Chapter 24

1558 Words
"Ate totoo bang gwapo ang boss ninyo ni Kuya Yago?" Napatigil sa pagmumuni-muni si Jean at napatingin sa kapatid niyang seryosong nakatingin sa kanya. Nakahiga na kasi sila sa kama sa kwarto nito. Ito ang ikalawang gabi na doon siya matutulog sa kwarto ng kapatid. Mula kanina ng sabihin nila sa pamilya niya ang relasyon nila ni Yago ay hindi na tumigil si Jeanna sa katatanong sa itsura ng boss niya. Lalo na at ilang beses sinabi ni Yago na gwapo si Mr. Y. Habang ang pakiramdam ni Jean ay nanliliit si Yago sa sarili dahil sa itim na balat na nasa pisngi nito. "Jeanna ha, ang bata mo pa." "Ate nagtatanong lang naman ako eh. Ilang beses ko din kasing nahimigan na parang kinukumpara ni Kuya Yago ang sarili niya sa boss ninyo. Dahil sa may itim siya sa mukha. Ano bang itsura ng boss ninyo?" pangungulit pa ni Jeanna na nagpabangon kay Jean mula sa pagkakahiga. "Gwapo si Mr. Y," panimula ni Jean at ikinuwento sa kapatid ang itsura ni Mr. Y sa pamamagitan din ni Yago. Sa kulay ng mata, buhok, height at kung ano pa ang maaaring ikumpara kay Yago. "Teka lang ate ha. Sino ba talaga ikinukwento mo? Si Kuya Yago o iyong si Mr. Y na boss mo. Halos parang si Kuya Yago din iyang ikinukwento mo eh. Maliban sa kulay ng mata, haba ng buhok at itim sa pisngi. Kuya Yago lahat," reklamo ni Jeanna. Napaisip naman si Jean sa mga sinabi niyang katangian ni Mr. Y sa kapatid. Iyon naman talaga ang totoo, ngunit kung babalikan niya ang mga sinabi niya sa kapatid. Parang si Yago talaga ang sinasabi niya. Bakit kahit halos magkapareho ang features ng dalawa. "Matulog ka na nga lang Jeanna. Ang bata-bata mo pa, lalaki na kaagad iyang tinatanong mo. Kahit boss ko iyon, lalaki pa rin iyon kaya matulog ka na," ani Jean at muling nahiga at tinalikuran ang kapatid. "Ang daya, nagtatanong lang naman. Manyapat may Kuya Yago na siya. Pero sa tingin ko napakaswerte mo ate kay Kuya Yago. Feel ko lang, may mali sa itim sa pisngi ni Kuya Yago." "Jeanna, ano na namang mali? Hindi ko alam yang mga sinasabi mo. Pero kung may manglalait kay Yago, nagsisikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako. Tapos ikaw na kapatid ko pa." "Wag oa ate ha. Hindi ko hinuhusgahan si Kuya Yago. Hindi ko din nilalait. Tanggap ko nga kaagad na maging brother-in-law si Kuya Yago. Ibig ko lang naman pong sabihin, parang hindi since birth iyong nasa pisngi niya. Hindi mo ba itinanong kung bakit mayroon siyang ganoon? Para kasing ang hirap eexplain eh. Parang hindi totoo," halos pabulong ang hulinh sinabi ni Jeanna kaya hindi narinig ng ate niya. Ayaw din naman niyang masasaktan ito, dahil lang sa pag-aakalang nilalait niya ang boyfriend nito. "Ito tunay ng talaga. Matulog ka na Jeanna. Wala akong balak magtanong. Ayaw kong maoffend si Yago, okay. Matulog ka na. Kung anu-ano pa iyang naiisip mo. Antok lang yan." Napakamot na lang ng ulo si Jeanna at umayos ng pagkakahiga. "Oo na po ate ko, tutulog na. Ibang klase in love talaga ang lola mo." Napangiti na lang si Jean sa sinabi ng kapatid. Hindi naman niya masaway ang bunsong kapatid lalo na at totoo namang in love talaga siya. Inlove siya kay Yago. Samantala, pagkapasok pa lang ni Yago ng kwartong inuukupa niya ay tumunog ang cellphone niya. Si Dale iyon kaya mabilis niyang inilock ang pintuan ng kwarto. Alam niyang wala namang papasok doon basta-basta. Ngunit ayaw niyang may makakarinig ng pag-uusapan nila ni Dale. "Bakit?" "Wala man lang hi or hello?" "G*go. Bakit nga?" "Nasa Pilipinas na sila. Kadarating lang nila kanina. Mabuti na lang at nakaalis na kayo kahapon. Akala ko sa susunod na buwan pa. Kaya lang nakakapagtaka ang pagmamadali ng tito mo na makauwi dito. Hindi ko na rin sila napuntahan sa airport. Mabuti na lang at nasa bahay na ninyo si Yaya Constancia at nakaalis na rin ang mag-asawang care taker doon." "Pasensya na Dale." "Wala yon, alam mo namang parang kapatid na ang turing ko sayo." "Kumusta naman sila sa bahay?" "Maayos naman. Maganda naman ang pakikitungo ng tita mo at ng mga pinsan mo kay Yaya Constancia. Maliban sa ampon ng tita mo. Pero ang tito mo kararating pa lang kung saan-saan na kaagad nagtutungo. Palagi nitong kasama ang ampon ng tita mo. Sabi ng tita mo ay may ka-business deal daw ang tito mo. Tapos isa din daw sa mapapagkatiwalaan sa mga ganoong bagay si Hareya kaya naman hinahayaan nitong makasama sa business ng tito ko ang ampon nila. At iyon din ang dahilan ng tito mo kaya mas pinili nila na magstay dito sa Pilipinas. May bubuksan silang isang malaking na shop ng branded na mga bags galing ibang. Ang ka deal nito ay ang supplier." "Mabuti kong ganoon. Kasi natututo na pala si Tito Hector na magbanat ng buto." "But I doubt it Y." "What do you mean?" "Hindi ko pa alam. Basta alam mo namang wala akong tiwala sa tito mo kahit ang daddy, mula ng mapabalitang bumagsak nga ang company ninyo. Ito pa, iyong company nila sa Germany mismo wala na rin. Ang natitirang pera sa bumagsak na kompanya ang ginagamit ngayon ng tito ko para sa pagbubukas ng bago niyang negosyo. See di ba kasasabi ko lang sayo matatag ang kompanya nila. Pero ngayon bumagsak na naman. Tapos dito naman magtatayo ng negosyo. Anong dahilan ng tito mo? Nakakapagtaka lang talaga." "Hindi ko alam ang sasabihin ko Dale," isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Y. Mahirap kumilos kung hindi niya alam kung paano siya kikilos. Lalo na at may banta din sa buhay niya. Halos nasa anim na buwan na ang nakakalipas mula ng makatanggap siya ng email mula sa kung sino man. Hindi iyon alam ng Yaya Constancia niya kahit si Dale walang alam lalo na at hindi niya masabi sa mga ito. Tuwing unang araw ng buwan ay nakakatanggap siya email sa iba't-ibang di kilalang email address. Iisa ang laman ng email, 'MAG-IINGAT KA.' Noong una akala niya nagkamali lang. Pero sa sunod-sunod na mga buwan ay nagdududa na siya. Hindi iyon isang simpleng mensahe. Sa tingin niya ay isang pagbabanta. Pinilit niyang hanapin kung sino ang sender, ngunit magaling magtago kung sino man iyon. Malinis ang pagkakasend. Wala siyang ma-trace kung sino ang sender, at kung saan iyon nanggaling. Gusto man niyang sabihin kay Dale, pero hindi pa sa ngayon. Bumalik sa diwa niya si Y ng magsalita muli si Dale. Hindi niya akalaing malayo na ang nilakbay ng isipan niya sa mga oras na iyon. "Sa susunod na linggo, umuwi na kayo ni Jean dito. Nangangailangan na ng katulong sa bahay ninyo. Isa pa kailangan ng tito mo ng tauhan. This is your chance Y. Bago ko makalimutan. Enjoy ka lang sa buhay sa probinsya. Magpakitang gilas ka sa mga in-laws mo." "G*go." "Mapanakit ka ha. Tingnan lang natin. Nakikita naman sa mata mo na may gusto ka dyan sa katulong mo. Kaya wag ka ng magkaila. Pag-iyan lang girlfriend mo na pag-uwi ninyo dito. May one million ako sayo. Deal," paghahamon ni Dale na hindi kaagad ikinasagot ni Y. Naalala na naman niya pag-amin ni Jean sa kanya. Iyon nga lang kay Yago, at hindi sa kung siya mismo. Hindi man si Y ang kasintahan ni Jean. Wala namang pakialam si Dale sa bagay na iyon. Lalo na at ang manggagantso, alam namang iisa lang naman sila. Si Y man siya, si Yahir o si Yago. "Hey, deal yan ha." "Hindi naman ako pumapayag ah." "Basta ang pusta ko, mahal mo si Jean. Ready your one million bro. Kasi ako ang mananalo. Iyon pa ang hindi magkagusto sayo. Mukhang ang laki ng pagkagusto kay Yago." "Ewan ko sayo g*go ka talaga." "Hindi na ako masasaktan sa sinasabi mo. Mahalaga may pandagdag na naman ako sa pera ko sa banko. Money is waving," anito. Alam ni Y na nakangisi si Dale sa mga oras na iyon. Hindi na rin naman siya nakareklamo ng pagpatayan siya ng tawag nito. Napatingin na lang siya sa screen ng cellphone niya hanggang sa mamatay ang ilaw. "Pambihira. Paanong hindi siya ang mananalo, ay kasintahan ko na nga si Jean. Kahit kailan talaga. Napakabudol ng isang iyon. Higit sa lahat ang laking humingi ng pusta, pag-alam na malaki ang alas niya Haist!" Napailing na lang si Yago bago muling inalis ang pagkakalock ng pintuan at muling tinungo ang kama. Dahan-dahan siyang nahiga at dinama ang kamang iyon. Napatitig naman siya sa kisame. May kalumaan na ang bahay ngunit maayos pa naman. Sa mga nakalipas na taon iyon ang naging kwarto at higaan ni Jean noong hindi pa ito nagtutungo ng Maynila. Ngayon naman ay ilang araw siyang mananatili at mahiga sa kama at kwartong iyon habang nandoon sila sa probinsya. Hindi man siya ganoong ka komportable, ngunit ayos lang sa kanya. Wala siyang reklamo lalo na at tungkol kay Jean ang lahat ng nasa kwartong iyon. "Malaman ko lang talaga ang katotohanan. Makuha ko lang talaga ang hustisyang hinahanap ko. Pakakasalan na kita," aniya na may malawak na ngiti. Habang inaalala ang maganda at maamong mukha ng dalaga. Ngayon pakiramdam niya ngayon lang siya nagbibinata. Hindi naman niya naramdaman ang bagay na ito noon. Ngayon lang. Ngayong nakilala lang niya si Jean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD