Chapter 15

1409 Words

"Inang reyna? Ano kayang pinag-uusapan nina Harris at Daddy?" "Shh... Huwag kang maingay, baby Pinky. Hindi ko sila marinig." "Hindi ba puwedeng pumasok tayo sa loob? Ang daya naman nila. May sekreto ba silang malupit?" "Shh..." Mariin na idinikit ng mag-ina sa pinto ng library ang kanilang mga tainga. Kasalukuyang nag-uusap si Harris at ang daddy ni Pinky. Araw ng Sabado. Nagyayang mag-date si Harris. Pero bago mangyari 'yon, kailangan niya munang dumaan sa butas ng karayom, este sa mga kamay ng ama ni Pinky. Siyempre first date ng nag-iisa nilang prinsesa, kaya dapat espesyal. "Ano ba 'yan. Nagbubulungan lang yata sila sa loob e. Wala akong marinig, baby Pinky." "Ako nga d'yan, inang reyna. Tabi ka muna." Gumilid si Nisyel at pinagbigyan ang anak. Pilit silang nakikinig sa maliit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD