CHAPTER 12 LUNA "Susunduin kita." Maawtoridad na sabi ni Dylan sa kabilang linya. Pumunta kasi ako sa isang branch ng salon dahil matagal ko ng hindi nabibisita ang salon. "'Wag na. Alam kong madami kang ginagawa dyan sa office." Sabi ko. Kinawayan ko ang taxi na dumaan at huminto iyon sa harap ko. "I'm okay." "Well, I'm not. Coding ang sasakyan mo, I'm not comfortable of you commuting." Huminga ako ng malalim. Nakasakay na ako sa taxi. "I've done this so many times, D." "I'm on my way." Narinig kong tumunog ang makina ng kotse nito. "Huh? Nakasakay na ako ng taxi." "Edi bumaba ka." Napanguso ako nang mapansin ang pagkairita ang pagkairita sa bosea nito. "Bumalik ka ulit sa boutique." "Pero 'yung office works mo." Okay. Nagpapakipot pa ako. Arti. "All I have there are f-cking use