Fuschia gasped in surprise. Si Dark Blue at Dark Red ay muntik nang magkauntugan sa pagkabigla. Ngunit ang pagkatulala ni Harris ay winner na winner. Parang nasa pelikula na biglang nagkaroon ng director's cut, tapos aabangan na lang ang susunod na kabanata kinabukasan. Sino ba naman ang hindi matutulala kung bigla na lang dumilat 'yung pasyenteng ilang linggong natulog, tapos hihingi ng tubig? Wala man lang moment of silence, o 'di kaya 'yung iyakan effects pagkatapos ng napakahabang mga araw. Oh well, isa nga palang alamat si Pinky. Hindi kaya siya ang kahuli-hulihang endangered species sa mundo? "B-bee.... y-you're awake..." sa wakas ay naibulalas ni Harris nang matauhan sa pagkabigla. Ngunit tiningnan lang siya nito na parang hindi siya kilala. "T-tubiiiiiig!" muling tili nito. Napa