Chapter 21

1737 Words
Lihim na napapasulyap ang mga kapatid ni Jean kaya Yago habang kumakain. Hindi kasi nila malaman kung maaawa ba sila sa binata o matatawa. Pero sa totoo lang mas lamang ang awa nila kay sa pagtawanan ang binata. Habang naghahanda ng pagkain si Jeanna ay kumuha naman ng dahon ng saging si Apollo malapit sa pwesto nila. Mayroon din doong malinis na ilog na pwede nilang pagkunan ng maiinom. Ayon naman sa munisipyo na nakakasakop sa bayan nila at sa bundok na iyon ay safe inumin ang tubig sa ilog. Lalo na at naitest na rin iyon ng mga experto. Kaya naman ang mga nagtutungo sa bundok ay hindi na nagdadala ng pinggan kung nais mang magdala ng pagkain lalo na at pwedeng gamitin ang dahon ng saging na pwedeng linisan lang sa ilog at ang iba ay sa ilog na rin kumukuha ng maiinom. Isang buntong hininga ni pinakawalan ni Apollo ng hindi na niya matiis ang sitwasyon ni Yago. Ramdam na ramdam kasi ni Apollo at Jeanna na hindi marunong kumain ng nakakamay lang si Yago. "Kuya Yago umamin ka nga," napatingin naman si Jean sa kapatid ng biglang magsalita si Apollo. "Ano bang pinagsasasabi mo Apollo? Kumain ka na lang. Kung anu-ano kasing napapansin mo. Mamaya mailang si Yago sayo. Isa pa ano ba ang dapat aminin niya?" saway ni Jean sa kapatid ng mapatingin kay Yago na tatlong daliri lang ang ginagamit sa pagsubo ng pagkain nito, at nakataas pa ang hinliliit. "Halata kasing hindi marunong kumain si Kuya Yago ng nakakamay lang," sabat naman ni Jeanna. "May mali ba sa ginagawa ko?" Hindi na napigilan ni Yago ang magtanong. Oo nga at hindi siya marunong kumain ng nakakamay. Ngunit pinipilit naman niyang gawin ang nakita niyang ginagawa ni Jean. Isa pa ay kahit hindi siya pamilyar sa mga pagkaing nakayain ay sinusubukan niyang tikman at kainin. Noong gulay at tuyo ang ulam nila ay walang problema. Dahil kumakain siya noon, turo na rin ni Yaya Constancia. Ang hindi lang talaga pamilyar ay sa tinatawag ni Jean na kuhol at pako. Na ulam nila ngayon. Mabuti na lang din at pinadalhan sila ng Inay Agusta ng itlog na pula, kamatis, toyo na may sibuyas at sili na siyang inuulam niya ngayon habang nakakamay. "Hindi ka sanay kumain ng nakakamay?" usisa ni Jean na mabilis na ikinatango ni Yago. "I only used fork and spoon. This is the first time I eat with my bare hands," paliwanag ni Yago sa nahihiyang tinig. "Kaya pala kahit pagnagkakape tayo may tinidor at bread knife sa tabi mo. Akala ko naman kasi dahil pagnaglilinis ka lang sa hardin. Ay baka may dumi lang ang kamay mo. Iyon talaga ang dahilan?" namamanghang tanong ni Jean na ikinatango naman ni Yago bilang sagot. Hindin naman mapakali si Yago kung paano pa ang gagawing pagsagot kay Jean at sa mga kapatid nito. Hindi naman kasi siya tinuruan ni Yaya Constancia na magkamay habang kumakain. Akala niya ay sapat ng nakakakain siya ng mga pagkain na kilala niya na inihahanda nito. Marami pa rin pa siyang hindi alam. Napatingin naman sila kay Jeanna ng magsalita ito. "This is the reason why I also brought a spoon and fork because my suspicion was correct. Kuya Yago doesn't know how to eat with his hands. Because I saw how he forks dried fish last night," nakangising paliwanag ni Jeanna habang inilalabas sa kanyang dalang bag ang kutsara at tinidor na nakabalot pa sa kitchen towel at plastic. "Ito kuya oh, kuhanin mo na. Maglinis ka na lang ng kamay dyan sa tabi. Heto ang tubig. Wag ka ng mahiya. Kahit ito lang ang ulam natin ngayon, mas maganda kung maging komportable ka sa pagkain. Mahaba pa ulit lalakbayin natin mamaya pabalik sa bahay. Kaya kailangan mo ng lakas," dagdag pa ni Jeanna. "Yabang. Ang haba ng English mo Jeanna," puna naman ni Apollo, sa unang sinabi ni Jeanna. "Wag kang epal Kuya Apollo. Nakakadala kasi si Kuya Yago. Ang sarap ding magsalita ng English. Pakiramdam ko, isang buwan ko lang makasama si Kuya Yago, mas gagaling na talaga ako sa pagsasalita ng English. Pangarap ko pa namang makapagtrabaho sa isang malaking kompanya. Tapos ay makakaharap ko iyong mga malalaking tao. Tapos pagmagsasalita sila ng English syempre masasagot ko din sila ng English. Kasi confidence na ako sa sarili ko na kaya ko." Napangiti naman si Jean sa sinabi ni Jeanna. Noon pangarap din niya ang bagay na iyon. Pero masaya na siya sa kung ano lang ang mayroon. Iyon ay ang matupad ng mga kapatid niya ang mga pangarap ng mga ito. At nandoon lang siya para suportahan ang mga ito. Napabaling naman si Jean kay Yago na napaubo matapos magsalita ni Jeanna. Hindi niya napansin na nasamid ito. Mabuti na lang at may nakahanda rin silang tubig. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jean na ikinatango ni Yago. "Hindi naman ako magaling mag-English Jeanna. Naririnig ko lang iyon. At nakapag-aral din ako kahit konte kaya may alam ako." "See, ay bakit nga hindi ka maghanap ng ibang trabaho kuya? Sayang kung magiging hardinero ka lang. Hindi sa minamaliit ko iyon kuya ha. Sa akin lang kasi sayang ang galing mo kasing mag-English," paliwanag pa ni Jeanna. "Si Ate Jean naman, iyon kasi ang choice niya ang unahin kami ni Kuya Apollo na makatapos ng pag-aaral. Kaya naman heto kami puro lang pagbibiro man sa bahay. Pero hundred percent todo aral kami ni kuya. Para masuklian namin ang sakripisyo ng ate at ng inay at itay para mapag-aral kami sa magandang eskwelahan," paliwanag ni Jeanna. "Ay s'ya baka tayo ay magkaiyakan pa. Kaya tayo nandito para makapagrelax. Masulit ang bakasyon, kaya kumain na tayo. Kain ka na Yago." Ipinagpatuloy lang nila ang pagkain ng mapatingin si Yago kay Jean habang nakatapat sa bibig niya ang laman ng kuhol na hawak nito. "Masarap yan," wika pa ng dalaga. Napalunok naman si Yago. Hindi talaga siya pamilyar sa pagkaing iyon. "Anong gagawin ko?" "Nganga. Buksan mo lang iyang bibig mo." Sinunod naman ni Yago ang sinabi ni Jean. Wala namang arte ang dalaga na dinala sa bibig ni Yago ang hawak na laman ng kuhol. Pinagsiklop naman ni Yago ang kanyang labi ng maisubo ni Jean ang pagkaing iniuumang nito sa kanya. Naramdaman pa niya sa loob ng kanyang bibig ang malambot na daliri ng dalaga na nagbigay ng init ng tumama ang kanyang dila dito. Mabilis namang binawi ni Jean ang kayang daliri na ginamit pagsubo kay Yago. Napakainit sa loob ng bibig ng binata. Bagay na bigla ding nagpainit sa kanyang pakiramdam. Halos mamula pa ang kanyang mukha. Kaya naman mabilis siyang kumuha ng sili at isinubo para maiwasan ang tuksong maaaring ibato ng mga kapatid. Napaiwas naman si Jean ng tingin kay Yago na nagpangiti naman sa binata. "Ate namumula ka," puna ni Jeanna. "Paano ay isinubo ni ate iyong sili. Akala yata niya ay kamatis," natatawang sabat pa ni Apollo. Hindi na lang pinansin ni Jean ang mga kapatid. Binalingan na lang niya si Yago na sa tingin niya ay hindi naman iniluwa ang laman ng kuhol na binigay niya. "Masarap?" Napatango naman si Yago habang nakangiti. "Ipag-aalis na lang kita ng laman, gusto mo?" "Sige," sagot na lang ni Yago. "Siguro wala sa probinsya ninyo ng ganito. Tama ba ako?" "Oo tama, wala." Ipinagpatuloy na lang nila ang pagkain. Nilalagyan na lang ni Jean ng ulam si Yago hanggang sa makatapos silang kumain. Si Apollo at Jeanna na lang ulit ang nagligpit ng kanilang pinagkainan. Nagtagal pa sila ng halos ilang oras sa itaas ng bundok. Nais sana nilang hintayin ang takip silim. Ngunit mukhang uulan sa gabi kaya bago pumatak ang alas dos ng hapon ay nagsimula na silang bumaba ng bundok. Pakiramdam ni Yago ay hindi kasing layo pag-akyat nila ang pagbaba. Sabi nga iba talaga pag-unang beses ka sa lugar. Iyong pakiramdam mo na sobrang layo hindi naman pala ganoon kung sa ikalawang beses mong masusubukang baybayin. Pagkarating nila ng bahay ay saktong bumuhos ang malakas na ulan. "Mabuti at nakauwi na kayo kaagad," bati ni Inay Agusta galing sa kusina. "Magandang hapon po nay," bati naman agad ni Yago ng makita ang inay ni Jean. Dumaan na rin naman sila sa may tindahan sa labas kaya alam na rin ng itay ni Jean na naroon na sila. "Kaya nga inay. Hihintayin sana namin ang takip silim, kaya lang heto at alas kwatro pa lang ng hapon ay bumuhos na nga kaagad ang ulan," ani Jean. "Sige at magpahinga na muna kayong dalawa. Ang mga kapatid mo?" "Nasa itay po. Para daw po makapagpahinga ang itay ang dalawa muna ang tatao sa tindahan. Nasa tumba tumba naman po ang itay doon na daw iidlip." "Ganoon ba? S'ya magpahinga na muna kayong dalawa. Hatid mo namuna si Yago sa kwarto mo. Doon ka na muna ulit sa kwarto ni Jeanna," bilin pa ng kanyang inay. "Salamat po," ani Yago na nginitian ng ginang bago bumalik sa kusina. Napailing na lang si Jean ng talikuran sila ng ginang. "Ang inay talaga, parang ang laki ng bahay namin, ay ilang hakbang lang naman at kwarto ko na at ni Jeanna," napapakamot pa sa ulo si Jean bago sinunod ang ina. "Magpahinga ka na lang muna," aniya kay Yago matapos niyang ihatid sa kwarto niya. "Salamat. Pero hindi ba ako nakakaabala sayo. Kwarto mo itong ginagamit ko. Tapos ikaw pa itong nakikishare sa kapatid mo?" "Wag kang mag-alala. Mas mabuti ng nandyan ka sa kwarto ko kahit papaano malalaman mong simple lang ang bahay namin, maayos naman ako sa bahay. Kaya sure na hindi ka maturn off sa akin. Pagniligawan mo ako sasagutin ag..." Hindi natapos ni Jean ang sasabihin ng marealize niya ang sinasabi niya kay Yago. Napangiti naman si Yago sa mga sinasabi ng dalaga sa kanya. "Pumasok ka na," utos ni Jean. Halos ipagtulakan naman ni Jean si Yago papasok sa kwarto niya. Ng masiguradong nasa loob na ang binata ay mabilis niyang isinara ang pinto at hinayon ang kwarto ni Jeanna at mabilis na isinara ang pinto. Habol hininga pa siyang sumandal sa pintuan. "Ano ang mga sinasabi ko?" reklamo pa ni Jean sa sarili. Nakatingin lang si Yago sa nakasaradong pintuan. Hindi man siya magsalita nararamdaman naman niya ang nararamdaman ni Jean para sa kanya. Ganoon din naman siya sa dalaga. "Darating tayo doon Jean. Darating tayo sa pagkakataong magpapakilala ako ng tunay na ako sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD