"Kelan kaya siya magigising? I missed her..." Malungkot na nangalumbaba si Fuschia sa gilid ng kama ng kanyang kaibigan. Pitong linggo na ang nakalipas magmula nang mangyari iyon kay Pinky pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. She's in coma. "Kray, gumising ka na, oh..." pakiusap niya rito. Nakabenda ang ulo nito at nakakabingi ang katahimikan sa kanyang silid na tanging tunog lang ng monitor ang namamayani sa loob. Si Harris naman ay tahimik lang na nakatitig sa nobya. Malalim at napapalibutan ng itim ang kanyang mga mata, halatang wala itong pahinga. He has been attentive to Pinky, hindi niya ito iniiwan kahit saglit lang. Halos tumira na rin siya sa ospital sa loob ng pitong linggo. Nababalot sila ng kalungkutan. Tila ba sabay-sabay silang napilayan. Harris couldn't