Napatitig naman si Jean kay Dale, Yago at Yaya Constancia ng sabihin ng huli ang balak nila.
"Talaga po? Pwede akong umuwi sa amin. Kaya lang hindi po ba talaga ninyo ako inaalisan ng trabaho? Wala naman po siguro akong nagawang mali. Bukod po doon sa mga kapalpakan na nagawa ko kay Mr. Y noon. Sa pagkakatanda ko naman po ay goods pa ang record ko. Wala pa naman po ulit akong nagagawang mali di po ba?" paliwanag ni Jean na hindi talaga niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang binigyan ng bakasyon ng mga ito.
Mula ng umalis ng kusina si Yago at Dale ay nagtagal din ang mga ito ng kalahating oras bago nakabalik. Sakto namang kaluluto lang nila ni Yaya Constancia kaya naman sabay-sabay na muna silang kumain ng agahan.
Pagkatapos kumain ay nagtungo pa sila sa may hardin at doon napagpasyahang mag-usap, dahil may sasabihin ng ang mga ito. Noong una ay hindi naman malaman ni Jean kung bakit kasama pa siya sa pag-uusap ng mga ito. Ngunit ngayon ay nauunawaan na niya ang dahilan. Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit parang biglaan naman. Oo nga at gusto niyang umuwi. Pero bakit hindi pa siya nakakapagsabi ay nakahayin na kaagad ang pagbabakasyong pinagbabalakan pa lang niya.
"Relax hija. Hindi ka namin aalisan ng trabaho at hindi ka naman inaalis ni Y sa trabaho, okay. Ganito kasi iyon lilipat muna tayo ng bahay. Sa dating bahay at darating ang pamilya ni Y. Bali tito niya iyon na kapatid ng daddy ni Y. Doon sila mananatili."
"Di po ba dapat ay nandoon po ako para may makatulong kayo sa paglipat. Mas mabuti pong may kasama kayo."
"Ano kasi Jean. Paano ba? Hindi ko kasi alam kung ayos lang sa pamilya ng tito ni Y kung may ibang katulong. Alam mo na sanay ang mga iyon na ako lang ang katulong sa bahay na iyon. Matatawagan naman kita pag-ayos na sa kanila na may kasama ako sa bahay na iyon."
"Sensitive po pala sila," bulong ni Jean na narinig naman ng tatlong kaharap.
"Oo nga, ganoon nga hija," pagsang-ayon ni Yaya Constancia sa kanyang sinabi.
"Kung ganoon po. Sige po. Sana po ay tawagan pa rin po ninyo akong muli. Malaking tulong po sa amin ng pamilya ko ang trabaho ko dito."
Napatingin naman silang lahat kay Jean ng may lambong ng lungkot ang boses nito. Napangiti naman si Yaya Constancia sa inasal ng dalaga.
"Tatawagan ka talaga namin. Kasi isama mo muna sa inyo si Yago."
Napatingin naman si Jean kay Dale ng magsalita ito. Tapos ay kay Yago na kanina pa palang tahimik.
"Hindi po ba siya uuwi ng kanila?"
"Masyadong malayo ang lugar nina Yago. Isa pa kauuwi lang niya noong nakaraan di ba. Baka akalain ng pamilya niya ay inalisan siya ng trabaho. Isa pa siya lang ang inaasahan ng pamilya niya sa probinsya. Mayroon siyang labing isang kapatid at siya ang panganay," paliwanag ni Dale na ikinaubo ni Yago.
Napatingin naman silang lahat kay Yago na masama ang tingin kay Dale na hindi makapigil ng ngisi.
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jean.
"Maniwala ka sa akin Jean. Nahihiya lang talaga si Yago. Ngunit iyon ang katotohanan," dagdag pa ni Dale.
"Ayos lang kung ayaw mo. Baka mamaya ay matakot pa sa akin ang pamilya mo," saad ni Yago na mabilis namang nilapitan ng dalaga.
Hinawakan ni Jean ang kamay ni Yago. Damang-dama naman ng binata ang init ng kamay ng dalaga na nakahawak sa kamay niya. May kakaiba talaga kay Jean para sa kanya. Bagay na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. Ang damdaming pinupukaw ni Jean sa kaibuturan ng kanyang puso.
"Wag ka ngang ganyan sa sarili mo, kasama mo ako. Isa pa mababait ang inay at ang itay. Pati mga kapatid ko. Kung ayos lang naman sayo na magstay sa amin ay walang problema. Presko naman hangin doon. Madaming palayan kang makikita sa daraanan. Tapos ay maraming puno. Maliit lang ang bahay namin pero masarap manirahan doon," ani Jean habang nakatitig sa mga mata ni Yago.
"Pero hindi ba nakakahiya ang itsura ko. Pangit at nakakatak--."
"Ssshhh!" pigil ni Jean sa dapat ay sasabihin ni Yago. "Walang pangit na ginawa ang Diyos. Ang pangit na sinasasabi mo ay nakikita lang ng mata ng mga taong mapanghusga na wala namang ambag sa lipunan. Sila iyong mga latak sa isang kumunidad na hindi marunong tumingin sa tunay na kahulugan ng maganda at mabuti. Hindi mahalaga ang itsura at anyo ng isang tao o bagay. Ang mahalaga ay ang kwentong nakapaloob dito. At ang kabutihan ng puso ng isang tao."
Natigilan naman si Yaya Constancia at Dale sa sinabing iyon ng dalaga. Talagang nakakahanga si Jean sa parteng iyon. Madaming babae na kahit taga probinsya ay maghahanap ng gwapo at mayaman at hindi makikipagkilala sa isang pangit na nilalang. Pero si Jean, walang pinipiling pakisamahan. Basta mabait ka sa kanya, pakikiharapan ka ng maayos ng dalaga.
"Mukhang magugustahan na talaga kita Jean," basag ni Dale sa katahimikang nakapaloob sa kanilang lahat. Sinamaan naman ng tingin ni Yago si Dale na ikinangisi ng huli. "Biro lang. Joke lang naman, galit agad," natatawang saad ni Dale na ikinatawa ni Yaya Constancia.
Naguguluhan man si Jean sa mga ito pero hindi na lang niya pinansin. "Ano kailan tayo pwedeng magtungo sa probinsya. Excited na po akong umiwi. Bibili po ako ng madaming pasalubong sa mga kapatid ko. Lalo na po iyong mga pagkain na hindi naman basta-basta mabibili at makikita sa probinsya."
"Pwedeng ngayong araw. Hindi naman ninyo kailangang mag commute dahil gagamitin ni Yago ang kotse ni Y. Pwede na rin kayong dumaan mamaya sa bayan, para makabili ka ng pasalubong. Sa ngayon ayusin mo na muna ang mga gamit mo Jean," ani Yaya Constancia.
"Ayusin mo na rin ang gamit mo Yago. Promise hindi ka maiinip sa amin," saad pa ni Jean at mabilis na tumayo at lumapit kay Yaya Constancia. "Salamat po Yaya Constancia, pero alam po ba ni Mr. Y na hindi ninyo kami kasama ni Yago sa paglipat? Na matatagalan pa bago kami makabalik, kung pababalikin po kami agad?" bigla namang nalungkot si Jean sa naalalang itanong sa matanda.
"Wag ka mag-alala Jean. Lahat ng desisyon at kilos sa bahay na ito ay alam ni Y."
"Hindi po ba kami magpapaalam sa kanya? Baka mo mamaya isipin ni Mr. Y. Tumatakas kami sa trabaho at baka wala na po talaga kaming balikan. Baka po itong excitement na nararamdaman ko pag-uwi sa ko sa amin kasama si Yago ay pakunsuelo na lang kasi mawawalan na ako ng trabaho," malungkot na saad ni Jean na wari mo ay nagdududa pa rin sa pag-uwi niya ng probinsya. Baka mamaya ay wala na talaga silang trabaho na babalikan pa.
Ilang sandali pa at biglang tumayo si Yago at iniabot ang cellphone nito kay Jean. Hindi basta-basta ang cellphone ni Yago. Wala siyang alam sa mga modelo ng mga mamahaling cellphone. Ngunit kakaiba ang cellphone ni Yago, hindi lang ito basta mamahalin. Isa pa ito sa pinakalatest na cellphone na nakita niya.
"Don't pay attention about my cellphone. Mr. Y just gave that to me."
Napakunot noo naman si Jean sa tono ng pananalita at sa way ng pananalita ni Yago. "Bakit para ka na ring si Mr. Y," aniya sa isipan.
"Wag mo akong titigan, basahin mo iyang mensahe. Iyan ang ipinapakita ko, at hindi iyang cellphone ko," naiiling na saad ni Yago sabay turo sa mensaheng nasa screen ng cellphone.
"Much better you and Jean, to have a long vacation. Pag-uwi ninyo ay maraming trabaho na ulit ang naghihintay sa inyong dalawa. Mahirap na ulit makahanap ng pagkakataon para makauwi. Just enjoy the vacation. --Y"
Nawala na ulit ang atensyon ni Jean sa binitawang salita ni Yago ng mabasa ang mensahe ni Mr. Y dito.
"Iyon naman pala eh. Kaya mapapanatag ka na hija," saad naman ni Yaya Constancia.
"Salamat po, aayusin ko na po ang mga gamit ko."
Mabilis na ibinalik ni Jean ang cellphone ni Yago dito. Excited na tinalikuran sila ni Jean at mabilis na hinayon ang papasok sa loob ng bahay. Naiiling naman si Dale habang nakangiti si Yaya Constancia.
"What!" singhal ni Yago kay Dale.
"Bilis ng flex. at may pa text, text ka pang nalalaman. Latest naman ang cellphone mo."
"Kasalanan mo ito. Di ba sinabi ko na sayong need ko ng isa pang cellphone iyong medyo hindi kagandahang model, para magamit ko."
"Mas maganda na yan, latest model tapos dalawang sim pa. Hindi ka na mahihirapang magdala ng madaming cellphone. Nakakapagpadala pa ng mensahe si Y sa sarili niya," nang-aasar na saad ni Dale na ikinailing na lang ni Yago.
Umalis na rin naman si Yaya Constancia at iniwan ang dalawang magkaibigan para makapag-usap pa ng maayos. Si Yaya Constancia na ang nag-ayos ng mga gamit ni Yago. Kasama ang mga mahahalagang gamit nito.
"Enjoy ka lang sa probinsya," mapanuksong saad ni Dale.
"Baliw."
"Pero seryoso. Mag-enjoy ka doon. Maganda sa lugar nila. Bago ko naman i-suggest ang isang lugar ay napag-aralan ko na."
Napangiti lang si Yago sa sinabing iyong ng kaibigan. "Thanks and I will."