Mula ng dumating si Yago ay hindi na talaga nakita pa ni Jean si Mr. Y, kahit sa gabi. Alam niyang busy ito dahil iyon ang natatandaan niyang sinabi sa kanya ni Yaya Constancia. Gusto man niyang magtanong wala din naman siyang maisip na itatanong. Lalo na at alam niyang may kompanya itong pinapatakbo sa tulong ng kaibigan nitong si Sir Dale.
Tulad ni Mr. Y. Busy din si Yago na halos hindi na niya gaanong nakikita sa bahay na iyon. Sila na lang palagi ni Yaya Constancia ang palaging nagkakausap at nagkikita. Malungkot din pala talaga ang malaking bahay ngunit wala namang ibang nakatira.
Ilang sandali pa at naisipan ni Jean na tawagan ang mga magulang. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakauwi ng probinsya at at puro pagpapadala na lang ng pera sa mga ito ang naiibahagi niya sa pamilya.
"Inay kumusta na po kayo dyan?" agad na wika ni Jean sa kabilang linya ng sagutin ng kanyang inay ang tawag niya.
"Maayos kami anak dito. Ang mga kapatid mo ay hindi na namomoroblema sa pamasahe at baon sa eskwelahan. Ang itay mo naman ay nagbabantay sa maliit nating tindahan. Noong unan mong padala ay nabili ako sa bayan ng konteng groserya at itininda ko dito sa bahay. Bumibenta naman anak. At noong ikalawa at mga sumunod pa ay ipinandagdag ko. Madami na tayong paninda anak. Kaya kahit papaano ay hindi na gaanong nahihirapan. Ang itay mo naman ay pinatigil ko na sa trabaho palagi na lang sumasakit ang likod. Kaya naman ngayon ay maayos na ang pakiramdam. Habang ako ay gumagawa ng gawaing bahay. Nandoon sa may maliit nating balkonahe ang iyong ama at nagbabantay sa mga paninda," masayang pagbabalita ng kanyang inay sa kanya.
Hindi naman malaman ni Jean ang tuwa na kanyang nadarama sa totoo lang ay napakaswertr niya sa mga magulang. Hindi pa man siya gaanong nagtatagal bilang katulong sa Maynila, ay nahahawakan na ng mga ito ng maayos ang kanyang pinaghirapan. Damang-dama niya ang pagpapahalaga ng mga ito aa kanyang pinaghirapan.
"Masaya po ako kung ganoon inay. Yaan po ninyo pag may pagkakataon. Uuwi po ako dyan sa atin ng makasama ko man lang po kayo. Mahal na mahal ko po kayo at ang itay at mga kapatid ko."
"Mahal na mahal ka din namin anak. Kakausapin mo ba ang itay mo? Wala dito ang mga kapatid mo at nasa eskwelahan."
"Hindi na po inay. Magsisimula na rin po ako ng trabaho. Pero magkakape po muna ako. Ikumusta na lang po ninyo ako sa itay at sa mga kapatid ko."
Masayang ibinaba ni Jean ang tawag. Sinong anak ang hindi matutuwa sa ganoong balita. Namiss tuloy niya ang mga magulang.
"Siguro sa susunod pwede naman akong magpaalam na uuwi," ani Jean sa sarili ng pagpasok niya ng kusina ay si Yaya Constancia na lang talaga ulit ang kanyang nadatnan.
Wala doon si Yago na mula ng dumating siya ay nakasanayan na niyang makasabay sa hapag. Kung hindi man sa kusina ay sa may hardin. Pero ngayon ay wala.
Busy talaga ito at palaging umaalis sa hindi niya malaman na kadahilanan. Noong una ay sumasama pa siya dahil sa pagpapadala niya ng pera sa mga magulang at kapatid. Nang sumunod na araw ay dahil sa pagtungo niya ng grocery.
Pero hindi na ulit si Jean nakasama kay Yago mula ng araw na iyon. Wala din naman siyang gagawin pagtungo sa bayan.
"Yaya Constancia."
Napalingon naman ang matanda sa pagtawag niya. Busy ito sa pagluluto. Tuwing umaga ay nagigisnan niya si Yago doon at nagkakape. Pero sa ilang araw niya itong hindi nakikita ng umaga. Parang kulang ang buong araw sa kanya.
Si Yaya Constancia din ang nag-aalis ng mga damo sa mga halaman na si Yago naman ang dating gumagawa.
"Bakit hija? Halika na magkape na tayo. Matataas na ang halaman ng san fransisco sa likod bahay. Nais ko sanang putulan muna."
"Nasaan po si Yago?"
"Namimiss mo na naman si Yago? Busy lang iyon hija, makikita mo din iyon pag wala ng ipinag-uutos si Y," tukso pa ng matanda na ikinapula ng kanyang pisngi.
"Hindi naman po sa ganoon yaya, kayo po talaga. Natanong ko lang naman po. Tara na nga po at magkape," pag-aaya niya sa dito, para maiwasan ang mapanuksong biro at tingin ni Yaya Constancia.
Samantala, halos ilang araw ng nagpapabalik-balik si Yago sa opisina ni Dale. Marami kasing trabaho na kailangang tapusin si Mr. Y. Hindi naman pwede si Yago na magtungo sa kompanya. Kaya lahat ng trabaho ay inuuwi ni Dale sa opisina niya.
Tuwing gabi naman ay nandoon si Mr. Y para pag-usapan ang nalalapit na pag-uwi ng pamilya niya. Hindi malaman ni Y kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya ngayong mag stay for good sa Pilipinas ang pamilya ng Tito Hector niya.
Sa katunayan ay wala namang masama kung manatili ang mga ito ng Pilipinas. Masyado ding malaki ang gastos sa ibang bansa. Kung dito ay maaari pang manirahan ang mga ito sa dati nilang bahay.
Ngunit ng sabihin ni Y ang planong iyon ng Tito Hector niya ay nabahala si Dale, pati na rin ang mga magulang nito. Mahirap magtiwala sa taong pinaghihinalaan. Kaya kailangan nilang mabantayang mabuti ang seguridad ni Y. Mas mabuti sana na mali sila sa kanilang hinala. Kay sa maging tama. Sabi nga iba pa rin ang nag-iingat.
Ngayon araw ay nandoon muli si Yago sa opisina ni Dale, para mapag-usapan ang pagbalik ng Tito Hector ni Y.
"Ano ng balita?" ani Yago habang nakatingin sa glass wall sa opisina ni Dale.
"Kailan ang sinabi nilang uuwi daw sila? Dapat talaga makabalik na kayo sa dating bahay. Wala dapat makaalam sa bahay ninyo ngayon."
"Siguro nga tama ka. Isa pa next month? Iyon ang sinabi ni Hareya. "
"Bakit hindi ka sigurado?"
"Wala naman kasing exact date na sinabi si Hareya. Basta sa susunod na buwan."
"Pupuntahan ko kayo bukas para makabalik kayo sa dating bahay. Ako na lang magpapaliwanag kay Yaya Constancia. Anong gagawin ko kay Y?"
"Busy? May business meeting. Ikaw na ang magpaliwanag. Total naman liwas na ako sa problemang iyan."
"Sira. Ako ng talaga ang bahala. Ako na rin susundo sa kanila sa airport. Need nilang masurpresa kasi alam ko na kailan ang pag-uwi nila," nakangising saas ni Dale. "Pero paano ang tita at ang dalawang bata?"
"Wala naman silang alam sa mga nangyayari. Sure akong makakasundo nila si Yaya Constancia at Jean."
Napatingin naman si Dale na ngiting lumalabas sa labi ni Yago. Bago iyon sa kanyang paningin.
"Si Jean ba iyan?"
Maang na napatingin si Yago kay Dale na wari mo ay hindi naiintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Anong sinasabi mo?" naiiling niyang tanong sa mapanuksong tingin ni Dale.
"Wala naman. Pero may kakaiba sayo. Wala ka bang balak na, alam mo na," napailing si Yago sa sinasabi ni Dale.
"Hindi pa ngayon," makahulugang saad ni Yago bago muling tumingin sa labas ng glass wall.
"Sabagay. Madaming bagay ang dapat pag-isipang mabuti bago gumawa ng aksyon. Pero sa napapansin ko. Hindi naman ang masungit na si Y ang nakasungkit sa puso ng simpleng dalagang iyon. Kundi ang pangit na si Yago," biro ni Dale sabay tawa ng malakas.
Naabot naman ni Yago ang balikat ni Dale at binigyan iyon ng may kalakasang suntok.
"Iyan ang hirap sa pag-aalaga mo sa mga halaman eh. Hindi ka nga naggi-gym pero iyong suntok mo daig mo pa si PacMan. Magpapasa tuloy ang balikat ko," reklamo ni Dale na siyang ikinatawa lang ni Yago.
"Pero sa totoo lang, masaya ako sa nangyayari. Hindi ko ito inaasahan."
"Nararamdaman kong may ipinapahiwatig ka, ayaw mo lang magpahalata. What if magbakasyon ka muna."
"Pag-iisipan ko. Pero wala naman akong alam na pwedeng puntahan. Hindi naman ako pwedeng lumayo."
"Sa probinsya."
"Saan namang probinsya. Wala akong alam na probinsya," naguguluhang saad pa ni Yago na ikinangiti ni Dale.
"Trust me," anito habang nakangisi.
Hindi na lang pinansin ni Yago ang sinasabing iyon ni Dale. Hindi naman siya sigurado kung susundin nga ba niya ang suhestiyon nito.