CHAPTER 14 LUNA Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin kay Camille. Parang nananaginip pa ako. Malakas ang kabog ng aking puso. "Camille.." "One and only." Nakangiti nitong sabi. Itinulak nito ang gate para makapasok ito sa loob. Pinagmasdan niya ang buong bahay. Humarap ito sa akin. "Where's Dylan?" Tumikhim ako. "Nasa office niya." Tiningnan niya akong mabuti. Nilabanan ko ang titig niya. "Good. I want to talk to you, Luna." Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napalunok ako dahil seryoso ang kanyang boses. Ito na ba ang kinatatakutan ko? Isinara ko ang gate at iginaya ito papasok sa loob ng bahay. Agad itong umupo sa sofa at inalis ang scarf sa kanyang leeg. "Ang init pa din sa Pilipinas." She sighed. Inayos ko ang rosas na bigay ni Dylan sa vase, napunta roon ang