CHAPTER 11 LUNA "Tapos nung lumuhod na ako at nag-propose, hinimatay ang Mama mo. Grabe ang panic ko noon. Akala ko kasi, hindi ko na siya mapapakasalan." Kwento ni Papa. Simula nung magkabati kami, wala ng tigil ang kwento niya. Dito na kasi ako nagpalipas ng gabi dahil binantayan ko si Papa. Hinintay kong magpunta si Dylan pero wala e, umasa lang ako na pupunta siya. "'Yun pala, buntis na siya sa inyo noon. Wala na siyang karapatang tumanggi syempre." "Pinikot mo pala si Mama, 'Pa." Sabi ko at inakma sa kanya ang kutsarang may lamang sabaw. Sinubo niya iyon bago pa magsalita. "Hindi ah. Siya nga nag-i-insist na mag-ano kami, e." "'Pa naman." I laughed. "Kamukhang-kamukha mong tumawa si Avery. Nawawala din ang mata n'un kapag tumatawa, e. Sobrang singkit kasi." Hinaplos nito ang pis