CHAPTER 15 S/N: Warning. LUNA "Hindi ba magagalit si Dylan kapag nalaman niya na kasama mo ako ngayon?" Sabi ni Camille habang iniinom ang cappuccino niya. Inaya ko kasi siyang gumala dahil namiss ko siya ng sobra. Napatawad ko na siya sa ginawa niya although alam kong ramdam niya na may lamat na ang samahan namin. At isa pa, gusto kong mapatunayan niya na wala na nga siyang pagmamahal kay Dylan. "A thing he doesn't know won't hurt him." Nakangiti kong sabi. Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon at sinagot nang makita ang pangala ni Dylan. "H-Hi, D." Malambing kong sabi. "What are you doing? Bakit ang ingay diyan?" "Hm, I'm at the mall." I said. "Who's with you?" Napatingin ako kay Camille na ngayon ay nakatingin din sa akin at nakikinig sa usapan n