Chapter 23

1577 Words
Sabi nga at palagi nating naririnig, love is in the air. Tulad na lang ng nararamdaman nilang dalawa ngayon. Masarap at masaya naman talaga ang pagmamahal lalo na kung pareho kayo ng nararamdaman ng taong mahal mo. Sa pagmamahal pantay-pantay. Walang mahirap walang mayaman. Kahit anong gawin mo, wala kang magagawa kung napana ka ng makulit na si Kupido. Minsan sa pagmamahal nararanasan din natin ang diskriminasyon. May maririnig at maririnig ka sa ibang tao. Ngunit kung tunay naman ang nararamdaman mo walang silbi ang sasabihin ng ibang tao, sayo, sa inyo. Hindi mahalaga kung mayaman siya at mahirap ka. Hindi rin mahalaga kung gwapo ka at pangit siya, o kaya naman maganda ka at pangit siya. Hindi rin mahalaga kung mataba ka at sexy siya. Walang masama sa physical sa katangian at sa katayuan sa buhay sa larangan ng pagmamahal. Ang mahalaga ang totoo at pagiging tapat sa minamahal. Halos maghabol ng hininga si Yago at Jean ng maglayo ang kanilang mga labi. Ngayon naman ay magkadikit ang kanilang mga noo at magkahugpong ang kanilang mga mata. "Hindi mo ba pagsisisihan kung ako ang mamahalin mo?" tanong ni Yago na hindi inaalis ang pagdidikit ng kanilang noo. "Ikaw ba? Hindi mo ba pagsisisihan kung mahalin mo ako? Nakikita mo ang buhay namin. Mahirap, simple pero mahal kita," pag-amin ni Jean. Napangiti naman si Yago sa tanong na iyon ni Jean. "Kahit anong katayuan mo sa buhay, masaya akong minahal mo ako sa kabila ng pangit kong itsura. Lalo pa at sinabi mong nagagwapuhan ka kay Mr. Y. Pero ako pa rin ang pinili mong mahalin." "Tulad nga ng sinabi ko sayo. Sayo tumibok ang puso ko eh. Pero aaminin kong minsan nararamdaman ko ang presensya ni Mr. Y sayo. Ewan ko ba. Baka nga dahil gusto kita. Pero sana wag kang magagalit," medyo humiwalay si Jean kay Yago para mas matitigan nila ang mata ng isa't-isa. "Noong naglapat ng labi natin, naramdaman ko labi ni Mr. Y. Wag kang magagalit. Aksidente lang iyon. Hindi sinasadya noong may sakit siya." Napalunok naman bigla si Yago sa sinabing iyon ng dalaga. Hindi niya alam na napapansin ni Jean ang mga bagay na iyon. Akala niya ay baliwala lang sa dalaga ang lahat. Ngunit sa sinasabi nito mukhang nakikilala siya ng puso nito kahit iba ang nakikita ng mga mata ng dalaga. "Wag kang mag-alala, naiintindihan. Tulad ng sinabi mo hindi naman iyon sinasadya," nakangiti pa niyang saad. "Pwede ko bang malaman kung ano ng...." hindi na matuloy ni Jean ang tanong niya kay Yago. Bakit naman kasi palaging siya na lang ang nagtatanong. Kotang-kota na siya sa nilulunok na kahihiyan. Habang ang lalaking ito na nasa kanyang harapan ay mukhang tuwang-tuwa sa mga pag-amin niya. "Pumapayag ka bang maging girlfriend ko?" tanong ni Yago kaya naman sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Jean. "Can you be my girlfriend?" ulit na tanong ni Yago na ikinatango ni Jean. Dahil sa sagot ni Jean ay muli na namang siniil ni Yago si Jean ng masuyo at puno ng pagmamahal na halik. Wala silang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga sa kanilang dalawa ay mahal nila ang isa't-isa. Nandoon ang tuwa sa puso ni Jean na mahal siya ni Yago at ngayon ay girlfriend na siya nito. Hindi tuloy niya alam kung makakatulog siya ng maayos mamaya dahil sa sobrang saya. Sa sobrang saya na nararamdaman niya, parang sasabog ang puso niya. Pakiramdam niya ay sila lang dalawa ni Yago ang nag-eexist sa lugar na iyon kung hindi lang sila nakarinig ng ilang tikhim na nagpabitaw sa kanilang mga labi. Dahan-dahan nilang nilingon ang pintuan at tumambad doon ang kanyang dalawang kapatid at mga magulang. Mabilis na napatayo si Jean sa pwesto niya at tumayo sa gilid ng kama. Dama niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Alam ng mga magulang niya na hindi sila magkasintahan ni Yago ng dumating sila sa bahay nila. Tapos ngayong mga oras na ito naabutan sila ng mga ito na naghahalikan pa. "I-itay, i-inay," nauutal na saad ni Jean habang nakatingin sa kanyang mga magulang. Hindi tuloy niya alam kung ano ang gagawin niyang paliwanag sa mga ito. Napayuko pa siya ng hindi sumagot ang mga ito sa pagsambit niya ng pangalan ng mga ito. Napatingin siya sa dalawang kapatid na nagkibit balikat lang. Isa sa pinakaayaw niyang mangyari ang magkaroon sila ng samaan ng loob ng mga magulang. Ngunit wala naman talaga siyang nililihim. Naging mabilis lang ang pangyayari, ngayon lang namang mga oras na ito naging sila ni Yago at hindi naman siya talaga naglihim. "Kain na tayo, namumutla na si ate," putol ni Jeanna sa malalim niyang pag-iisip. Napatingin siya sa kanyang inay at itay na nakangiti sa kanya ganoon din si Apollo. Binalingan naman niya si Yago at na parang sinasabi sa mga titig nito na wag kang mag-alala. Hindi galit ang mga magulang mo. Muli niyang tiningnan ang mga magulang. "Tara na sa kusina, lalamig na ang pagkain kung hindi pa kayo kikilos na dalawa dyan. Sabi ng pag okay na kayo. Lumabas na kayong dalawa at kakain na. Hindi ko sinabing kainin ninyo ang isa't-isa," natatawang saad ni Agusta na inakbayan pa ni Juan na natatawa sa sinabing iyon ng misis niya. "Parang nakita kita sa anak nating si Jean. Parang papaya na biglang namutla ng mahuli ng mga magulang na nakikipaghalikan," dinig pa nilang wika ni Juan sa asawa. "Sunod na kayo ha. Nagluto ang inay ng bicol express at adobo. Paborito iyon ni ate, Kuya Yago," ani Apollo at kasabay nitong naglakad paalis si Jeanna. Nagkatinginan naman si Yago at Jean dahil sa hindi inaasahang kilos ng mga magulang. Sa halip na magalit ang mga ito sa nasaksihan at mukhang baliwala lang sa mga ito. Isa pa ay parang inaasahan na ng mga ito ang nakitang tagpo ng mga ito. "Hindi sila galit?" nagtatakang tanong ni Jean. "Siguro, kita mo naman at ramdam mo rin di ba?" Mabilis silang naglakad patungong kusina ng sumigaw si Jeanna na nagsisimula ng kumain ang mga ito. Napatingin naman si Jean sa kanyang ama na maganang kumakain ganoon din ang kanyang inay. "Hindi po ba kayo galit sa akin?" Hindi na napigilang tanong ni Jean dahil nawiwirduhan siya sa mga magulang. "Ano bang ibig sabihin mo anak? Iyong naabutan namin na naghahalikan kayo ni Yago?" Napayuko naman si Jean sa hiya sa sinabing iyon ng ama. "Kayong dalawa, bawal pa ang kasintahan ha. Magtapos muna kayo ng pag-aaral para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan," baling naman ng kanyang itay sa dalawang kapatid. Magalang namang sumagot ang mga ito na may pagthumb-ups pa. "Tungkol naman sa iyo anak. Alam mo na ang tama at mali. Nasa tamang edad ka na. Isa pa paano kami magagalit, kung nakikita naman namin sa mga mata mo kung paano mo tingnan si Yago. Hindi ka ganyan sa mga kakilala mo dito. Pero ibang iba ang tingin mo kay Yago. At para naman kay Yago," tumingin naman si Yago sa kanyang ama. "Oo nga at ngayon ka lang namin nakilala. Sinabi ni Jean na hardinero ka doon sa bahay ng boss ninyo? Wala akong pakialam sa estado mo sa buhay. Ang mahalaga sa akin ay ang aming anak. Kung tapat ka at mahal mo ang anak ko, walang problema sa akin. Kung darating ang panahon na hindi pala kayo ang para sa isa't-isa. Bitawan mo ng buo ang anak ko. Oo at masasaktan kayo, masasaktan mo siya kung talagang darating ang araw na iyon. Isa lang ang hihilingin ko sayo. Sabihin mo pag-ayaw mo na sa kanya. Sabihin mong mayroon ng iba na hindi mo inaasahan na dumating. Kausapin mo siya ng masinsinan. Tapat at puso sa puso. Iyon lang maghiwalay man kayo, maluwag kong matatanggap bilang magulang at mapapayuhan ko ng maayos ang aking anak. Hindi lahat ng nagmamahal umaabot sa walang hangganan minsan natatapos," mahabang paliwanag ng kanyang ama na ikinaluha ni Jean. Kahit ang kanyang inay ay naluha pati na rin ang mga kapatid niya. Kababakasan naman ng pagkamangha si Yago sa narinig na iyon sa ama ni Jean. Napakaswerte niya sa kasintahan. Maaga man siyang nawalan ng magulang, ngunit sa mga oras na iyon naramdaman niya ang presensya ng mga magulang niya na gumagabay sa kanya habang isinasapuso ang mga sinasabi ng itay ni Jean. "Salamat po itay sa pagtanggap. Kahit po ganito lang ako. Sa itsura pa lang walang maiipagmalaki." "Minahal ka nga ng anak namin kaya anak ka na rin namin. Wala naman iyan sa itsura nasa pagmamahal iyan," wika pa ni Juan na sinang-ayunan pa ng asawa nito. Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoong kabuting tao si Jean. Namana nito ang ugali ng mga magulang. Pati na rin ang mga kapatid nito ay mababait. "Hala, tayo ay kumain na," wika pa ng kanyang inay. "Mukhang mahabang kwentuhan ang nais ninyo pagkatapos kumain at kahit pagod kayo ay parang hindi kayo makakatulog kaagad. Kaya magtitimpla ako ng kapeng barako. Tamang-tama at madami din akong patatas. Gagawa ako ng potato chips na gustong-gusto niyo para may kapartner ang kape." Ipinagpatuloy nila ang pagkain, kasabay pa rin ng kanilang kwentuhan. Masaya si Jean at si Yago na tanggap ng mga ito ang relasyon nila na kasisimula pa lang. Napangiti naman si Yago ng maalala si Yaya Constancia. Gusto man niyang ibalita dito ang bagay na iyon ay hindi na lang muna. Hihintayin na lang niyang makabalik sila ng Maynila bago ibalita sa matanda ang relasyon nila ni Jean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD