefer sa akin para makaraket tayo. Diyan sa may kabilang bayan. Mukhang magtitipon ang mga negosyante at ang mga anak nila para sa darating na kaarawan ng isa sa mga binata ng mga Monte Alegre" paliwanag nya habang may pagkumpas ng kamay Hanga din ako sa mga diskarte ni Anna at sa mga kakilala nya. Hindi siya nawawalan ng raket kahit hindi naman talaga niya kailangan magtrabaho. Kung tutuusin pwede maihanay ang pamilya nila sa mga Monte Alegre sa karangyaan. Yan ang isa sa nagustuhan ko kay Anna, mapagkumbaba siya kahit mataas ang kalagayan sa buhay. Dahil hindi na nila kailangan pang maghanap ng permamenteng trabaho naghahanap siya ng mga event na pwedeng gawing raket. Bukod pa ito sa fashion booth na itinayo niya gamit ang mga naipon nya dati na pera galing sa mga raket niya nung kolehiyo pa lang kami. Mas matangkad siya ng 3 pulgada sa akin, mahaba ang mala Goldilocks na buhok dahil sa pangkulay, mapungay ang mata,malantik ang pilik at may kaputlaan ang kulay ng balat. Kung isa akong lalaki, gusto ko siyang ligawan dahil sa mabait ito at down to earth niya na personalidad. Pero matindi siya kung magalit lalo na kapag ang mga kaibigan na niya ang naagrabyado. "Ano sasama ka ba?" tanong niya "Anong araw ba yang event mo?" tanong ko pa "Sa susunod na biyernes. Andyan sa sobre yung ibang impormasyon.Pag may tanong ka tawagan mo lang ako." sagot niya sabay tayo sa kama ko at hinalikan niya ako sa noo. "Sure, ingat ka sa mga tambay diyan sa labas. Kumuha ka ng payong sa nay pinto at baka masunog ang balat mo sa sobrang init". pang iinis ko sa kanya "La La La La... Wala akong narinig" sabi niya habang pababa ng hagdan Parehas namin ayaw magpayong kapag sumisikat ang araw. Lalong lalo na kapag maulan. Madami kaming pinagkakasunduan ni Anna. Naalala ko tuloy nung nagkakilala kami Freshman palang kami nun at bagong salta sa Unibersidad na parehas namin napili. Hindi pa kami talagang magkilala. Dahil unang araw sa eskwela at wala akong kakilala, madalas akong magtanong sa kapwa ko estudyante. Papasok na ako sa gate ng University ng may nakita akong pulang kotse. Nakatigil lang iyon at sa labas ay ang isang dalaga na nahihiyang pumasok. "Dad, you need to support me for my dream. Wala na nga kayo lagi ni Mom tapos ayaw nyo pa akong papasukin sa University na nag ooffer ng gusto kong kurso." litanya nya sa lalaking tingin ko ay Papa niya "Anak, you dont need to do this. We can hire a designer then you can have all the dress displayed on your own botique. You don't need to study here. We can let you fly abroad" pagpapaliwanag ng Dad niya "Dad, you know me. I will not give up on this. Its either you let me study here or i will do it on my own way." pagmamatigas pa niya "Ok. Fine, just take care of yourself. You know that we are OA pagdating sayo cause you are our only daughter." mahinang sabi ng lalaki "I'll see you at home then." sabay halik sa pisngi ng Dad niya Dumiretso na siya ng gate at pumasok. Pang 3rd floor parehas ang college namin, nalaman ko dahil sa id lace na gamit nya. ARTS ang nakalagay doon. Pumasok na din ako pagkatapos kong makinig sa usapan nila. Sabay kaming pumasok sa elevator at pinindot ko ang 3 na button. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya sa salamin sa pinto ng elevator. Ngumiti din siya pabalik sa akin. "TING" sabay kaming lumabas ng elevator. Hinawakan nya ang kamay ko habang humahakbang at sinabi nyang "alam mo feeling ko magiging friends tayo." sabay ngumiti siya ng malawak Nginitian ko siya at tumango lang din ako sa kanya. Sabay kami na pumasok sa una naming subject. Humanities 101. Medyo may katandaan na ang aming professor pero magaling pa din siya magpaliwanag ng tinuturo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD