Habang nasa probinsya ay sinulit ni Jean ang mga araw para maipasyal si Yago sa bayan nila. Nagtungo din sila sa may dagat. Hindi man ganoong ka unlad ang beach na tinungo nila ay masasabi ni Yago na napakaganda sa lugar na iyon. Lalo na at sobrang presko ng hangin.
Ngunit hindi rin naman sila nagtagal. Dahil ayaw maligo ni Yago. Paano bang maliligo si Yago? Kaya kahit anong pilit ni Jean ay hindi nito napilit ang kasintahan. Kaya naman nakuntento na lang silang pagmasdan ang paglubog ng araw, habang nakatingin sa malawak na karagatan.
"Magandang gabi po, inay, itay," tawag ni Jean sa mga magulang ng makauwi sila. "Ang dalawa pong isip bata?" tanong pa ni Jean na ikinasimangot ni Jeanna ng makalabas ito galing sa loob ng tindahan.
"Ang sama ng ugali ng ate ko Kuya Yago noh? Tapos nagkagusto ka dyan?" pag-aasar ni Jeanna na ikinatawa na lang ni Yago.
"Magandang gabi anak, sa iyo din Yago," saad ng kanyang itay na lumabas mula sa loob ng bahay. "Ang iyong inay ay nasa kusina at nagluluto na ng ating panghapunan at tinutulungan ni Apollo."
"Ganoon po ba? Ako na lang po ang tutulong sa inay," binalingan naman ni Jean si Yago na nakaupo sa isang pang-isahang silyang kawayan. "Dyan ka na lang muna at makipagkwentuhan sa itay. Ngunit wag kang makikinig kay Jeanna. Sure na sisiraan lang ako ng isip bata na iyan," pang-aasar ni Jean sa kapatid na ikinasimangot nito.
"Ay itay. Kung makapagsalita si ate," sumbong pa ni Jeanna. Napuno ng tawanan ang balkonahe bago pumasok si Jean sa loob ng bahay.
"Doon ka na sa labas Apollo ako na ang tutulong kay inay."
"Sure ka ate?"
"Oo naman, mamimis ko ang magluto dito sa kusina natin, lalo na at aalis na ulit ako bukas. Tapos na ang bakasyon. Nandoon na ulit ang tawag ng trabaho," paalala ni Jean sa kapatid na agad naman naiintindihan nito.
Lumapit naman si Jean sa kanyang inay at niyakap ito ng mahigpit. "Mamimiss ko kayo inay."
"Ano ka bang bata ka? Kami din ay mamimiss ka namin. Kahit si Yago ay mamimiss namin. Hindi ko akalaing makakatagpo ka ng ganoong lalaki anak. Napakabait na bata ni Yago. Napakaswerte ng mga magulang niya sa batang iyon, pati na rin ang mga kapatid niya."
"Totoo po iyon inay. Hindi lang po ako sigurado talaga kung totoong sampu ang kapatid ni Yago. Iyong kaibigan lang naman po ni Mr. Y ang nagsabi noon. At kahit ang probinsya nina Yago hindi ko alam. Pero alam kong mabait si Yago. Isa na pong patunay ang yaya ni Mr. Y na kahit po si Yago ay parang anak na rin kung ituring nito."
"Mabuti kung ganoon anak. Hindi na ako mag-aalala kung sakaling bumalik man kayo ng Maynila. Dahil napapaligiran ka ng mga mabubuting tao. Isa pa kasama mo pa si Yago."
"Naman ang inay, salamat po at approve sa inyo si Yago. Dahil sa kabila ng pakiramdam ko ay minumunti ni Yago ang sarili niya dahil sa nasa mukha niya ay tanggap ninyo siya. Kayong lahat."
"Anak naman. Walang mapanghusga sa pamilya ng mga Carandang. Bata pa lang kayo ay pinangaralan na namin kayo ng kabutihang loob, at huwag maging mapangutya. Kaya naman natutuwa ako sa inyong magkakapatid. At masaya ako para kay Yago. Hindi hadlang ang itsura niya para mahalin. Ay nakakatuwa nga at kahit hilaw pa ay magkakaroon ako ng anak na six footers. Hindi tayo nabiyayaan ng tangkad anak eh. Mabuti pa nga ang mga kapatid mo. Mukhang nagmana sa itay ninyo. Pero tayo."
Napuno ng malakas na tawanan nilang mag-ina ang kusina. Hindi nila napansin ang apat na bulto na papasok sana sa loob ng kusina para makigulo sana sa paluluto nila. Ngunit dahil sa kanilang narinig ay hinayaan na lang muna nila ang moment ng mag-ina. Matagal na kasi bago maulit iyon. Pagnagbakasyon ulit si Jean galing sa trabaho sa Maynila.
Madaling araw pa lang ay gumagayak na si Jean at Yago para sa pagbalik nila ng Maynila.
"Mag-iingat kayo sa byahe ha. Yago ingatan mo itong anak namin. Malayo siya sa amin kaya sayo namin siya ipagkakatiwala. Palagi kayong mag-iingat sa Maynila, at sa trabaho ninyo," bilin pa ng kanyang inay sa kanila.
"Palagi kang tatawag anak ha. Mag-ingat sa pagmamaneho Yago. Ipaalam kaagad ninyo pag nasa Maynila na kayo, at pag nasa bahay na ng pinagtatrabahuhan ninyo kayo," saad naman ng kanyang itay.
"Ingat kayo ate. Kuya Yago mahalin mo si ate ha," birong totoo ni Jeanna.
"At bigyan agad ninyo kami ng pamangkin," sabat naman ni Apollo na ikinalaki ng mata ni Jean. Habang si Jeanna ay halos mautot na sa kakatawa.
"Bastos na Apollo iyon. Napakawalang hiyang kapatid. Magtatrabaho ako sa Maynila mga kapatid kung isip bata hindi kami magpapakasal ni Yago. Mga pasaway," banat naman ni Jean na kahit ang mga magulang niya ay natawa. Pati na rin si Yago na kanina pa pinipigilang tumawa.
"Wag mo ng pigilan ang tawa at utot din yan mamaya sige ka," ani Jean at natawa na ng tuluyan si Yago.
"Kahit paalis ka na anak at matagal ka na ulit bago bumalik dito, ay hindi ko naramdaman ang malungkot sa mga oras na ito. Kayo talagang magkakapatid," saad pa ng kanyang inay.
"Mahal na mahal ko po kayo. Inay, itay aalis na po kami. Kayong dalawa wag kayong pasaway sa itay at inay ha. Wag matigas ang ulo, at mag-aral ng mabuti."
"Opo ate, ikaw din mag-ingat ka sa Maynila kami na ni Kuya Apollo ang bahala sa inay at itay."
"Oo nga ate, ako na ang bahala dito. Mag-ingat ka doon. Kuya Yago ikaw na bahala kay ate."
Niyakap pa ni Jean ang mga magulang at mga kapatid bago tuluyang magpaalam. Sasakay na sana siya sa passenger seat ng kotse ng humahagos na dumating si Cathy at ang inay nito.
"Jean!" malakas pang tili ni Cathy ng mayakap siya. "Mamimiss kita. Hindi man lang tayo nakapagbonding. Madaya kasi sa remittance center na pinagtatrabahuhan ko. Hindi man lang ako nabigyan ng day-off lalo na at noong isang araw pa nakaleave iyong kapalitan ko dapat, may sakit daw."
"Hayaan mo na, madami pang susunod pag-uwi ko ulit. Malay mo magkaroon ka na ng day off. Magbonding tayo, mula umaga hanggang gabi paabutin pa natin ng madaling araw. Tayo lang dalawa," ani Jean kaya naman biglang naexcite si Cathy.
"Gusto ko yan, basta bago ka umuwi sabihin mo kaagad sa akin at ng makapagpaalam ako ng maagap sa trabaho. Miss na miss talaga kita ng sobra."
Napatingin naman si Cathy kay Yago. Nagkakilala na rin naman ang dalawa noong unang tapak ni Yago sa lugar nila. "Ingatan mo ang kaibigan ko ha. Sinasabi ko na nga bang iba ang titigan ninyong dalawa. May something. Pero nakakatuwang bago kayo umalis dito ay alam na namin ang relasyon ninyo. Nakakatuwa lang. Stay healthy sa relationship ninyo and stay in love sa isa't-isa."
Isang ngiti naman ang naging tugon ni Yago sa sinabing iyon ni Cathy.
Niyakap namang muli ni Cathy at Jean ang isa't-isa, ng mapatingin sila sa kapitbahay na kay aga-aga ding gumising para maki-tsismis sa pag-alis nila.
"Wag mo silang pansinin. Ngayon lang sila nakakilala ng lalaking kasing tangkad ni Yago mo, kahit ako," napahagikhik pa si Cathy at muling pinasadahan ang height ni Yago. "Napakatangkad," puri pa nito.
Natawa na lang si Jean sa inasal ng kaibigan. Napailing na lang din si Yago dahil nakita nito ang pagsuri ng kaibigan ni Jean sa height niya. Muli ay nagpaalam ulit sila sa mga magulang at mga kapatid ni Jean. Pati na rin sa kaibigan niyang si Cathy at sa inay nito.
Maliwanag na at nasa daan pa rin sila. Tahimik lang si Jean habang nakaupo sa passenger seat. Hindi niya malaman kung bakit siya kinakabahan sa pagbalik nila ng Maynila.
"You okay?" malambing na tanong ni Yago. Hindi talaga malaman ni Jean kung bakit ibang tao talaga ang naiisip niya pagnag-i-Ingles ito.
"Oo naman. Kaya lang, ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Alam mo iyong pakiramdam na nasanay na akong ikaw, si Yaya Constancia at si Mr. Y lang ang nakakasalamuha ko. Tapos magkakaroon ng bisita si Mr. Y sa bahay pa nila mismo. Kinakabahan ako," hindi na mapigilang pag-amin ni Jean.
"Don't worry about that. I'm always here for you. Nandoon lang din si Yaya Constancia."
"Sabagay tama ka. Syempre gagawin ko lang ang dapat kong gawin bilang katulong at susunod lang ako sa mga ipinag-uutos nila. Kaya tama ka hindi ako dapat mag-alala. Kaya lang sana mababait sila. Si Mr. Y kasi masungit lang, pero hindi naman nakakatakot."
"Hindi ka talaga natatakot kay Mr. Y?" nandoon ang lambong ng pang-aasar sa boses ni Yago na ikinanguso ni Jean.
"Nakakainis ka naman eh. Syempre natakot din naman ako. Noong akala ko ay mapapalayas na ako ni Mr. Y. Nagkasakit pa siya noong ikalawang beses kong mahampas ng walis."
"That will not gonna happen. Mr. Y will not kick you out in his house, just trust me. Even if you hit him with a broom over and over again," natatawang saad ni Yago kaya napakunot noo siya.
"Paano mo naman nasabi? Close kayo? As in sanggang dikit ba kayo?"
"Na ah. Basta hindi ka niya palalayasin. Pero wag mo namang gawing araw-araw ang pananakit at masakit naman iyon talaga." Napangiwi pa si Yago na sa tingin ni Jean ay parang ito ang nasasaktan.
"Hindi ko na iyon uulit noh. Ikaw talaga," aniya na ikinatawa nito. "Pero salamat ha. Kahit papaano medyo nawala ang kaba ko."
Isang tango lang ang isinagot ni Yago ng mapansin ni Jean ang pagbusina ni Yago sa tapat ng isang malaking bahay. Malaki iyon na halos kasing laki ng bahay ni Mr. Y.
"Ito ba ang bahay nina Mr. Y?" hindi mapigilang tanong ni Jean na ikinatango ni Yago. "Sino ang magbubukas ng gate, ako na lang ang bababa. Hindi kaya hinahanap na ni Mr. Y ang kotse niya?"
"Wag ka ng bumaba. Wala dyan ang pamilya ni Mr. Y. Si Dale at Yaya Constancia lang ang tao ngayon dyan sa mga oras na ito. Ang asawa ng tito ni Mr. Y at ang mga anak nito ay nasa mall. Ang tito ni Mr. Y at ang ampon nila ay nasa itinayong negosyo ng mga ito," paliwanag ni Yago ng lumabas si Yaya Constancia mula sa loob ng bahay para pagbukasan sila ng gate.
"May ampon sila?"
"Oo si Tita Harlene, anak ng best friend niyang namatay si Hareya." Napakunot noo si Jean ng tawagin ni Yago na Tita Harlene ang asawa ng tito ni Mr. Y.
"Anong sabi mo? Tita Harlene?" ulit ni Jean sa sinabi ni Yago. Malinaw ang pandinig niya at hindi siya maaaring magkamali.
"Yes Tita Harlene ni Mr. Y. Bakit may mali ba?"
Kahit si Yago ay nagulat sa sinabi niya. Hindi naman niya mabawi dahil maaaring lalong magduda si Jean. Kaya hinayaan na lang niyang ito na lang ulit ang magsalita.
"Ah, akala ko sinabi mo Tita Harlene lang."
"Kasi nga Tita Harlene iyon ni Mr. Y. Paano ko ba ipapakilala, palaging may tito or tita ni Mr. Y. Tayo lang namang dalawa ang magkausap kaya pwede na iyon," kakamot-kamot pa sa ulong paliwanag ni Yago.
"Sabagay nga," aniya at napahagikhik pa siya. Saktong katitigil lang ng sasakyan kaya iniwan na kaagad ni Jean si Yago at mabilis bumaba ng kotse at tinungo si Yaya Constancia.
Sinalubong naman siya ng yakap ng matanda. Kahit ilang araw lang na wala sila ay namiss talaga niya ito.
"Halika na sa loob at ayusin mo muna ang gamit mo ng maituro ko sayo ang bawat parte ng bahay, pati ang magiging kwarto mo."
"Sige po yaya, isa pa ay madami po akong pasalubong sa inyo. Nagluto po ng kakanin ang inay kaya po nagdala ako."
"Ganoon ba halika na sa kusina."
"Paano po si Yago? Alam na po ba niya ang pasikot-sikot dito sa bahay? Si Mr. Y nasaan?" tanong ni Jean na nagpatigil kay Yaya Constancia.
"Si Yago, si Dale na ang bahala sa bata na iyan. Si Mr. Y. Nasa business trip sa mga oras na ito. Kaya hindi pa sila nagpapangita ng pamilya ng tito niya," paliwanag ni Yaya Constancia ng lumabas si Dale mula sa kusina at may bitbit na dalawang tasa ng kape.
"Si Yago," tanong nito na si Yaya Constancia na ang sumagot.
Lumabas na rin si Dale at naiwan sila doon ni Yaya Constancia. Hindi na rin siya muling nagtanong pa. Sayang lang at hindi pa nakikita ni Mr. Y ang pamilya dahil sa business trip nito.
Napangiti naman si Jean ng makita ni Yaya Constancia ang dala niyang mga kakanin. Kahit si Jean ay napakape na rin at sinabayan si Yaya Constancia.
Binigyan din nila si Yago at Dale na nagkakape sa labas sa may garahe bago siya muling bumalik sa kusina.
Kahit papaano ay mas lalong nawala ang kaba ni Jean. Lalo na at wala pa doon ang mga bagong boss na nadagdag na kanyang paglilingkuran.