Gabi na ng may dumating na sasakyan sa tapat ng gate. Nakailang busina din ito, kaha mabilis namang lumabas si Yaya Constancia para pagbuksan ang mga dumating. Dalawang kotse iyon na magkasunod.
Nasa kusina lang si Jean at nakasilip lang sa may bintana kaya nakita niyang dalawang kotse ang dumating. Pero mula sa garahe ay hindi na niya kita kung sinu-sino ang mga iyon.
Bumalik din naman kaagad si Yaya Constancia. Mabuti na lang at tapos na silang magluto. Kaya naman tinulungan na lang niyang maghayin si Yaya Constancia.
"Nakita ko ang kotse ni Yahir sa labas Constancia, nasaan siya?" tanong ng isang baritonong boses. Medyo nakakatakot ang tinig nito dahil may kalakihan.
"Manang Constancia, where is Yahir?" ani ng isa pang tinig ngunit may kaartehang taglay.
Mula sa bungad ng pintuan ng dining area ay tumambad kay Jean ang mukha ng isang may edad ng lalaki. Hindi naman ito sobrang tanda lalo na at napakafirm pa rin ng pangangatawan. Sa tingin niya ay nasa mid-fifties lang ito. Habang ang babae ay halos kasing edad lang ni Mr. Y at Yago.
Kitang-kita niya ang pagiging sopistikada ng babae. Kung itatabi siya dito ay magmumukha lang siyang basahan. Literal prinsesa ito habang siya ay literal na katulong laman.
"Wala pa si Y, Hector. Si Dale ang may dala ng kotseng iyon. Alam naman ninyong umalis si Y noong isang araw pa. Hindi naman kasi kayo nagpasabi na uuwi na kayo kaagad. Hindi naman maiipagpaliban ang alis niya." Napatango na lang ang lalaki sa sinabi ni Yaya Constancia. Habang napanguso naman ang babae.
Napakunot noo naman si Jean sa sinabing iyon ni Yaya Constancia. Bakit kailangan nitong pagtakpan na silang dalawa ni Yago ang gumamit ng kotse ni Mr. Y. At nasaan ba si Yago? Kanina pa niya itong hindi nakikita.
"Bakit po iyon ang sinabi ninyo, tungkol sa kotse ni Mr. Y di ba po ay..." bulong ni Jean na sila lang dalawa ang nakakarinig.
"Di ba si Dale ang nagpagamit sa inyo ng kotse ni Y. Kaya naman pananagutan talaga ni Dale ang kotseng iyon. Hindi pwedeng sabihin na kayo ang sakay doon ng dumating iyan dito. Mahirap na baka pag-initan nila tayo. Alam mo na special treatment. Mahirap Jean," paliwanag ni Yaya Constancia na naiintindihan naman niya. Tama pa rin lang talaga na ganoon na lang ang sinabi ni Yaya Constancia.
"Sino siya manang," sabay turo ni Hareya kay Jean. Sinuri pa nito ng tingin si Jean mula ulo hanggang paa, habang nakataas ang kilay.
"Siya ang makakasama ko dito sa bahay. Siya ang ipinadala ni Y na makakatulong ko dito sa mga gawaing bahay. Si Jean po pala."
"Ganoon ba? Sige po, hindi po pala ako kakain. Pakidalahan na lang ako sa kwarto ko Jean ng fresh orange juice. No need to add sugar I'm on my diet. Pakibilisan na rin," anito at tinalikuran na sila.
Nasundan na lang na tingin ni Jean ang babae bago mabilis na sinunod ang ipinag-uutoe nito.
"Kakain na ba kayo? Nasaan ang asawa mo Hector?" dinig niyang tanong ni Yaya Constancia sa lalaking nagngangalang Hector.
Kahit naman hindi niya tanungin alam na niyang ito ang tito ni Mr. Y habang ang babaeng Hareya ang pangalan ay ang ampon ng mga ito.
"Sa library muna ako Constancia pakidalahan na lang ako ng kape," anito at tinalikuran na sila.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jean ng makaalis ang dalawa. "Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko sa kamag-anak ni Mr. Y, Yaya Constancia?"
"Hindi ko rin alam Jean. Ganoon din ako kay Hector at kay Hareya. Pero mabait ang asawa ni Hector at ang mga anak nito," ani Yaya Constancia ng masayang pumasok ang mag-iina.
"Nakaluto ka na kaagad Yaya Constancia? Ang dami naman po," masayang saad ng isang babaeng halos bata lang sa kanya ng ilang taon. Kasunod din nito ang isang lalaki na halos kasunod lang siguro ng edad nito at ang alam niyang tita ni Mr. Y.
"Kakain na ba kayo? Nakahayin na rin lang naman. Nagpapatimpla ng kape ang asawa mo Harlene si Hareya naman ay nagpapadala ng orange juice sa kwarto niya. Maiwan muna namin kayo dyan at dadalahin lang namin ang ipinag-uutos nila.
Isang nakakaunawang ngiti ang isinagot ni Harlene sa kanila, bago sabay sila ni Yaya Constancia na lumabas ng kusina.
Tumuloy si Yaya Constancia sa may library habang si Jean ay sa second floor kung saan nandoon ang kwartong gamit ni Hareya.
"Pasok," anito matapos siyang kumatok ng tatlong beses. Nakita pa niya ang babaeng nakahiga sa kama habang suot ang napakanipis na damit. Napalunok pa si Jean ng mapansing halos wala ng matakpan sa katawan ng babae sa nipis ng suot nito. Kahit yata maseselang parte ng katawan nito ay lumilitaw sa halos transparent na suot nito.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng mala-dyosa ang katawan," mataray nitong saad ng ibaba niya sa side table ang orange juice na dala niya.
"Sorry po Ms. Hareya. Ito na po ang juice ninyo."
"Saan ka bang basurahan napulot ni Yahir. Pero once na maging mag-asawa kami ni Yahir, papalitan ko kayo ni Yaya Constancia. Lalo na at matanda na si Constancia kailanganna nitong mgpahinga. Isa pa ayaw ko sayo. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi kita gusto," anito na may halong pagbabata ang tinig habang nakangisi sa kanya.
Baliwala naman sa kanya ang sinabi nito. Kung tungkol lang sa kanya. Ngunit kung si Yaya Constancia ang mawawalan ng trabaho siguradong hindi iyon pahihintulutan ni Mr. Y. Anak na at apo ang turing ni Yaya Constancia kay Mr. Y. Maaaring patigilin na ito ng trabaho ni Mr. Y. Ngunit alam niyang hindi nito hahayaang malayo si Yaya Constancia dito.
"Labas na!" utos nito na ikinagulat niya. "Wala na akong kailangan sayo kaya lumabas ka na. Bilis," inis pa nitong sambit kaya nagmadali na siyang kumilos.
Napailing na lang si Jean ng makalabas siya ng kwartong iyon. Unang paghaharap pa lang nila, alam niyang hindi mabuting tao ang babaeng iyon.
Pababa na siya ng hagdanan sy nakita naman niya si Yago na papasok sa loob ng bahay. Nakangiti naman itong sinalubong siya.
"Saan ka galing? Hindi na kita nakita mula kanina," bati ni Jean kay Yago ng hindi niya naiwasan ang mabilis na paghalik ni Yago sa kanya ng makalapit ito.
Bago pa siya makareklamo ay nakapormal na ito ng tindig na wari mo ay walang ginawang pagnanakaw ng halik sa kanyang labi.
"Magaling ka rin eh."
"Kaya nga girlfriend na kita kasi magaling ako," bulong pa nito sa kanya.
"Sira."
"Si Yaya Constancia?"
"Baka nasa kusina na. Nandyan na ang tito ni Mr. Y nasa library, iyon Hareya nasa kwarto niya sa taas. Dinalahan ko ng juice. Iyong tita ni Mr. Y at mga anak nito nasa dining kumakain na yata sila.
Sabay na silang naglakad patungo sa dining room. Naabutan nilang kumakain na nga ang mga ito habang inaasikaso ni Yaya Constancia.
"Yaya Constancia," tawag pansin ni Yago kaya napatingin sa kanila ang mag-iina.
Napasinghap naman ang anak ng tita ni Mr. Y ng makita si Yago. Mabilis itong umalis sa pagkakaupo at nilapitan sila.
"I'm sorry to asked this stupid question kuya. What happen to your face? Since birth ba iyan?" curious na tanong nito na ikinangiti naman ni Yago.
Napansin din naman ang pangiti ng tita ni Mr. Y sa naging reaction ni Yago.
"Sorry if I couldn't want to tell you. It's complicated," sagot ni Yago.
"Halene maupo ka na rito at kumain ka na," tawag ng ina. "Kayo po ba? Yaya Constancia, ikaw hija, hijo sumabay na kayo ng pagkain sa amin. Sigurado namang hindi na bababa pa si Hareya para kumain. Si Hector naman ay siguradong hindi na iyon lalabas ng library. Kaya sabayan na ninyo kami. Pagpasensyahan mo na rin hijo ang anak ko sa tanong niya sayo."
"Wala po iyon."
Pinagmasdan lang ni Jean ang ginang ng ito pa mismo ang tumayo para kumuha ng tatlong plato, at ito na ang nag-ayos ng hapag. Habang naglalagay ito ng kutsara at tinidor ay nagkukwento ang ginang. Na hindi nito mapilit si Yaya Constancia na sumabay sa kanila. Pero ngayong tatlo na sila ay hindi talaga ito pumayag na hindi sila sasabay sa mga ito sa pagkain.
Matapos nilang maglagay ng kanin sa kanilang plato ay muling nagsalita ang ginang. "Nga pala nakalimutan ko ng magpakilala sa inyong dalawa. Ako nga pala si Harlene at ito ang dalawa kung anak si Hatex at si Halene. Tapos iyon nga si Hareya at ang asawa ko si Hector," pakilala nito sa kanila.
"Ako po si Jean, ang makakasama po ni Yaya Constancia dito sa bahay na katulong din po ninyo."
Napatingin naman si Yago sa ginang sa halip na magpakilala ay nginitian lang ito ni Yago. Kaya si Yaya Constancia na ang nagsalita.
"Harlene si Yago nga pala. Pasensya na at mahiyain talaga amg batang iyan. Siya ang sinasabi ni Dale na pwedeng maging personal driver ni Hector."
"Ganoon po ba manang. Yago sana ay matagalan mo si Hector. Napaka mainitin pa naman ng ulo ng isang iyon. Mabuti na nga lang at palaging napapakalma ni Hareya ang ama, kung hindi baka hindi ko na rin alam ang gagawin ko kay Hector."
Napatitig naman sila kay Harlene. Pakiramdam nila ay kay bigat ng kaloob nito sa asawa.
"Wag kang mag-alala mommy, nandito naman kami ni Halene kahit baliwalain na tayo ni daddy. Higit sa lahat kahit po ganoon si daddy nabibigay naman po niya ang mga pangangailangan natin," paliwanag ni Hatex.
"Tama ka anak. Sige na kumain na po tayo. Salamat din po manang, Yago at Jean, masaya akong makasabay namin kayo sa pagkain," saad pa ni Harlene.
Lihim namang napatingin si Yago sa tiyahin. Kita niya ang lungkot at hirap na dinaramdam nito mula sa asawa. Nararamdaman niyang may mali talaga sa nangyayari. At iyon ang aalamin niya.