"Good morning Yaya Constancia," bati ni Dale sa nakatalikod na matanda na nagsisimula na namang magluto ng araw na iyon.
Hindi pa sumisikat ang araw ng nagising si Yaya Constancia. Una niyang ginawa ang buksan na ang front door. Maganda daw kasi iyon, para pumasok ang magandang simula sa umaga. Ang gate naman ay sadyang walang lock, pero nakasabat iyon. Safe naman ang lugar. Lalo na at walang ibang nagagawi doon. Sabi nga private property kasi ang lugar na iyon.
"May lakad ba kayo ni Yago? Napakaaga mo naman yata ngayong bata ka. Nasa loob pa yata si Yago kaya hindi pa lumalabas. Hindi ko napansin ang pagdating mo. Pero dito ka na mag-almusal nagluluto na ako ng pang-umagahan."
"Hindi ko yan tatanggihan Yaya Constancia. At pumasok na po ako at bukas naman po kasi ang gate, inalis ko lang po ang nakasabat. Bukas din po, pati na rin ang pintuan. Kaya po pumasok na ako. Isa pa kayo po talaga ang sadya ko." Napatigil sa ginawa si Yaya Constancia at napatingin kay Dale.
Nagtataka man ay ipinaliwanag ni Dale kay Yaya Constancia ang pagdating ni Hector at ng pamilya nito. Ganoon din ang pagbalik nila sa dating bahay.
"Ganoon ba? Anong sabi ni Y?"
"Tutulungan ko po kayong makabalik sa bahay nila, isa pa hayaan po muna ninyong magbakasyon si Yago sa probinsya ni Jean."
"Bakit naman sa probinsya ng batang iyon?"
"Malayong probinsya po ang kina Jean. Kaya mas makakabuting doon na muna sila. Mas mapapanatag po akong si Yago ang kasama ni Jean."
"Ganoon ba? Eh si Yago talaga?"
"Ganoon po talaga yaya. Mahirap na para makaalis din si Yahir. Ako na po ang bahala sa mga bagay na iyon. Gagawan ko ng business trip si Yahir sa ibang bansa o sa ibang lugar. Pero ayos lang po ba sa inyong solo lang kayo sa bahay. Dadalawin ko naman po kayo. Ilang linggo lang din pong bakasyon para kay Yago. Hanggang sa dumating ang tito ni Y at ang pamilya nito. Isa pa mabait po ang asawa ng tito ni Y. Alam kong hindi iyon gagawa ng ikakapahamak ninyo."
"Alam ko Dale at tama ka. Mabait Harlene noong una ko siyang makita noong bagong kasal pa lang sila ni Hector. Sige anak. Kung ano ang mas makakabuti. Hindi ko din matatanggap kung tama ang hinala ninyo, ayaw ding mapahamak si Y," malungkot na sagot ni Yaya Constancia ng mapatingin sila kay Yago papasok ng kusina.
Hindi naman nagawang batiin ni Dale at Yaya Constancia si Yago ng kasunod din nito sa pagpasok ng kusina si Jean. Ang dalaga ang masiglang bumati sa kanila. Kaya naman napaharap dito ang nakangiting si Yago na akmang magsasalita. Ngunit nabitin sa ere ang sasabihin nag mapansin ang pagkatulala ni Jean.
Natigilan naman si Jean at napatitig sa mga mata ni Yago, at sa mukha nito. Kitang-kita sa mukha nito ang pagtataka at labis na pagkamangha. Magsasalita na sana ang dalaga ng mapansin agad ito ni Dale na titig na titig kay Yago. Kaya naman mabilis nitong hinila ang binata na sana ay mauupo sa upuang kinapupwestuhan nito palagi.
Napahabol tingin na lang si Jean sa dalawang nagmamadaling lumabas ng kusina.
"Yaya Constancia, bakit po parang may nag-iba kay Yago. Tapos ang mata niya?"
Hindi naman napansin ni Jean ang pagbukas ni Yaya Constancia ng malaking ilaw sa kusina. Kulay dilaw iyon na ginagamit tuwing malamig ang panahon. Ang kulay dilaw na ilaw ay nagbibigay ng mainit na pakiramdam.
"Anong iba? Naku bakit kasi bukas ang ilaw na ito kaya pala sobrang init," ani Yaya Constancia at pinatay ang malaking ilaw. Ang natira na lang ay ang kulay puting ilaw na ginagamit nila palagi.
"Baka po gawa ng ilaw na iyan. Kasi naman akala ko po ay nawala ang itim sa pisngi ni Yago. Ngunit nandoon pa rin ang medyo kulubot na balat , pati na rin ang kulay ng kanyang mga mata."
"Wag mong isipin yan Jean, siguro ay nabuksan ko ang ilaw kaninang kumuha ako ng sangkap sa sinangag sa ref ay nagulat ako sa padating ni Dale at napakaaga naman, may ipagbibilin lang kay Yago," natatawang saad ng matanda na ikinatango ni Jean. Nawala na rin sa isip ng dalaga ang kanyang nakita.
"Tulungan mo na lang kaya muna ako dito Jean. Ipaghalo mo ako nitong sinangag."
"Sige po Yaya Constancia, ako ng bahala dyan," aniya na mabilis naman niyang sinunod.
Pabagsak namang isinara ni Dale ang pintuan ng kwarto ni Y ng makapasok sila ng silid ng binata. Halos itulak pa niya si Yago paupo ng kama. Para tuloy itong batang nahuli ng ama na may ginagawang hindi maganda kaya mabilis siya nitong ipinasok ng loob ng bahay para masermonang mabuti.
Masama ang tinging ipinukol ni Yago kay Dale. "What's your problem huh?" singhal ni Yago na naiinis sa ikinikilos ni Dale.
"Wala kang pag-iingat!" galit namang sagot nito.
"What!" Hindi mapagilang napataas ng boses si Yago sa sinabing iyon ni Dale. Ano ang dahilan ng galit nito, gayong wala naman siyang ginagawang masama.
"You're to careless Y. Nagtatago ka nga sa pangalan at katauhan ni Yago. Pero wala kang pag-ingat. Alam kong mapapagkatiwalaan si Jean, at nararamdaman kong mabuti talaga siyang tao. Ramdam ko ngang may gusto sayo kahit na ang pangit ng mukha mo," hindi mapigilang bulalas ni Dale bago naupo sa upuan na nasa tabi ng bedside table malapit kay Yago.
"Ano bang problema mo? Bakit ba mukhang galit na galit ka? Ipaliwanag mo ngang mabuti. Kasi kung hindi ako makakapagpigil masasapak talaga kita!"
"Okay wala naman talagang masama na malaman ni Jean na si Yago at si Y ay iisa okay. Alam nating pareho yan. Wag lang sa ngayon. Walang alam si Jean sa kwento ng pamilya mo. Walang alam si Jean sa yaman na meron ka, kahit alam nating mayaman ka naman talaga."
"And?" ani Y na hindi makuha ang punto ni Dale. Alam niyang nag-aalala lang sa kanya ang binata. Halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Kaya naman isang bagay na ayaw ni Dale na mangyayari sa kanya ang mapahamak siya. Ganoon din naman siya kay Dale.
"Hanggat hindi pa natin nareresolba ang lahat. Mag-ingat ka. Tulad ng sinabi ko sayo. Magbakasyon ka muna sa probinsya ni Jean. Ako ng bahala sa kompanya at ako na muna ang bahala sa pamilya ng tito mo. Need ko lang kumalap ng iba pang ibidensya. Mas madali kung nandito na sila at dito na sila tititra," mahabang paliwanag ni Dale. "Isa pa mas gusto ng mommy at ng daddy na lumayo ka muna. Alam mo namang mula ng mawala ang mga magulang mo ay ipinangako ng mga magulang ko na aalagaan at babantayan ka nila. Utang din naming malaki sa pamilya mo ang katayuan namin ngayon. Kaya naman alam mo kung gaano ka kahalaga sa amin," dagdag pa ni Dale.
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin. Tama ka, pero ano ang kinalaman ng lahat ng ito para kaladkarin mo ako ng walang habas dito papasok ng kwarto ko. Hindi ko talaga maintindihan ang nais mong sabihin."
Hinila naman ni Dale si Y papasok ng walk in closet ni Y at tinungo ang connecting door papasok sa kwarto ni Yago. Tapos ay hinila nito ang binata paharap sa upuan sa harap ng salamin na nandoon.
"Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ako hindi magrereact ng ganoon?"
Napatingin naman si Y sa kanyang sarili. Hindi niya napansin na medyo nawala ang kulay itim na make-up sa silicone prosthetics na nilalagay niya sa mukha para mapalabas ang pangit na anyo ni Yago. Humulas na ang kulay nito sa parteng may nakabukol na medyo kulobot. Hindi naman sa lahat ng parte, ngunit makikita na mayroong kulay balat na ito.
Bukod pa doon sa humulas na kulay sa prosthetics ay hindi niya nailagay na naman ang contact lenses niya sa mata. Mabuti na lang at napansin din iyon ni Dale na kulay abuhin ang mata niya ngayon at hindi brown na siyang gamit niya tuwing si Yago siya.
Napabuntong hininga naman si Yago ng maisip na tama si Dale at wala siyang pag-iingat.
"Ngayon sabihin mo kung paano ako hindi mag-aalala. Isa pa pag-uwi ng tito mo dito wag na wag ka ng makakalimot at wag ka lalong magiging pabaya. Dapat ay mga isang linggo na sila dito bago kayo bumalik ni Jean. Siguradong maghahanap ng katulong sa bahay mo at mukhang mapapabayaan ang bahay na iyon. Kaya ikaw na ulit ang pumasok na hardinero trabaho mo na iyan eh. At si Jean ang katulong. Para hindi mahalata ng tito mo ang plano natin. Isa pa dito ko dadalahin ang mag-asawa nina Mang Roberto at Aling Tonia para may magbantay dito sa bahay mo. Maliwanag?"
Napatango na lang si Y sa sinabing iyon ni Dale. Isang ngiti pa ang lumabas sa kanyang labi habang inaayos ang itim na nakalagay sa kanyang pisngi at ang contact lenses na brown sa kanyang mata.
Pinagmasdan pa niya si Dale mula sa salamin na halos ismiran siya dahil sa pagiging reckless niya. Wala man ang mga magulang niya para gabayan siya habang lumalaki. Nandoon naman ang pamilya ni Dale at si Yaya Constancia sa kanya.
Napailing na lang si Y habang nakatingin kay Dale. Hindi pala bagay sa isang lalaki ang umiismid. Nakakababaeng tingnan. Mas lalo lang siyang nangiti ng kumunot ang noo ni Dale na naguguluhan kung ano ang kanyang iniisip.
"What!" anito.
"Wala. Sabi ko thank you bro."