CHAPTER 8 LUNA "W-Wife?" Nauutal kong sabi. My heart begun to race. Please, 'wag sana nyang bawiin ang sinabi nya. Tumaas ang isang kilay ni Dylan na parang sinasabing wala namang masama sa sinabi nya. "What? Asawa naman talaga kita, a." "Alam ko, pero-" "Daming arte. Tara na!" Nagpadala ako sa hila niya hanggang sa mahinto kami sa harap ng jetski. Nilingon ako nito at bumaba iyon sa damit ko. Hinarap niya ako sa kanya at hinawakan ang jacket na tumatakip sa akin. Nais kong magprotesta ngunit sa sobrang bilis ng pangyayari, natanggal nya agad ang jacket ko. "Let's get rid of this. Yeah.. That's better." Ngumiti ito ng nakakaloko. Namula ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil tanging itim na two piece nalang ang suot ko. Nanindig ang balahibo ko nang dahan-dahan nitong haplusin ang aking