CHAPTER 7 LUNA Napaungol ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo . Kaunti lang naman ang nainom ko kagabi, a. Bakit ganito siya kasakit? Pabangon na sana ako pero may mabigat na bagay ang pumigil sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko kaagad ang natutulog na si Dylan. Nakayakap ang braso nito sa bewang ko at nakadagan ang hita sa hita ko. Anong ibig sabihin nito? Sa tabi ko natulog si Dylan?! M-Magkatabi kami at n-nakayakap siya sa akin. Nanaginip ba ako?! "Maaga pa." Ungol nito. Mas isiniksik pa nito ang ulo sa leeg ko. Nanindig ang balahibo ko dahil ramdam ko ang init ng kanyang hininga roon. Parang nawala bigla ang sakit ng ulo ko. "D-Dylan?" "s**t!" He cussed. Napatayo siya bigla. Hindi niya ako tiningnan. Natataranta niyang binuksan nito ang pinto ng balkonahe at lumabas doon. Umupo